Chapter 50. Weakness

4.3K 168 2
                                    




"Ikaw ang mundo ko. Kung masasaktan ka mababasag ako ng husto..."
-Brent Gaston Moretti-
.

Weakness

.

.

Humarap ako sa kanya at titig na titig pa. He never looked at me and just seriously wiped and dry my body. Maingat ang bawat dampi niya hanggang sa mukha ko. Pakiramdam ko para akong bata sa harap niya at ingat-ingat siya sa ginagawa.

"I'm sorry, love..." Mahinang tugon niya.
.

Namunggay ang mga mata niya at napalunok na ako. I feel the heat gush in my face like I want him for other reason. Maingat niyang kinuha ang bathrobe at pinasuot sa akin. Lumabas na ako at nakasunod na siya. Ngayon ko lang naalala ni wala pala akong dalang damit maski panty man lang! Nakakaloka!
.

"I have no clothes, nor undies, Brent!" I pouted. Nagpapa-cute kahit na galit na.
.

He nodded, turn around and walked away from me. I followed him with my stare and then he open the other side door. Humarap siya na parang hinihintay lang ako. Humakbang na ako at binuksan na niya ang pinto. My jaw dropped when I saw that it's the walk-in closet in the other side.
.

This place is huge and so the walk in closet. Para akong pumasok sa isang mens botique at nakalinya ang mga mamahaling damit niya. Lahat nandito na. Tumaas ang kilay ko at nilingon siya.
.

"Magdadamit lalaki ba ako?" sarkastikong saad ko.

Napailing na siya at natawa na.

"If you want to. I don't mind it... But walk down the other side. May mga damit diyaan na para sa'yo."
.

Humakbang na ako at nakasunod na siya. Then I saw what I really like... Pumili na ako ng damit at terno pa ito sa sapatos ko. Nakahelera din ang bag na gagamitin. All of them are luxurious.
.

"Did your dad organise this?"

"I think so... Alam niya ang kahinaan ko kaya ka nandito."
.

Natahimik ako ng saglit habang sinusuot ang damit. Humarap na din ako sa kanya. Nakasandal siya sa gilid at titig na titig lang din sa akin. I smile at him. Ang cute niya kahit na marami siyang pasa sa mukha. I don't want to ask about his bruises. Masasaktan lang ako, dahil alam ko naman kung saan niya ito nakuha. Hindi ko nga lang alam ang dahilan.
.

"Am I your weakness?"

He smirked and walk towards me.

"What do you think, Love?"
.

Hinawi na niya ang buhok ko at mas inayos na ang damit ko ngayon. I stared at him seriously and then I felt sorry... He looks so tough and unbreakable but when I looked at his eyes its so frail.
.

"Ikaw ang mundo ko. Kung masasaktan ka mababasag ako ng husto..."
.

Pinalupot ko na ang dalawang kamay ko sa leeg niya, at ramdam ko agad ang init ng palad niya sa baywang ko. He slid his hands inside my top and touched my bare skin, and pulled me closer towards him.
.

"I know I was your mission in Italy. Timothy told me," panimula ko.
.

His jaw clenches and his eyes turns dark brown. I felt the shiver when his hands caress me. He nodded and kiss my forehead.
.

"Yes. You are my mission-"

"So sinadya mo lahat? Kahit na ang gabing iyon?"
.

Napakurap siya, habang seryoso akong nakatitig sa kanya. I will wait for his answer then, I can be furious. Depende sa magiging sagot niya. Gusto ko ng totoong sagot at ayaw kong nagsisinungaling siya.
.

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon