CHAPTER 2

661K 14.8K 570
                                    

ALLY'S P.O.V.

Para akong Admirer ni Frits. Lagi akong nakasunod sa kanya. Tulad na lang ngayon, nagditch siya kasama ang apat na kaibigan niya. Nakigaya na rin kami ng pagditch ni Dianne. Hinanap namin ang kinaroroonan ng casanova, tulad ng inaasahan ko, nasa tambayan at naglalaro ng Billiards ang lima, at wala silang pakialam kung hobby na nilang magditch sa klase. Makaka-graduate naman sila kahit hindi sila mag-aral. Palibhasa malakas sa nakakataas ng School, anak ba naman ng may-ari ang isa sa mga casanova. Iyon ay si Frits Santiago.

Hindi kayang sukatin ang pagtaas ng kilay ko ng makalapit kami sa kanila at marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Hey! Frits, kilala mo di ba si Allyson Ramirez yung pinakamaganda sa section B?" tanong ni Patrick.

"Hindi ko siya kilala bakit?"

"Makikilala mo na ngayon, kasi nandito na siya. Ayon oh!" Turo ni Patrick sa'kin.

Silang apat lumingon saming dalawa ni Dianne. Maliban lang kay Frits hindi niya man lang ako pinag-aksayahang tingnan. Hindi niya ba alam na ako ang tinaguriang Goddess ng Saint Paul. Mas lalo tuloy akong nagalit. Masyado kasing pakipot si Frits. Sinulyapan ko siya. Busy siya paglalaro.

Lumapit sa'min si Luke. "Hello! Pretty girls."

Ngumiti ako ng seductive and sweet smile. Just to get the attention of my future Boyfriend, ang nakakainis! hindi pa rin nangyari iyon. Tulad na lang dati deadma ang beauty ko.

"Hello! Every one."Pa-cute na sagot ni Dianne. Tapos binaling niya ang tingin kay Patrick. "Hi, Crush!"

Pinanlakihan ko ng mata si Dianne. Ang bruha sumi-segway pa sa the moves ko. Dahan-dahan akong lumapit kay Frits. "Ehem! For you." Sabi ko. Nilandian ko pa ang boses ko. Kasabay no'n ay ang pagbigay ko ng cake sa kanya.

Tiningnan lang ni Frits ang hawak ko at hindi kinuha. Nagpatuloy siya sa paglalaro.

"Hindi mo ba kukunin? Sayang naman ang effort ko."

Sandaling huminto sa paglalaro si Frits. At matalim niya akong tiningnan. "Sinabi ko bang bigyan mo ako niyan?"

"Abah! Ang kapal ng pogi face niya. Kagigil!"sa isip-isip ko.

"Naisip ko kasing hindi ka pa kumakain kaya dinalhan kita nito."

"Hindi pa ako naghihirap! Kayang-kayang kong bumili ng cake kahit isang truck pa."

"Alam ko pero tikman mo naman galing sa'kin ito eh,"

"Eh, ano naman kung galing sa'yo?"Sarkastikong sagot niya sa'kin.

Nang gigil na ako kay Frits pero pinipigilan ko lang  ang sarili kong wag magalit, "Please! Tanggapin mo na?" Puppy eyes ko pa.

"Kunin mo na Frits tapos bigay mo sa'min. Tamang-tama hindi pa kami nagmemeryenda." Sabad ni Drek Andrew.

Masunurin naman pala siya dahil kinuha niya ang cake na dala ko. Pero ibinigay niya sa mga kaibigan niya. Agad namang kinain ng apat  ang cake na dala ko. "Mga patay gutom!"sabi ko sa isip. Habang nang gigil akong nakatingin sa apat. 

Mas lalo akong naasar nang lingunin ko si Frits na Bising-bisi sa paglalaro parang walang tao sa paligid niya. Nakakainis! Napaka-hambog! hindi man lang nag-aksayang tingnan ang cake na dala ko. kahit man lang sana tikim ginawa niya, binili  ko pa naman iyon sa pinakasikat na tindahan ng cake sa Manila tapos, effortless lang!

"Allyson, masarap ha!" sabi ni Drek.

Tiningnan ko ng masama ang apat. "Mabulunan sana kayo!"bulong ko.

"Oh, ano pang hinihintay mo? Umalis ka na! Nakaka-istorbo ka eh," sabi ni Frits sa'kin.

Matalim ko siyang tiningnan. Bago kami umalis ni Dianne, kong pwede nga lang sipain sa mukha 'yang si Frits ginawa ko na. Bwiset na yan! pasalamat siya love ko siya, kung hindi matagal na siyang nanghiram ng mukha sa aso. Grabe! suplado buti na lang gwapo siya.

"Let's go! Dianne."

Gusto kong magalit, pero dahil kailangang magpaka-goodgirl ako sa paningin ni Frits, magpapaka-plastik muna ako at kikimkimin ang nararamdamang inis.

"Ally, kaya mo pa ba? Sabi ko sa'yo sumulat ka na lang sa wish ko lang eh," Pang-aasar sa'kin ni Dianne ng makasakay na kami ng kotse.

"Shut up! "Sigaw ko kay Dianne, asar na asar na nga ako dahil kay Frits Santiago. Mas lalo pa akong inaasar.

Ngumiti si Dianne sa'kin. "Kalma lang, wala dito si Frits."

"Nakakaasar ang Frits na 'yan! Akala mo kung sinong gwapo."

"Wag mo na kasing pangarapin na maging Boyfriend, para hindi ka nahi-high blood diyan."

"No! Dianne, itaga mo sa bato! Magiging boyfriend ko rin 'yan si Frits. At kapag nangyari iyon. Siya naman ang hahabol sa'kin." tinapunan ko ng nakakalokong tingin si Dianne. "Maghintay ka lang! Makikita mo isang araw boyfriend ko na siya."

"Yan ang tinatawag na fighting spirit. Sige, ipagdadasal ko ang hiling mo sa Quiapo."

Hindi ko na lang  pinansin si Dianne, the more na inaayawan ako. Mas lalo akong nanggigil na makuha ang gusto ko.

"Gagawin ko nga ang lahat maging Boyfriend lang kita, at kapag nangyari yun, ikaw naman ang pahihirapan ko. Frits Santiago!"kausap ko sa sarili.

Pagkatapos pinikit ko ang mga mata ko. Habang pabalik kami sa School namin huminga ako ng malalim upang kahit papaano mabawasan ang inis ko.

Nakakainsulto kasi sa isang katulad kong. Ayawan ng lalaking katulad ni Frits. Kahit kailan wala pang umayaw sa'kin. Lahat nagkakandarapang mapansin ako. Samantalang si Frits Santiago. Pinabol-habol ako. Papahirapan ko rin siya oras na bumagsak siya sa mga kamay ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon