Chapter 21. Orange Juice

3.5K 152 2
                                    


Orange Juice

.

.

After a thirty minutes of driving we have reached our destination. Nasa isang mataas na bahagi kami nang lungsod. I've heard about this place from Bria, and we were about to come here, but we did not have much time. Kaya ang ending nakalimutan na.
.

The place is beautiful and overlooking from the sea. Makikita mo ang kabuuan ng syudad mula rito. It's the perfect spot to watch the sunset and the sunrise. I sat down on a man made stone chair.
.

"It's beautiful!" Tahimik na tugon ko habang dinadama ang ihip ng hangin mula rito.
.

May tatlong pares na magkasintahan ang nasa baba. Makikita mo kasi sila mura rito sa tuktok. Tanaw na tanaw ko rin ang lawak ng dagat, at ang papalapit na paglubog ng araw. Naupo siya sa tabi ko at iniabot ang orange juice sa akin.
.

"Thank you but I don't like orange juice, Brent."

Kahit na ayaw ko ay tinangap ko pa rin ito at hinawakan lang din. Orange juice rin ang sa kanya.

"Titigan mo na lang hanggang sa magustuhan mo," sabay inom niya nito.

I smirked and shook my head.

"Ang baliw mo talaga. Ibang klase ka rin e."

"I don't have anything in the car except for this," ngiti niya.

"It's okay. Hahawakan ko na lang din at titigan. Hanggang sa mabaliw ako at makalimutan na ayaw ko ito," mahinang tawa ko.
.

Natawa na siya at natahimik na kaming dalawa. Napako lang din ang paningin namin sa araw na papalubog na. Naging kulay kahel na ito, at makikita mo na rin ang bakas ng liwanag nito sa dagat. Napangiti na ako at tumikhim lang din siya.
.

"Palagi ka ba rito?"

"Minsan pag wala na akong ginagawa." Sabay inom ulit niya.

Tinitigan ko na ang orange juice na hawak ko at pati na rin siya. Halos kalahati na nga ang naubos niya.

"Paborito mo ba 'to?" Titig ko sa orange juice na hawak ko.

Umiling iling siyang nakatitig sa araw.

"Just like you. I never used to like this but this drink reminded me of my Mom. Kaya sa tuwing nakikita ko ito sa grocery ay binibili ko. Kahit na ayaw ko... I know it sounds funny, but buying this juice makes me feel that Mom is still with me." Sabay inom niya.
.

Natulala ako. Hindi ko kasi inakala na wala na siyang ina. Seryoso ang mukha niya at bakas ang lungkot nito.
.

"That's why I have plenty of this at home. Sa tuwing nakikita ko kasi ito sa loob ng bahay ay parang kasama ko na rin siya."
.

Nakatitig lang din ako sa kanya habang nag-k-kwento siya. Ngayon ko lang din napansin na kakaiba ang mga mata niya.
.

It's a different Brent. His dark brown eyes are so deep with emotions, but somehow it seems so sad and yet, it's cold. I felt the shiver straight away. Parang may kong anong mainit na kuryente ang pumasok sa puso ko ngayon at naiba ang pakiramdam ko sa kanya.
.

He stared at me smiling while drinking his juice. I looked away and darted my stare at the juice that I'm holding now. Naalala ko tuloy si Mommy. She always fills-up my condo with foods and sweet drinks. Kaya excited ako palagi tuwing Sabado at Linggo, dahil iniisip kung anong mga binibili niya.
.

Para akong bata na natutuwa sa mga pasalubong niya. The heck! Ang tanda ko na, pero isip bata ako pagdating sa Mommy ko. I miss her scent and I miss her cuddles...
.

"I'm sorry..." mahinang tugon ko.

"Sorry for what?" Ngumiti siya at ininom lang din ang juice niya.

"About your Mom... I might not feel the loss that you've been through, but I know that it's not easy, Brent," sabay tingin ko sa malayo.

"To tell you. I am so stubborn and so brat to my parents, specially to my Dad," ngiti ko.
.

Biglang nanikip ang dibdib ko nang maalala si Daddy. Kaya hindi ko na napansin na binuksan ko na ang orange juice at ininom ito.
.

"Really? Halata naman." Bahagyang tawa niya.
.

Napalingon na ako sa kanya at kumunot lang din ang noo ko habang tinititigan siya. Mas natawa na siya ngayon, at nag-iwas na ng titig sa akin.
.

"Go on, I would love to know your story," sa lalim na titig niya.

"Ewan ko... But Dad wants me to marry the man that I'm not in love with. At ayaw ko ano!"

Uminom pa ulit ako sa juice at napangiwi na ako. Ang asim lang din kasi!

"And here I am, in this neighborhood. I have no choice but to escaped. I miss my Mom so much, but I have to be away. Kung iisipin mo nga naman kasalanan ko rin, dahil sa mga scandals ko."
.

Ngumiti na ako habang iniinom ang juice. Naalala ko kasi ang mukha ni Daddy na puno ng galit at halos hindi na maipinta ito. Nakakatawa kasi, dahil hindi ako sanay sa galit na mukha niya. Panay kasi ang lambing ko sa kanya.
.

"What sort of scandals?"

"Boys," titig ko sa kanya.

Napailing na siya at bahagya lang din na natawa.

"Boys? And do you expect me to believe you?" pilyong ngiti niya.

Tumaas na ang kilay ko at natawa lang din siyang nakatitig sa akin.

"You probably like to tease the boys don't you?" seryosong titig niya.

"Oh tease! Ang sarap nilang sapakin! Mga baliw lang din. Hindi ko kasalanan ano! It's the media that's making it so bad. E, kung iisipin wala naman talagang nangyari, at puro kalandian at halik lang naman!" Irap ko.

"And what about us? Ano ba 'yon para sa'yo?"
.

Napakurap ako at inubos lang din ang orange juice. Kinabahan ako masyado sa tanong niya. Hindi ko kasi inaasahan ito. Nang mapako ang tingin ko sa mga mata niya, ay bakas ang lalim na titig nito. He stare at me so deeply, and I feel like I'm gonna evaporate! Mas lumakas lang din ang tibok ng puso ko, at mas uminit ang mukha ko ngayon.
.

I looked away and darted my stare at the sun that's already closing down the sea. Hindi ko 'ata kayang sagutin ang tanong niya, kaya tumayo na ako.
.

"E-uwi mo na ako, Brent." Hakbang ko palayo sa kanya.

.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon