Chapter 23. Shut up

3.3K 163 3
                                    

Shut up

.

.

Nahinto ako sa mixing ng kape at parang nanlamig ang katawan ko ngayon. Tumikhim pa si Brian na nakaharap sa akin. Napayuko na ako at nagmura na ang isip ko ngayon.
.

"Sure... You can have your break, Sunny," si Brian sa akin.
.

I nodded and I did not even say a word. I don't know what to say, so I just smile at him. He smiled back at me and nodded. Pumasok na din siya sa loob ng kusina. Mabuti na lang at hindi abala ang shop ngayon, at walang masyadong customer. Nang matapos ang kape na ginawa ko ay nilapag ko 'to sa tray kasama ang dalawang slice ng forest cake.
.

"Ako na." Siya na rin mismo ang kumuha sa tray at nauna na siyang naglakad.
.

Tinitigan ko lang din ang likod niya. Nilingon ko pa si Shami, na ngayon ay nakangiti na. Tinangal ko lang din ang suot na apron at sinabit ito pabalik sa sabitan, at saka sumunod na ako sa kanya. Sa rooftop ang tungo niya.
.

Maingat niya itong nilapag sa mesa at umupo na ako. Kumunot pa ang noo ko. I have this foreign feeling again at him and I'm not comfortable. Iniwasan ko nga naman siya noong isang araw sa tanong niya. Sana naman huwag na siyang magtanong ulit nito, dahil wala siyang mapapala sa akin.
.

"What are you up to, Brent?" Sabay inom sa kape ko.

"I just want to spend a little time with you. Masama ba?" Tipid na ngiti niya.

"May trabaho kaya ako. Wala ka bang trabaho? Baka hinanap ka na ng amo mo? Nawawala ang security guard niya," kagat labi ko. Hindi sinasadya na lumabas ito sa bibig ko.
.

The heck! Ngayon naalala ko na naman kung ano ang propesyon niya. Security guard! Ang baliw ko na.
.

Natawa lang din siya at napailing pa.

"I'm on a night shift, Sunny. Wala akong trabaho sa umaga."

"Oh, Okay..."

.

Bumuntong hininga na ako. Tama nga si Shami, security guard nga siya. Magkano kaya ang sweldo niya? Makakabuhay ba ito ng pamilya? Naging seryoso pa tuloy ang titig ko sa kanya ngayon.
.

"What's with that stare?" Tikhim at ngiti niya.

"Uhm, wala..." Sabay inom ko sa kape at subo sa cake.
.

Ayaw ko nga sa kanya, dahil maliban sa pagiging security guard siya, ay humahawak pa siya ng baril. Tsk! Pero hindi na ako nahihiya, at panay lang din ang subo ko ng cake sa bibig.
.

"Bakit ayaw mo ba sa propesyon ko? Is it degrading for you that I'm just a security guard, Sunny?"
.

Naubo na ako at pilit na hinahabol ang hininga ko. Mabilis din naman niyang binuksan ang orange juice at binigay sa akin. Ininom ko agad 'to.
.

"Hindi ah!" Padabog na lagay nito sa mesa.

"I don't care about your profession, Brent. Kung mahal mo naman ang isang tao wala naman sa propesyon iyon 'di ba?" Tikhim ko sa harap niya. Mukhang kinain ko na 'ata ang inisip ko kanina sa kanya!

"Tell me if you need a help, Sunny. I am willing to put my line with you. If you want to go back to the Philippines with me. I can safely accompany you."
.

Nahinto ako nang subo at nag-angat ng tingin sa kanya. Did he perhaps knows? Kilala na niya kaya ako ngayon? Impossible naman!
.

"W-why, Brent? Kilala mo ba kung sino ako?"

Umiling iling lang siya at napa-tiim bagang lang din.

"No, but I would love to know you. Hindi ka naman siguro anak ng isang sikat na tao ano?" Ngiti niya.

"No, I'm not..." Pagsisinungaling ko at natahimik na ako.

"I'm sorry about last time," pag-iiba niya.

"What's with the last time?"

Wala naman kasi akong naalala. O, baka ang ibig niyang sabihin sa huling tanong niya? The heck! Here we go.

"About my last question with you."

Huh, tama nga naman ako.

"Forget it, Brent. Kung may napatunayan man ako sa lahat ng balita sa buhay ko. At least ikaw ang huling taong magpapatunay na inosente ako," kibit balikat ko.

"That's why I felt so guilty, Sunny-"

"No, don't be. Ginusto ko rin naman iyon." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya, at panay lang din ang kain ko hanggang sa naubos ko na ang cake.

"I'll take care of you here, Sunny. Count on me, love," lalim ng boses niya.
.

Napangiti na ako sa sinabi niya. Uminit ang pakiramdam ko, at parang napanatag ang loob ko sa kanya ngayon. I stare at him smiling and he smile too. Gumuhit ang malawak at gwapong ngiti niya sa mukha. Ang gwapo nga naman niya...
.

"Hi, Brent baby!"
.

Napalingon na ako sa boses ng isang babae. Si Stacy. Papalapit siya sa amin ngayon. Tumayo na ako at tumayo na rin si Brent.
.

"I've been looking for you since the other day. Dove sei stato? Ti stai nascondendo da me? E lei chi e?" Taas kilay niya sa akin.
.

Ano raw? Ano bang pinagsasabi ng bruhang 'to!

Nakataas pa kasi ang kilay at namaywang pang nakaharap sa akin, kahit na si Brent ang kausap niya.
.

"There's no point of hiding from you, Stacy. I'm with Sunny most of the time. And if you want to know who is she in my life? Then, she's very important and so special to me. So, please stop, Stacy," mahinanong tugon ni Brent sa kanya.
.

Kuminang ang mga mata ko sa sinabi niya, at napangiti lang din ako ngayon. Kaya pala galit ang bruha!
.

"Brent? What-"
.

Magsasalita pa sana siya, pero humarang na ako sa gitna nilang dalawa ni Brent. Tinaasan ko lang din siya ng kilay ko.
.

"Stacy, two words. Shut up!"
.

Hinawakan ko agad ang kamay ni Brent at inirapan si Stacy. Hinila ko pa si Brent palayo sa kanya. I might be crazy right now, but I don't like Stacy for Brent. Marami namang mga babae na mas matino at hindi malandi na katulad niya! Kaya ilalayo ko si Brent sa bruha!
.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon