Chapter 15. Boyfriend

5.7K 252 12
                                    



Boyfriend
.
.

"I didn't noticed that Brent Gaston Moretti is your boyfriend, Sunny," ngiti ni Shami sa akin.
.

Kumunot agad ang noo ko habang ginagawa ang kape na order ng tatlong customer. Gusto ko sanang sumagot pero nagbikit balikat na lang ako. Ayaw ko kasing mawala ang isip ko sa ginagawa ko ngayon. I can't multi-task as of the moment, because I get distracted easily.
.

"Hindi ko siya napansin, kasi nga naman naka sunshade siya. But yesterday? Oh my goodness! Si Brent nga siya."
.

Nilapag ko na sa tray ang natapos na order at kinuha naman agad ni Nido ito.
.

"He's not my boyfriend, Shami. Dito ko lang din naman siya nakilala, at parang praning na nakabuntot sa akin palagi."

"Oh, talaga? Akala ko kasi boyfriend mo siya," gumuhit ang pagkabigla sa mga mata niya.

"No, no." Iling ko habang pinagmamasdan ang mga cakes sa display.

"Pero kasi-"

"Bakit? Kilala mo ba siya? I mean, last time when he helped me I noticed a lot of woman's are eyeing on him. Mukha siyang celebrity rito ah," taas kilay ko.

"Oo, kilala siya halos ng mga babae rito. Lalo na sina Esmeralda at Stacy."
.

Napalingon akong balik sa kanya nang marinig ang pangalan ni Stacy. Naalala ko kasi ito noong isang araw na sinabi ng babae sa kanya. 'Stacy is back in town' the heck lang din ah!
.

"So, who's Stacy?" Nagtanong na ako kay Shami ngayon.

"Oh well, ang maarteng modelo rito. She works in Paris. Maarte, mayaman at higit sa lahat parang linta sa mga lalaki rito!"

Natawa na ako. Natawa akong nakatitig sa kanya.

"Ba't mo naman nasabi na linta?"

"Alam mo na, inaakit lahat ang mga hot at gwapo rito. Pero isang tao lang din naman ang hindi niya nakukuha ng husto, at si Brent ito. Matagal ko ng hindi nakikita si Brent. Sa pagkakaalam ko labas pasok kasi siya sa bansa."

"Do you personally know Brent?"

Sa tuno kasi ng boses niya ay parang kilala niya si Brent. Nakakaintriga lang din.

"No, hindi niya ako kilala. Pero kilala siya ng kuya ko. Magkaibigan sila ni kuya Lorenzo."

"Ahh." Sabay tango ko.

"Paano mo nga pala nakilala si Brent?"
.

Umayos na ako nang tayo. Natapos ko na kasing punasan ang gilid ng display. Nakangiti naman siyang nakatitig sa akin. If I will to tell her the truth about how me and Brent meet, that's a bit embarrassing. Nakahihiya dahil parang ang cheap ko sa gabing iyon.
.

"Oh, well, sa ano, sa palengke! Oo, sa palengke!" Kurap ko.

"Sa palengke? Ang cute naman at sa palengke pa talaga," bahagyang tawa niya.
.

If you come to think of it, it's in the market anyway when we first meet. Naalala ko ang araw na iyon. Noong kamuntik na akong masaksak ng kutsilyo sa tagiliran ko. Mabuti na lang at nandoon si Brent nang mga panahong iyon.
.

"Oo nakakatawa nga at sa palengke pa," tipid na ngiti ko at tinalikuran na siya.
.

Pumasok na ako sa loob ng kusina, at kinuha lang ang iilang order na natapos na ng chief para sa customers. Ako lang din 'ata ang may alam sa una naming pagkikita, dahil hindi naman talaga ako pinansin ni Brent noon.
.

I served the orders to the customers with their coffee's too. Madali lang din natapos ang oras, at trenta minutos na lang mag-out na ako.
.

I have to meet a buyer after work in the Market. May interesado kasi na bumili ng Gucci Dionysus shoulder bag ko. Ayaw ko sanang ibenta ito, pero kailan ko rin para pang extra gastos ko.

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon