FRIT'S P.O.V.
Nasa Bahay kaming Tatlo. Ngayon. Hindi kami pumasok sa lahat ng Subject namin. Kaya ngayon nakatambay lang kami sa bahay namin.
"Oh, Ano Frits? Sabi ko naman sa'yo eh, hindi basta-basta magpapa-api 'yan si Ally." sabi ni Drek.
Sumimangot ako ng maalala ko si Ally. "Ang babaing iyon. Tss! Napaka-maldita talaga niya!"
"Bakit hindi mo na lang kasi karirin ang pagiging magkasintahan niyo di ba? Tapos kapag nahulog na siya sa'yo saka mo iwan." Ani Drek.
Napatingin ako kay Drek. "Mukhang maganda 'yang nasa isip mo." Ngumiti ako nang may naglalarong magandang plano sa isip ko.
"Hey! Kayong dalawa. Wag puro mananakit sa babae ang iniisip niyo. Kawawa naman si Ally." Sabad Luke.
"Tss! Ikaw Luke, lahat nga minamahal mo. Kasi babaero ka! Ano sa tingin mo? Hindi ba pananakit sa babae ang ginagawa mo." Sagot ni Drek.
"Ah, Basta! Wag si Ally, okay!"
"Type mo ba si Ally?" tanong ko kay Luke.
"Lahat type niyan. Walang pinipili 'yan. Kahit poste papatusin niyan. Lagyan mo lang ng palda." Ani Drek.
"Unggoy! Anong akala mo sa'kin? CHEAP!"
"Sus! Nagdeny ka pa! Back to Ally, Frits, Bakit hindi mo subukang maging good boyfriend sa kanya? Subukan mo siyang kilalanin. At kapag napatunayan mong hindi siya ang karapat dapat sa'yo. Hiwalayan mo. Makipagbreak ka. Makipaglaro ka muna Frits. Tutal matagal mo ng hindi 'yan nagagawa di ba?" ani Drek.
Kung sabagay siya naman ang habol-habol sa'kin. Bakit hindi ko nga subukan muna. Tutal maganda naman si Allyson. At siguradong maraming lalaki sa school ang ma-iinggit sa'kin. Kapag naging Kami ulit. Gusto niya ako eh, di Makikipaglaro ako sa kanya. "Okay! Sige, bukas magiging good boyfriend muna ako sa kanya."
"Mga anak mag meryenda muna kayo." Sabad ni Yaya Chedeng.
Napalingon kami kay Yaya Chedeng at napangiti kami sa dala niyang pagkain. Kaya naman tumayo ako para tulungan siya sa dala-dala niyang pagkain.
"Yaya Chedeng! Kumusta na po? Na-miss namin ang niluluto niyong meryenda." Tanong ni Luke.
"Okay naman ako Luke, pinagluto ko kayo ng favorite niyong bake macaroni."
"Wow! Yaya. Mukhang mapaparami ang kain ko ha!" Sagot ni Luke.
"Hoy! Luke, Tirahan mo kami ni Frits." Sabat ni Drek.
Tumayo kaming dalawa ni Drek upang dumulog na sa hapag kainan.
"Oh! Dahan-dahan mga anak! Marami akong niluto niyan. Nasan pala si Patrick at Troy?" Tanong ni Yaya Chedeng.
"Naku! Yaya chedeng, siguradong mai-inggit sila sa'min kapag nalaman nilang pinagluto mo kami ng meryenda, si Patrick ayon! nasa school, nagpapaka dalubhasa, si Troy, nagpapakadalubhasa rin sa pangchi-chixs."sagot ni Luke habang kumakain.
"Sus! Nagsalita ang hindi henyo sa pakikipag flirt." Sabad ni Drek.
"Naku! Kayo talagang mga bata. Puro kalokohan! Mag-aral muna kayong mabuti para naman hindi masayang ang pinaghirapan ng mga magulang niyo." Ani Yaya Chedeng.
Nagkatinginan kaming tatlo. Pagkatapos saglit naming iniwan ang pagkain namin. Tapos lumapit kami kay Yaya Chedeng at sabay-sabay namin siyang niyakap.
"Yaya, mga good boy kami. Na-miss ka na'min, ang sarap talaga ng luto niyo Yaya." Ani Luke.
"Tama si Luke Yaya, Mabait kami, salamat sa mga pangaral mo sa'min noon Yaya." Ani Drek.
"Ya, Thank you!" Nagkiss pa ako sa pisngi ni Yaya Chedeng.
Maluha-luha namang humarap sa'min si Yaya Chedeng. "Kayo talaga! Hindi pa rin kayo nagbabago para pa rin kayong mga bata Ang sweet niyo."
"Siyempre naman Yaya! Love ka namin di ba?" sagot ko.
Pagkatapos kumalas si Yaya Chedeng sa'min. Kami namang Tatlo pinagpatuloy namin ang pagkain namin. Habang kumakain kami. Nakita ko si Yaya Chedeng na nakangiti sa'min habang nakatanaw.
Ito kasi ang isa sa mga Dahilan ko kung bakit gusto ko siyang makabalik sa mansyon bukod kasi sa'kin. Naging malapit na rin kasi siya sa mga kaibigan ko, sa kanya kasi kami noon ini-iwan ng mga magulang namin noong mga bata kami. Kaya naging malapit na si Yaya sa mga kaibigan ko.
ALLY'S P.O.V.
"YAyaa Digna!" Sigaw ko sa bago naming katulong. Ito kasi ang pumalit kay Yaya Chedeng.
Nakaupo ako sa malambot na sofa habang nanood ako ng MTV ng K'pop, Super junior at Exo ang inaabangan ko ngayong panoorin. Nakaramdam ako ng pagka-uhaw kung kayat naisipan kong tawagin ang bago naming katulong. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas walang Yaya Digna ang lumapit sa'kin. Iritable akong muling sumigaw para tawagin ang katulong namin.
"Yaya! Digna! Ano ba binge ka ba?!" Sigaw ko.
Sumimangot ako ng si Mommy ang lumapit sa'kin. Nakapameywang pa siya habang nakaharap sa'kin. "Ano bang kailangan mo sa Yaya mo? Ha! Allyson?"
Inangat ko ang ulo ko, tapos pinaikot ko ang eyeballs ko. "May ipapautos ako sa kanya."
"Wala ka bang mga paa? Para hindi mo kayang gawin ang pinapa-utos mo sa katulong natin? Alam mo bang? Unti-unti ng nagsisi-alisan ang mga katulong natin dahil sa kagagawan mo."
"Hindi ko kasalan iyon Mommy. Gusto nilang umalis kasi ang tatamad nila!"
"Kailan ka ba magbabago sa pagta-trato mo sa mga katulong Ally? Hindi lahat pwede mong i-utos sa kanila."
"Whatever! Yaya is such a looser!" Ginaya ko pa si angelina sa palabas na Yaya angelina" Sabay tayo ko. Pagkatapos padabog akong nagtungo sa kwarto ko upang doon magpawala ng Badtrip.
"Allyson! Kinakausap pa kita." Habol ni Mommy sa'kin.
Ngunit hindi ko siya pinansin. Sumimangot ako sa kanya nang lingunin ko siya. Nakita ko naman ang pag-iling-iling ni Mommy sa'kin.
"Dapat kang maturuan ng Leksyon Allyson! nang tumuwid 'yang pag-uugali mo." Habol na sabi ni Mommy sa'kin.
"Asa ka Mommy! Hindi ako magpapakumbaba sa mga katulong. Dahil isa silang hamak na alila." Sabi ko sa isip. Pagkatapos tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...