Chapter 39. My Man

3.4K 149 1
                                    

My Man

.

.

Nilingon ko pa ang bawat gilid ng paligid, at wala nga namang ibang tao rito maliban sa akin ngayon.

The heck! Iniwan niya akong mag-isa sa Isla!

Namaywang na ako habang tinititigan ang bahay na gawa sa kahoy. Wala na rin akong magagawa kaya pumasok na ako rito.
.

There's two type of kitchen. The dirty kitchen from the back outside and one little one inside. Pwede rin naman pala magluto sa loob. May maliit naman na gasul dito. Pero ang tahimik at ang bawat sulok ay hindi ko maintindihan ito.
.

Gawa nga naman ang lahat sa kahoy na niyog. Ang upuan ang lamesa at pati na rin siguro ang kama. Malinis din naman at may iilan pang gamit dito.
.

This life remind me of a simple living in the Island. Iyong walang magagarang gamit at gawa lang din sa lahat ng kung ano ang nasa paligid.

Nang umakyat ako sa ikalawang palapag maaliwalas dito at malawak. Pwedeng maglaro ang mga bata ng habulan dahil sa lawak at walang gamit.
.

Napangiti ako ng makita ang kwarto. At least, the bed is foam. Hindi masakit sa likod. Okay na siguro ako rito. May iilang damit din dito at nandito rin ang bagahe ni Brent. Walang TV at radyo lang ang meron. May maliit na refrigerator at tubig lang ang laman. At least may malamig na tubig dito.
.

Umikot pa ako at napansin kong wala nga naman kuryente, at nakita ko lang din ang iilang solar panel sa itaas. Napaupo na ako sa maliit na balkonahe at tinanaw ang boung dagat. Kinuha ko agad ang cellphone ko para matawagan si Mommy. Pero mas kumunot lang ang noo ko, dahil walang signal dito! As in zero! Wala!
.

My goodness! Hindi ko alam kong kakayanin ko bang mabuhay ng isang araw ng ganito? Hanggang sa lumabas na ako ng bahay at naglakad na palapit sa tubig ng dagat.
.

This place is secluded and seems like there is no escape. Natatakot akong mag-isa ng ganito. Natatakot ako... Kaya napaupo ako sa gilid na buhangin at tinanaw lang din ang bawat hampas ng alon sa buhangin.
.

Parang ang tagal ng oras, at naubos ko na ang lahat ng offline games ko! The heck, this is insane!
.

"Makakatikim ka talaga sa akin, Brent!" salita ko mag-isa.
.

Hanggang sa may narinig na akong inggay at ang papalapit na na bangka niya. Lumundag na ang puso ko sa tuwa at halos maiyak na ako ngayon. Tinitigan ko lang siya hanggang sa itinulak na niya ito palapit sa buhangin. Ang dami nga namang pinamili niya.
.

Hindi na tuloy ako makahakbang papalapit sa kanya. I was scared and so stress before. I felt like he left me in the middle of nowhere... And now that his back I feel like I want to slap him!
.

"Love..." Hakbang niya palapit sa akin.

Naiyak na ako at tumulo na ang luha ko.

"Walanghiya ka talaga! Halos mamatay na ako mag-isa!!" Sabay hampas ko sa dibdib niya.

Niyakap niya lang ako nang mahigpit at ramdam ko agad ang lakas na tibok ng puso niya.

"I'm sorry... I'm sorry... Akala ko kasi kaya mo, at marami kasing tao sa kabilang daku. Makikilala ka lang." Sabay pahid niya sa luha ko.

"Nakakainis ka..."

"Shh... I won't leave you again, promise," halik at yakap niya sa katawan ko.

"I bought some supplies and some clothes for you."

"Bakit dito na ba tayo titira? Ba't walang signal dito? Hinahanap na ako ni Mama. Mag aalala 'yon," sabay pahid ng luha kong nakatingala sa kanya.

"I have called Manong Ben before. Sinabi na niya sa Mommy mo na ako ang kasama mo rito, at safe ka."

.

Kumunot na agad ang noo kong nakatitig sa kanya. HIndi ko tuloy mabasa kung ano ang tumatakbo at plano niya ngayon. Pero bilib ako. Army nga naman siya. Laging handa talaga.

.

"Kilala ka ba ni Mommy? Ang weird mo ah!" Inis na tugon ko, at kumawala na ako sa kanya. Humakbang na ako patungo sa bangka at tiningnan ang mga pinamili niya.

"Iyon nga ang problem, kasi gusto niya akong makilala..."
.

Kumuha ako nang isang saging at agad na kinain ito. Kanina pa ako gutom! Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya, at nakangiti lang siya na parang sira!
.

"And so? I have told Mom about you. Don't worry, mabait si Mommy," nguya ko ng saging.

.

Tumango na siya at lumapit na sa akin. Isa-isa na rin niyang kinuha ang pinamili na nasa bangka.

.

"Oy favourite ko 'yan!" Ngiti ko habang nakatitig sa Chocolate cake na binili niya.

"I know, and I will cook a nice dinner too."

"Ako na nito." Sabay kuha ko sa dalawang supot na damit ang laman.
.

Pinagmasdan ko muna siya habang isa-isa niyang nilagay ang mga gulay at patatas, bigas sa iisang malaking plastic na supot. At sa kabila namang ang iilang pang pinamili niyang karne at isda, at gulay pa. Ang bigat nga siguro nito. Napangiti na ako ng maalala ang ginagawa ko sa kanya noon sa Italya.

He's definitely a man that's made in my arms...
.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell


Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon