Happy
.
.
We ended up in El Frasco. It's a restaurant and bar at the same time. There's a musician on the stage. He's playing an acoustic guitar and singing at the same time. He's playing an Italian song. Maganda pakingan sa tainga ang boses niya, lalong lalo na ang musika. Wala ako naiintindihan sa kanta niya pero masarap sa puso ito.
."Any particular food you want on the menu?" tanong niya habang tinitigan ang menu ko.
.Lahat 'ata masarap sa paningin ko. Pero gusto ko siya ang pipili para sa akin. E, treat niya 'di ba? Kasi kung ako ang pipili baka mas mahal pa. At isa pa, bibilhin na nga niya ang bag ko, e baka hindi na magkasya ang pera niya.
."Ikaw na pumili. Okay lang sa akin kahit na ano, kakainin ko. Huwag lang masyadong maanghang."
"Okay." He nodded.
.After a few minutes of listening to the music and waiting for the orders. Brent placed a little envelop in front of me. Napatingin pa ako rito, at napatitig na ako sa kanya.
."That's the payment of the bag," sabay turo ng mga mata niya sa bag na nasa gilid lang ng mesa.
"Oh, thank you."
.Kinuha ko 'to at nilagay lang din sa loob ng maliit na sling bag. Napatingin pa ako rito. I'm using my least favourite MK crossbody sling bag. Ang totoo, sa Pinas hindi ko kailanman ginamit ito, pero dahil si Riley ang umakyat sa condo ko, ito lang din naman ang nakuha niya.
."I'm sure magugustuhan iyan ng girlfriend mo," ngiti ko sa kanya. Tumango lang din siya, na parang sumang-ayon pa.
"How long do you plan to stay here in Italy?" seryosong tanong niya.
"Hmm? Hindi ko alam... Siguro hanggang sa matapos ang visa ko."
"What do you do in the Philippines?" tanong ulit niya.
"Nothing, bar hopping, friends, you know," ngiwi ko.
He smirked while drinking his beer. "Such a typical happy go lucky person?" Sabay baba niya sa beer.
"Hindi ako ganoon ah. May natapos ako ano! I've mastered BA, and I plan to pursue more masteral degree. Pero hindi na muna ngayon." Sabay inom ko sa tubig at mas tinitigan ang lalaking kumakanta sa stage.
"Bakit hindi? Does your parents can't afford it?"
.Napatitig ulit ako sa kanya at mas kumurap na. If I were to tell him who I am then it's an end game for me. As much as possible I don't want to tell him who my parents are. Pagkakaguluhan lang ako ng medya. Pero iba rito. Walang nakakakilala sa akin at malaya ako.
."Oo, parang ganoon na nga." Sabay iwas ko nang titig sa kanya.
"And you can afford this type of luxury? While your parents cannot afford your schooling?"
.Napalunok na ako sa tanong niya. Mukhang nagkamali 'ata ako nang sinagot sa kanya. Natahimik akong saglit at tinitigan ang bag sa gilid ng mesa. I have to think of something right now. Or else I'll be up to shit!
."Um, kay Bria kasi iyan at hindi akin. Napag-utusan lang naman ako na ibenta 'yan. Pero may kumisyon din ako," lawak na ngiti ko. Napainom na ako ng tubig sa baso.
.Tumango lang din siya at mas ininom na ang beer niya. Dumating nadin ang order namin at maingat na inilapag ito sa mesa ng waiter. Namangha pa ako dahil limang uring putahe ang ini-order niya, at may kasamang mango juice pa.
."Ang dami naman nito," ngiti ko sa pagkain sa mesa.
"Eat up, it's all for you."
"Thank you."
.At nag-umpisa na akong kumain sa harap niya. I miss this kind of food, and it's absolutely taste so good. Nag-angat pa ako ng tingin sa kanya habang kumakain. Hindi man lang niya ginalaw ang pagkain sa plato niya, dahil seryoso siyang nakatitig sa akin.
."Why? Is there something wrong? May dumi ba sa mukha ko?" Sabay nguya ko.
.Hindi na 'ata ako nahihiya sa kanya ngayon. I don't know why. Maybe because I don't look at him like a special person, at wala rin naman akong nararamdaman sa kanya. Kaya patas lang kaming dalawa.
."Nothing. You look so happy while eating. Mukhang sanay ka nga naman sa pagkain na ganito."
"Hindi ah. Ngayon lang ako nakakakain nito!" I lied and look down in my food.
.I don't care about you, Brent. Dahil kakain ako ng tudo sa harap mo! Rinig ko lang din ang bahagyang tawa niya, kaya pinaikot ko na ang mga mata ko sa kanya.
."Kumain ka na nga. Nakakainis ka!"
"Sorry." Mahina siyang natawa at kumain na.
.Tahimik kaming kumain habang nakikinig lang din sa musika. Sumenyas pa siya ng refill sa waiter dahil naubos ko na ang mango juice ko. Nagpasalamat nadin ako.
.Nang mapatingin ako sa pagkain, ay halos naubos ko nga naman ang bawat kalahati nito. Samantalang siya? Ang liit lang din ng kinain at tapos na.
.Hindi na nga ako halos makahinga sa sobrang busog ng matapos na ako. He asked the waiter to pack the remaining food for take away. And he even ordered an extra serves of chocolate cake.
.Napatingin pa ako nito sa mesa ng mailapag ito ng waiter. He then pay it using his card. Hindi na ako lumingon sa bill. I'm pretty sure mahal ang nabayaran niya. Pero okay lang, siya naman ang nag-yaya.
.Nang matapos ay lumabas na kami mula rito. Napatingin pa ako sa relo, at alas nuebe na ng gabi.
"Thank you, Brent. My tummy is happy," ngiti ko.
Tumango na siya at nauna na akong humakbang palabas sa El Frasco. Nahinto ako at mariin na tiningnan ang maliit na kalsada. Marami namang tao, at okay lang din naman na maglakad ako pabalik sa bahay, dahil hindi naman ito kalayuan mula rito.
"Ihatid na kita."
"Huwag na. It's only a ten minutes walk, and that's my exercise for the day too. Ang dami ko rin kinain, kaya okay lang."
Tumango na siya. "Okay, then let me walk with you," at nauna na siyang humakbang sa akin.
Gusto ko pa sanang magreklamo, pero naisip ko gabi na at mas mabuting may kasama akong lalaki ngayon.
"Sure ka? Hindi ba magagalit ang girlfriend mo?"
.
I sounded friendly to him. Huh, the heck! I only act friendly towards him because he saved me today. Siya ang naging buyer ng bag ko at ni-libre niya rin ako. At sino naman ako para hindian ang alok niya?
."No, hindi magagalit 'yon," tipid na tugon niya.
.Tumabi na rin ako sa kanya, at sabay naming binaybay ang daan pabalik sa bahay. Tama nga naman ang sinabi ni Shami kanina. Stacy is his girlfriend. I'm sure she'll love that bag. How lucky is she to have a thoughtful boyfriend. Ito 'ata ang hindi ko naranasan sa lahat ng mga naging boyfriend ko noon. E, mga walang kwenta kasi sila at aminin ko hindi boyfriend material sila. Pang-display ko lang din.
."Thank you for being my customer for the day. You are a best customer indeed! Ni-libre mo pa ako ng hapunan," ngumiti na ako.
"That's nothing, as long as your happy, I am happy too..." seryosong tugon niya.
..
C.M. LOUDEN/Vbomshell
BINABASA MO ANG
Maid in Your Arms(BBHS5)✅
RomanceMatured content Completed ✅ Rated 18+ Matured Content He's a secret agent, and she's one hell spoiled brat daughter of Antonio Monteverde, one of the most influential men in the country. She tried to escape from her parent's wishes, and Brent...