Chapter 34. In love

4.8K 231 18
                                    

"So, who's the lucky guy? Kaninong pamilya? And what does he do for a living?" kinang na ngiti niya.
-Mommy-
.

In love

.

.

NANG makarating sa Manila Ninoy International Airport at matapos sa immigration ay isinuot ko na ng over size sunglasses ko. At nang makalabas ako ay sinundo agad ako ng personal driver ni Daddy. Kilala ko siya, dahil siya na ang pinagkakatiwalaan ng pamilya.
.

"Pasok po, Ma'am Sunny!" mabilis na bukas niya sa pinto.

.

Mabilis agad akong pumasok sa kote at hindi ko na nilingon ang boung paligid. Hanggang sa napansin ko na ang bawat kinang ng kamera mula sa labas, at mabilis lang din na pinaharurut ni Manong ang sasakyan. I rolled my eyes in silent thinking that I'm back here in my reality struck life again!
.

"Hija, Sunny!"
.

Ang iyak agad ni Mommy ang sumalubong sa akin pagkalabas ko sa kotse. Yumakap na ako sa kanya, pero mas mahigpit ang yakap niya.
.

"Mommy," sabay titig ko sa kanya.
.

She looks so stressed. Nakikita ko ito sa pisikal na anyo niya. Para nga siyang tumanda agad ng sampung taon. Her wrinkles are more visible than before. Limang buwan lang naman akong nawala ah. Bakit nagiging ganito na ang mukha ng ina ko? Kagagawan ko rin siguro!
.

"How are you my baby... My goodness, looked at you," sabay titig niya sa kabuuan ko.
.

Napatingin na tuloy ako sa sarili ko ngayon. Nagmukha na siguro akong pulubi sa mga mata niya. Nawala na kasi ang pagiging fashionista ko.
.

"Kumakain ka pa ba? Ba't ang payat mo na, Sunny! What the hell is happening with you, anak? And what's with this style?" Sabay titig niya sa stinelas ko. Naka-stinelas lang kasi ako.

"Mom, I'm perfect! I got used to life... Ganoon lang iyon," sabay hawak ko sa kamay niya, para makapasok na kami sa loob.

"Si Daddy?"

"Kumain ka na muna anak. Your Dad will be here soon. Hindi ko kasi sinabi sa kanya na darating ka ngayon. He was about to leave this morning for Cebu, to check the other branches, but I told him that you're gonna be home today."
.

Nauna nang humakbang si Mommy at tinawag ang dalawang katulong namin para ihanda na ang pagkain.
.

"Mom, can I have my shower first? Ang lagkit dito," sabay tali sa buhok ko.
.

Naninibago ang balat ko sa klima rito. Kaya maliligo muna ako. Para naman maharap ko ng maayos si Papa na hindi lutang ang utak ko.
.

"Okay, go-on, hija. Pinahanda ko na ang kwarto mo sa itaas."
.

Nahinto ako nang hakbang sa hagdanan ng maalala ang kondo ko sa syudad. Nilingon ko lang din si Mommy.
.

"Did Dad confiscate my condo, Mom?"

Ngumiti siya at umiling na. "I've told him that I will file a divorce if he will confiscate your condo, anak."

"Aww, Mommy!"

.

Mabilis agad akong bumaba nang hagdanan at niyakap lang ulit siya.

.

"I love you, Mom! You are the best!" Sabay halik ko sa pisngi niya. Para pa rin akong bata talaga.

"All for my princess," sabay haplos niya sa mukha ko. Napatitig pa siya sa akin ng husto at kumunot na ang noo niya ngayon.

"Did you and Timothy talked in Italy? I've heard he went there to see you?"

I nodded. "Yes, we did, Mom. And I've told him everything... Hindi naman mahirap kausap si Timothy, Mommy. I've told him that I'm in love with someone else and I can't marry him."

.

Tumalikod na ako kay Mommy at umisang hakbang na sa hagdanan.

.

"Are you in love with someone? Over there? To whom?" biglang taas ng boses niya.
.

Nahinto ako at napalunok na. What the heck! Why did it came out in my mouth in the first place? What's wrong with me! Ba't hindi ko na-kontrol ang bibig ko sa ina ko? Dios ko naman oh!
.

Rinig ko na agad ang hakbang niya at humarap na siya sa akin ngayon.
.

"So, who's the lucky guy? Kaninong pamilya? And what does he do for a living?" kinang na ngiti niya.
.

Napalunok na ako habang pinagmamasdan ang ina ko. The heck! Kaninong pamilya? As far as I know, wala 'atang pamilya si Brent! Wala man lang akong alam sa buhay niya at na in-love ako. Ang gaga ko talaga! And what does he does for a living? Heck! Would it be okay to tell Mom that he's a security guard at stake! Ang taas pa naman ng pangarap ng ina ko sa akin, at mabibigo lang siya kapag nalaman niya ang totoong antas ni Brent sa lipunan.
.

"Mom, I will tell you next time okay," sabay iwas ko.

.

Agad lang din niyang hinawakan ang braso ko ngayon, at pinaikot ko na ang mga mata ko. Nahihilo na ako at pagod pa ang katawan ko dahil sa biyahe. Tapos dadagdagan pa ni Mommy ito! Great!

.

"Ipakilala mo sa akin okay?" taas kilay niyang nakangiti.

Tumango na ako. "I will, Mom. Promise," ala fake smile ko sa kanya.
.

Bumitaw na din siya at nagpatuloy na ako nang hakbang patungo sa kwarto ko. Nahinto pa ako ng madaanan ko ang malaking family picture namin na nasa hallway. Bumuntong hininga na ako. Gusto ko pa sanang mag isip, pero mukhang wala ng laman ang utak ko ngayon.
.

Nang makapasok sa kwarto ay naalala ko lang din ang amoy ng kwarto ni Brent. The heck! Everything smells like Brent room. Why is that?
.

Ibinagsak ko muna ang katawan ko sa malambot kong kama. Napapikit mata na ako, at ang mukha agad ni Brent ang nakikita ko ngayon. Napahawak ako sa puso ko.

.

"I miss you, baby..." mahinang tugon ko.
.

.

C.M. LOUDEN/VBomshell

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon