Chapter 22. Security Guard

5.1K 249 27
                                    

Security Guard
.
.

Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating sa bahay. Una na akong lumabas sa sasakyan niya at hindi na naghintay na pagbuksan pa ako. Hindi ko na siya nilingon at mabilis lang din na humakbang papasok.
.

"Sunny."
.

Sumenyas na ang kamay ko. Ayaw kong makipag-usap muna sa kanya. Kung tatanungin lang niya ulit ako sa bagay na ito, ay mas mabuti pang hindi ko na siya makikita. Pero impossible naman. Dahil alam kong para siyang aso na nakabuntot lang din sa akin.

.

Sinarado ko na ang pinto at sumandal pa ako rito. I did not take a steps forward and just stood still in the back door, until I heard his car ignition. T'saka lang din ako nakahinga ng maluwang ng maramdaman ko na wala na siya sa labas. Napatitig pa ako sa orange juice na wala ng laman ngayon sa kamay ko.
.

Hindi ko nga type ito, pero naubos ko naman. Tsk, tama nga naman siya kanina sa sinabi niya. Tititigan hanggang sa magustuhan mo. E, naubos ko na nga! Hindi ko alam kung nagustuhan ko ba? O dala lang din ng kabaliwan at kaba ko kaya nainom ko ito ng wala sa plano.

.

The heck! Ano 'to orange juice rin ba si Brent? Kahit hindi ko gusto nainom ko ng wala sa plano! Huh, ibang klase, Sunny. Lihim na tugon ko sa sarili.
.
.

MAAGA ako ngayon sa trabaho, same as usual morning shift pa din ako. I had a hard time sleeping for two nights because I kept thinking of him. Dalawang araw at gabi na hindi ako makatulog nang maayos dahil sa kanya. At ngayon na nandito na ako sa trabaho ay siya pa talaga ang iniisip ko.

I'm getting curious about him now. Parang gusto kong makilala siya, at gusto kong malaman ang detalye ng buhay niya.
.

"Ilang taon ka na bang nakatira rito, Shami?"

"Ako? Since birth!" Bahagyang tawa niya.

Inayos ko lang din ang ginawa kong kape at binigay ito kay Nido.

"Since birth? So kilala mo na ba si Brent noon pa?" Pasimpling tanong ko. Ayaw ko kasi na mahalata niya na nagiging interesado na ako sa kanya.

"Oo, but I believe he's parent's came from Columbia. If I'm not mistaken they've moved here when he was twelve with his father."

.

With his father? Napatingin agad ako kay Shami ngayon, na abala sa pagbibilang ng pera sa kaha.

.

"Wala na ba ang ina niya? Hindi nila kasama galing Columbia?"

"Paranong ganoon na nga. Naalala ko pa nga ang unang araw na nakita ko siya kasama si Kuya Levi sa bahay. Ang bait nga ni Mama sa kanya. Pero mahiyain siya noon. Tapos noong nag high school na ako pumasok 'yan siya sa army, at napuntang Baghdad."
.

Nahinto ako sa pag-aayos ng mga tasa at tinitigan si Shami. May kutob na ako na army siya, pero hindi ko inakala na naisabak din pala siya sa gyera.
.

"Talaga? Sundalo pa rin ba siya hanggang ngayon?"

"Hindi na 'ata. I think he retired too early. Dalawang beses siyang bumalik eh. Ang pagkakaalam ko hindi niya tinapos ang pag-aaral niya, at nasabak sa pagiging Army. May litrato pa nga si kuya sa kanya. Ang cute niya nga. In full combat!" ngiti ni Shami sa akin.
.

Tumango na ako. Ang pinaka-ayaw ko na propesyon ng isang lalaki ay sundalo, pulis, army. Basta iyung humahawak ng baril. Ayaw na ayaw ko. Pero nag-retiro na siya, so in short hindi siya humahawak ng baril ngayon?
.

"E, ano na ba ang ginagawa niya ngayon?" Sabay lunok ko.

Nahinto si Shami at tinitigan na ako. Gumuhit pa ang ngiti sa labi niya.

"Interesado ka ano? Oy aminin, crush mo na si Brent ano?" Kantyaw ni Shami sa akin.

"Hindi ah! I just want to know," sabay irap ko sa kanya, at kinuha na ang basahan sa gilid.

"Hindi ko nga lang alam kong ano talaga ang trabaho niya. Pero sa pagkakaalam ko security guard siya."

Napalunok na ako. Se-security guard? Kunot-noo ko.
.

Naimagine ko kasi ang mga security guards ni Daddy na nakaaligid sa akin palagi. At ang mga security guards sa Mall at iba pa.

.

What the heck! And I gave up my virginity to a security guard? Ang tanga!
.

Ang taas pa naman ng ambisyon ko noon pagdating sa lalaki. I always want my soon-to-be husband is a well known in business and famous in his career. Engineer, Abogado, Businessman, Piloto etc. At ngayon sa isang security guard lang pala ang bagsak ko! Huh, ibang klase rin ano.
.

I shook my head and laugh at myself in silent. Nakakatawa nga naman ito. Pero makalaglag panty siya na security guard ano? Dahil bumigay agad ako! Shit lang din! Mura ng isip ko.
.

"Good Morning, Mi Amore."
.

Umigting agad ang tainga ko sa lalim na boses niya. Kumalabog pa tuloy ang puso ko ngayon.

The heck! Kailan pa naging abnormal ang tibok nito pagdating sa kanya? Shit lang din ah! Hindi ko siya type. Ayaw na ayaw ko sa kanya! Pero bakit parang ang hirap huminga. Nakakaloka!
.

Humarap na akong nakangiti. Pilit nga lang. E, kailangan kong ngumiti. Customer ko nga naman siya ngayon.
.

"Black coffee for two please," lawak na ngiti niya.

Napalingon pa ako sa magkabilang gilid niya. E, wala naman siyang kasama, ba't dalawa?

"Sure ka dalawa?" Kunot-noo ko.

"Oh, I forgot you like white right? Okay one white and one black," kindat ulit niya.

"Hindi ako pwede, Brent. Trabaho ko ngayon. Kaya mag kape ka mag-isa mo!"

Tinalikuran ko na siya at ginawa na ang kape niya.

"Hi, Brent," si Shami sa kanya.

"And two black forest cake please, Shami," si Brent sa kanya.

"Okay."
.

I shook my head while making his coffee. I even make the white one too. Naisip ko kasi baka may kasama nga naman siya at nakasunod lang din ito.

.

"Brent, bud!" si Brian. Lumabas siya mula sa kusina.

"Can I borrow one of you staff for thirty minutes, bud?"

"Oh, sure. Hindi ka nagpapabayad ng serbisyo sa akin. Pwedeng-pwede. Sino ba? Si Shami? Kahit dalawang oras pa," si Brian sa kanya.

"No, not Shami but Sunny."
.

Nahinto ako sa mixing ng kape at parang nanlamig ang katawan ko ngayon. Tumikhim pa si Brian na nakaharap sa akin. Napayuko na ako at nagmura na ang isip ko ngayon.
.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon