Alone
.
.Malayo nga naman ito dahil sumakay pa kami ng personal helicopter para makarating dito. Isang tahimik na Isla na malayo sa gulo. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon pero hindi naman ito malayo mula sa syudad namin. I never thought that Brent live here? I don't know if he lives here anyway.
."Kaninong bahay 'to, Brent?"
.Yari sa kahoy ang boung bahay. Dalawang palapag ito at medyo malaki nga naman, pero luma na. May malalaking satellite antena na katabi ito. This place is like an Island. Tatawid ka pa kasi ng dagat para makarating dito. Not unless kung may sarili kang helicopter, na kagaya ngayon at si Brent pa ang nagmaneho.
."My home here in the Philippines," tipid na ngiti niya.
.Napakurap ako at nakatitig lang din sa kanya nang husto. Hindi ko tuloy maisip kong paano siya nakatira sa isang lugar na ito na wala man lang kapit-bahay talaga. This is a small Island. Malayo sa lahat, malayo sa inggay ng tao at malayo sa gulo.
."Parte pa ba ito ng Pilipinas?" tanga'ng tanong ko, at bahagya na siyang natawa.
"Of course, Love. It's still part of the Philippines. This Island may look so different but we are safe here. Hindi ka babahain ng media rito," iling niyang nakangiti.
.Now, he probably knew what happened. Napanood na din niya siguro ang lahat sa TV at nabasa ang nasa diaryo.
Inayos lang niya ang tali ng de-motor na bangka at tinitigan ko siya nang mariin sa ginagawa niya. Kahit pa sa siguro mangingisda siya ay tiyak maiinlove pa rin ako sa kanya. Ewan ko ba! Ang tanga ko na siguro ngayon pagdating sa kanya.
."Kailan ka huling nakatira rito?" Sabay tingin ko sa kabuuan ng bahay.
"Five-years ago."
.Nilibot ko ang tingin at humakbang na sa may pinto. Bukas na ito, mukhang nauna siyang pumunta rito bago pumunta sa bahay ko.
."Sino ang nakatira dito sa mga panahong wala ka?"
.
Sabay lingon ko sa kanya. Kakatayo lang niya matapos ang ginawa. Nahubad na niya ang damit niya kanina at naka pantalon na lang din siya. Mainit din kasi dito, pero presko naman ang hangin.
.
"Si Manong Ben, dinadalaw niya minsan," sagot niyang nakayuko at inayos ang stinelas niya.
"Si Manong Ben?"
.Napakunot-noo na ako. Si Manong Ben lang naman ang personal driver ni Daddy at higit na pinagkakatiwalaan namin.
Magkakilala sila?
."How the? Paano kayo nagkakilala ni Manong? Kilala mo na ba ako noon pa?" Pamaywang ko sa kanya.
.
Bahagya siyang natawa habang palapit nang hakbang sa akin.
.
"I know Manong Ben because she's my Mother's step-brother. Although he's not my uncle by blood but I treated him as one of my family blood," titig niya sa akin.
"And no, I don't know you, Sunny. Lumaki ako sa Espanya at Columbia kasama ang Ama ko... This Island is the only property I inherited from my mother, Sunny," iwas na titig niya, at humarap na sa dagat.
.Natahimik na ako, dahil naisip ko na wala na ang ina niya... Parang ganoon na nga siguro. Naalala ko kasi noong sixteen-year-old pa lang ako. Umuwi ng probinsya si Manong Ben dahil namatay ang kapatid niyang babae... Ang mama kaya iyon ni Brent?
.Tinitigan ko siya ng mariin at ramdam ko ang bigat ng damdamin niya. Kaya bahagya na akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod.
."I'm sorry, baby. But I need to ask... Wala na ba ang Mama mo?" mahinang tanong ko.
.Tumango lang din siya, at mariin na pinisil ang kamay kong nakayakap sa tiyan niya. Ngayon ko lang napagtanto na wala nga pala akong kaalam-alam sa pagkatao niya. Ano bang klaseng girlfriend ako? Hindi man lang ako naging curious sa kanya...
."I'm sorry, Brent... Hindi ko man lang nakuhang magtanong sa'yo noon... Pero ngayon gusto kong malaman ang kwento ng buhay mo. Ang boung pagkatao mo," sa mas mahigpit na yakap ko.
.He took a deep breath and sighed heavily. I lifted my chin and rested it on his shoulder. Hindi ko nga abot ito pero pinipilit ko. Ang tangkad naman kasi ng boyfriend ko. Pero hindi siya nagsalita kaya ako na ang naunang nagtanong sa kanya.
."I've heard from Shami that you served the army and been to Baghdad?"
Tumango na siya at hindi pa rin nagsalita. Ang hirap siguro ng pinagdaanan niya.
"And she said you been to Iraq too?"
Tumango ulit siya.
"Ang tanda mo na... Ang dami mo ng pinagdaanan na gyera... Mahirap ba?"
.Maingat siyang humarap sa akin at tinitigan ako ng husto sa mga mata. I can see the deep sorrow at his eyes. Matigas ito, puno ng katapangan pero basag naman ang puso.
."Yes, I've been to wars at early age, Sunny... I lose my buddies and seen them die in front of me... It's hard but that's life. Then I had enough of those and I choose to quit. Gusto kong magbago ang takbo ng buhay ko, gusto kong maging iba ito..." sa matinding titig niya at tiim-bagang pa.
"Bakit? Iba na naman ngayon di ba? Tapos na iyon at nagsilbi ka na sa bansa. Everyone deserve to have a better life and happiness. Ang importante ang ngayon 'di ba?
.
Tumango na siya at hinalikan na ang noo ko. Napabuntong hininga na siya at mas yumakap akong lalo sa katawan niya. Nahabag ang puso ko para kay Brent. Nakakalungkot ang lahat sa kanya. Wala siyang karamay. Wala na siyang ina...
.
"Wala akong pakialam kong ano ka pa Brent. Nakaraan mo na iyon at tapos na... What about your father? Is he still alive?"
Napakurap na siya at seryoso lang din ang titig sa akin ngayon.
"Yes, he's still alive and he's in Columbia."
.Kumalas na siya mula sa pagkakayakap at mariing humakbang palapit sa bangkang de-motor niya. Hindi pa 'ata siya handang pag-usapan ang tungkol sa ama niya. Okay lang, maghihintay lang din ako kung kailan siya handa. Tinulak na niya ito patungo sa malalim na parteng ng tubig.
."Mangingisda ka ba?" pabirong tanong ko.
Nilingon niya ako at tumango na.
"I'll be back in two hours, Love. Feel free at home!" Kaway niya.
.
Nanlaki na ang mga mata ko. The heck! Maiiwan akong mag-isa rito? No way!
.
"Isama mo na ako!" Palapit na hakbang ko. Pero mabilis lang niyang napaandar ito at tumakbo na papalayo.
"Just stay there. I'll be right back. I promise. I'll get some food supplies too... I'll be back before five o clock!"
"Brent!!" Pasigaw ko at padyak pa.
.Natawa na siya at kumaway na. Ngumuso na akong nakatitig sa kanya hanggang sa nakalayo na siya. Ano pa nga ba ang magagawa ko ngayon? E, 'di maghihintay na sa kanya! Nakaloloka!
.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell
BINABASA MO ANG
Maid in Your Arms(BBHS5)✅
RomanceMatured content Completed ✅ Rated 18+ Matured Content He's a secret agent, and she's one hell spoiled brat daughter of Antonio Monteverde, one of the most influential men in the country. She tried to escape from her parent's wishes, and Brent...