Chapter 48. Meeting His Father

5.5K 248 13
                                    


"Son, don't worry I will look after Sunny. I'll be good to her, son. Lalo na ngayon na may paparating na akong apo," sa tipid na tawa ng Ama niya, at pinatay na ang tawag.
-RAM-
💕💕💕

Meeting His Father


Ang amoy ng masarap na luto ng pagkain ang unang bumati sa akin. Napangiti pa ako, dahil parang nasa isang panaginip ako at si Brent ang kasama ko. Kinapa ko pa ang tabi, pero wala namang ibang tao. Kaya napamulat na ako. Kumunot lang din ang noo ko nang mapansin na may kumot na ako sa katawan ko ngayon.

I can't remember putting this on last night? Perhaps...

"Brent!?"

Mabilis akong napabangon at lumabas sa kwarto. Bumaba nang hagdanan at sa kusina niya nagtungo. Nahinto lang din ako nang mapansin ang kabuuang anyo ng isang taong nakaupo dito sa mesa ng kusina niya.

He looks so dense and heavy. Madilim ang titig ng mga mata niya, at isama mo pa ang sout niyang itim talaga. He's sitting like a boss. He looks scary and his jaw clenches while starring at me. I swallowed hard and hold my breath while my heart is beating rapidly.

Napaatras pa ako pero nahinto rin, nang mapansin ang isang lalaki na pababa sa hagdanan mula sa kinatatayuan ko.

"Si- Si Brent?" Sabay lunok ko.

Tahimik sila at lumapit pa ang dalawang lalaki na malaki ang pangangatawan. Kinabahan na ako. Mukha kasi silang mga gangster at alam kong kaya nilang pumatay ng tao.

"Your name?" Sa tigas na tuno ng boses niya.

Mas umayos lang siya ng pagkakaupo at ininom ang kape niya. He stared at me without even a blink. Judging at his age. He's the same age as my Dad.

"What do you want? Brent is not here. He's not here!"

Napasandal na ako sa dingding at nag iisip kong paano makakalabas sa bahay na ito.

"Easy boys," sabay tayo niya at umatras na ang mga lalaki sa bawat tabi ko.

"I will ask you again... Who are you?" Seryosong tanong ulit niya.

I swallowed hard before answering, and act tough in front of him. Mas inayos ko ang postura ko. Ayaw kong makita niya na natatakot ako sa kanya ngayon.

"It's Sunny Love Monteverde," taas kilay ko.

Bahagya siyang napangiti at napailing na din. He looked at me from head to toe.

"So after all it's you..." Sa nakakakilabot na ngiti at titig niya.

"Rocco Agusto Moretti... Anak ko si Brent," simpling ngiti niya at sumenyas sa mga tauhan niya na nandito.

Napayuko agad sila at lumabas na. Naiwan kaming dalawa ngayon ng Ama ni Brent sa loob ng kusina. Bumalik siya sa kusina at kinuha ang pagkain na niluto niya at nilapag sa mesa. Nanginig nga naman ang mga tuhod ko kanina, pero kumalma na ako ngayon sa kanya.

"How do you like your coffee, Sunny?" Sa baritonong tanong niya.

"Ahm, I can't drink coffee... J-Just hot water will do," agad na sagot ko.

Gusto ko sanang sabihin na hot chocolate pero baka wala si Brent nito. Kaya mainit na tubig na lang din ang lumabas sa bibig ko. Bahagya na siyang natawa napailing na din, at humarap pabalik sa akin. Tinitigan niya ulit ako at napako na ang mga mata niya sa tiyan ko.

"May magiging apo na ba ako?"

"P-Po?" Sabay lunok ko.

Tumalikod ulit siya at siya na mismo ang nagtimpla ng mainit na chokolate. Meron din naman pala si Brent sa cupboard niya.

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon