Chapter 47. Missing You

5.3K 239 4
                                    


For the first time, I feel so tired and weary after the long travel... Ang amoy niya agad ang nagpakalma sa damdamin ko. Amoy na amoy ko kasi ang amoy niya sa kama na ito. Napapikit mata na ako at niyakap lang ang unan na nandito.
-Sunny-

.

Missing You

.

.

Para na akong baliw na nakatayo sa iisang pwesto sa bahay. Kung hindi man sa balkonahe ay sa kama na nakahiga. I can't get out! Utos ni Daddy. My friends started to message me for night parties but I've change... Wala na akong ganang sumali sa kanila. Pakiramdam ko tumanda na ako sa sarili.
.

It's nearly ten days and I haven't heard from Brent. Isang mensahi lang ang natangap ko sa kanya, at noong isang linggo pa iyon. He's telling me to wait for him. How long do I have to wait? Sa Isla ang huli naming pagkikita, at ngayon ay pakiramdam ko dalawang buwan na! E, sampung araw pa naman.
.

Clyde is not in the country. Serenity told me that he's back in Italy for a mission and business. And I bet, may kinalaman ito sa estado ni Brent. Mariin ko lang na tinitigan ang cellphone ko, ang baliw ko na siguro. Hanggang sa tumunog na ito, si Serenity.
.

"Serenity?" Sabay tayo ko.

It could probably a news from Brent.

"I'll be flying to Italy in three days, Sunny. Do you want to go with me? I've heard from Clyde that Brent is back in Italy."

Lumundag agad ang puso ko. "Nasa Italya siya? Bakit?"

"Hindi ko rin alam, Sunny. Pero-"

"I will go with you, Serenity. Sasama ako!"

Pumasok na agad ako sa kwarto at hinanap lang din ang passport ko.

"Okay. Just send your passport detail and copy. Then I can book you with the same flight with me."

"Salamat, Serenity."
.

Natapos na kami at mabilis ko na inihanda ang lahat ng papelis ko. The good thing about my passport is I'm holding a dual citizenship. Sa Amerika kasi ako lumaki bago kami bumalik dito sa Pilipinas. I can travel to a different countries without a visa as I'm a holder of both.
.

Si Mommy agad ang nasalubong ko papuntang kusina. Katatapos lang din niyang mag-assist sa mga niluto ng mga katulong namin.
.

"Are you hungry, hija?" lawak na ngiti niya. "Malapit na 'to."

"Mom, I'm going back to Italy,"direktang tugon ko sa kanya.

Kumunot na ang noo niya. "And why is that? Kababalik mo lang ah?"

"Nandoon si Brent. Importante lang din, Mommy. Babalik din ako, promise," sabay inom ko sa tubig.

"Who's going with you?"

Nilapag na niya ang plato na hawak, at namaywang lang din na nakatitig sa akin.

"Si Serenity, Ma. Clyde's wife."

Sumeryoso na ng husto ang mukha niya at ngumiti na ako.

"Mom, I will be back with Brent. Hindi ba gusto mo siyang makilala? This time kilalanin mo siya okay... And don't be rude to him. His friends saved Dad's company from the Del Santa Maria," taas ng isang kilay ko. After all I am proud of Brent.

"Ang akala ko pa naman makikilala ko na siya ngayong linggong ito? At kailan ang lipad mo?"

"In three days, Mom. Please activate my cards," pa-cute ko.

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon