Chapter 11. Job

6.2K 271 16
                                    


Job

.

.

Hindi na ako lumabas simula ng makapasok ako sa loob. After an hour I pak outside from the window, checking if he's still there around. Pero wala na, umalis na 'ata.
.

Ginulo ko lang ang buhok ko at naiirita sa sarili. Kung may magandang nangyari man sa araw na ito. Ito ay ang natangap ako sa trabaho, at ang malas nga naman dahil nagtagpo pa ulit ang landas naming dalawa.
.

Umayos na ako at maagang naligo at nagpalit ng damit. I check the fridge for food. May tinapay pa at cold meat. Mabubuhay na ako nito at bukas na lang ako mamalengke pagkatapos ng trabaho.
.
.

THE next day I woke up early. Inayos ko lang ang iilang gamit ko at nakita ang paper bag na nasa gilid ng pinto. Naalala ko ito kahapon. Ito ang sapatos ko na binigay ni Brent at hindi ko man lang nakuhang tingnan dahil nakalimutan ko lang naman!
.

I walk closer towards it and open it. Ang heels ko nga naman. Kinuha ko ito at nilagay sa gilid. As of now, I can't wear this anymore. Not unless, I will go for a party in a bar. Pero hindi ko na gagawin ito, dahil wala naman akong kakilala rito.

.

Tiningnan ko pa ang loob ng paper bag, at napansin ko ang isang maliit na puting envelop. Kinuha ko ito at tiningnan. Nakasulat ang pangalan ko sa labas ng maliit na sobre, kaya binuksan ko na at binasa. Tumaas pa ang kilay ko. Pemanship kasi ito ni Brent.

.

Sunny Love,
Sorry, was I too rough? I'll make it up to you.
BGM
.

Rough? Kumunot na ang noo ko. Uminit lang din ang mukha ko dahil naisip ko ang ibang bagay.

The heck! At sa sobrang inis ko ay pinunit ko ang maliit na mensahi niya at tinapon sa basurahan.

Huh, wala na 'ata siyang magawa sa buhay niya! Sana nga naman tan-tanan na niya ako, dahil hindi ako interesado sa kanya.
.

Nang makapasok sa trabaho ay ang nakangiting mukha ni Sir Brian ang sumalubong sa akin. He even looked at me from head to toe. Naka puting plain na damit at tight jeans ang suot ko, at naka flat shoes lang din.
.

"Ready for the day?" Pamaywang niya.

"Yes, Sir." Tango at ngiti ko.

"Okay. Should I teach you on how to make the different types of coffee?"
.

Napanganga akong nakatitig sa kanya. Ang akala ko ba sa dinning area ako? Ba't ngayon magtitimpla na ako ng kape? Napalunok na ako sa sarili. Isang uri lang ang alam kong gawin, at straight black lang din. Hindi naman siguro mahirap gawin 'to.
.

"O-okay," ngiti ko.
.

Una akong pumasok sa counter at nakasunod siya. Nasa kahera naman si Shami na ngayon ay nakangiti na sa akin. May dalawa pang nasa dinning area, at may iilang mga customers pa.
.

"Now, do you know this?" Sabay patong ng kamay niya sa coffee machine.

"Coffee Machine?"
.

Natawa siya at tumango nadin. Hello? Hindi naman ako tanga, Brian! Oo, maarte ako at pala-sosyal noon, pero hindi naman ibig sabihin na ang bobo ko na!
.

"Marunong ka naman sigurong gumamit nito ano?" Sabay lagay niya ng tasa rito.

"Oo, pero hindi ako marunong sa mixing. Straight black normal coffee lang ang alam ko."

Tumango na siya at nagsimula na.

"I'll teach you the whole lot. I'm pretty sure makukuha mo lang 'to. Madali lang nama 'to," panimula niya.
.

I was listening to him the whole time. The mixing, the ingredients to add on and everything. I even take notes on a piece of paper that he gave me. Although there's this mixing ingredients and procedures, I still take notes for the other items.
.

Isa-isa rin ko rin tinikman ang bawat kape na ginawa niya, at parang nabusog na ako. Mulat na mulat na ang mata ko! Hindi na 'ata ako makakatulog mamaya. Good luck to me!
.

"Which one is your favourite?"
.

Napako na ang tingin ko sa lahat ng tasa ng kape sa harap. Lahat ng 'to natikman ko isa-isa, at ang isang klase pa ay naubos ko na talaga.
.

"This one and this." Sabay turo ko sa cappuccino at white.

Tumango siya at ngumiti lang din.

"Personality taste mo nga naman," lihim na saad niya.

"Ha?" tulalang tugon ko.

"Nothing. Anyway, that's all from me. You can help Nico. Patapos na ang shift niya at ikaw na ang papalit."
.

Umikot na siya at lumabas sa counter. Nakangiti naman si Nico sa akin at ngumiti na ako.
.

"Sunny, here's the order." Sabay bigay ni Shami sa akin ng maliit na papel, at binasa ko 'to. Dalawang black coffee at isang Frappuccino.

"Do you want to take the orders?" si Nico sa akin.

"Okay. I will try." Sabay kuha ko sa tatlong tasa na nasa ibabaw.

"Okay. I'll keep an eye. I'm pretty sure you can do it," he smiled.
.

I nodded and started the job. Madali lang naman, pero panay pa ang tingin ko sa kudigo ko sa gilid. Hindi pa kasi ako kabisado sa bawat steps. But in the end, I got them right and Nico seemss happy giving me his thumbs up. Ang galing ko na! Feeling ko lang naman, ano ba!
.

I served them too and everything follows. Umalis na din si Nico tapos na kasi ang shift niya, at naiwan kami ni Shami sa counter area. Naglilinis din ako at abala din naman siya. Paminsan-minsan may konting chicka kaming dalawa at tawanan. Ang bilis kong nakuha ang puso nila.
.

Since temporary pa lang ako at nasa visa restrictions ko ito. I'm only allowed to work 20hours per week. Kay limang oras lang ako ngayon at tatlong araw lang sa isang linggo ang duty ko. Maliban nga lang sa Sabado at Linggo, depende raw sa dami ng tao sabi ni Sir Brian, at tatawagan niya ako.
.

Kinse minutos na lang din at patapos na ang trabaho ko. Nang may inabot ni Shami sa akin na dalawang order na kape. Cappuccino ito, at mabilis ko rin na ginawa. May kasama pang black forest cake sa order niya, dalawa rin.
.

"Ikaw na ang maghatid nasa itaas ang customer sa rooftop. Tutal patapos na naman ang shift mo," ngiti ni Shami sa akin. Ang bait niya talaga. Mabuti na lang at half Pinay-Italian siya.

"Salamat, Sham," kindat ko at umakyat na ako para maihatid ito.

.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon