FRITS'S P.O.V.
"Ang galing ng acting mo kanina Frits. Paniwalang-paniwala si Ally na gusto mo na siya." Ani Drek.
Magkasama kaming kumakain ng breaktime sa labas ng school. Ang totoo wala naman akong planong sabayan si Ally sa breaktime, sinabi ko lang iyon para umasa siya.
"Psh! Mga babae talaga. Madaling maniwala!" Sabay nguya ko ng slice na chiken.
"So, what next?" Tanong ni Drek.
"Sasakyan ko ang lahat ng gusto niya. Pagkatapos iiwan ko na siya, from the very beginning she's not my type."
"Are you sure? Baka ikaw ang matalo sa plano mo na 'yan." Sagot ni Drek.
Tinapunan ko ng tingin si Drek, "Gusto kong maramdaman niya kung paano masaktan. At gagawin ko iyon para kay Yaya Chedeng."
"Well, break a leg!" Ani Drek, tapos nagpatuloy kami sa pagkain.
ALLY'S P.O.V
"Where's Frits?" Tanong ko sa mga kaibigan ni Frits na sila, Troy, Luke, Patrick.
Nagkatinginan ang tatlo.
"Ha? W-Wala siya kasi tumawag ang Mommy ni Frits kanina pinauwi siya ng maaga." sagot ni Patrick.
"Gano'n ba? Sayang naman."
"Kung gusto mo? sumabay ka na lang sa'min" ani Troy.
"No thanks! Baka mapatay ako ng mga fans niyo rito!" Sabay turo ko sa mga babaing nakatigin sa'min.
Lumingon naman ang tatlo.
"See? Kaya walang dahilan para sumabay ako sa inyo, sige, bye! Enjoy your meal." tapos umalis na ako,
Naglakad ako palabas ng canteen, nagugutom na talaga ako. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Dianne para samahan akong kumain sa labas ng school, sinundo kasi siya ng parents niya kanina before breaktime. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko tapos hinanap ko ang numero ni Frits pagkatapos tinawagan ko iyon. Ngunit walang sumasagot.
"Nakakainis! Gutom na ako."
"Allyson?"
Nilingon ko ang tinig na nagmula sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang tumawag sa'kin.
" Zyrus?"
Lumapit siya sa'kin habang nakangiti. Nang makalapit siya ginulo niya ang buhok ko.
"Ano ba? Kakasuklay ko lang niyan eh! Bakit ka nandito? Di ba? na sa Amerika ka nag -aaral?"
Ngumiti siya habang nakatitig siya sa'kin. Labas tuloy ang pantay-pantay niyang magandang ngipin.
"Nami-miss na kasi kita. Wala akong mapagtripan do"n sa school na pinasukan ko. Boring!"
Sumimangot ako. "Ang sama mo! Sinundan mo lang pala ako rito sa pilipinas kasi wala kang mapagtripan."
"Parang gano'n na nga. Ha-ha-ha!"
Hinawakan niya ang kamay ko at Hinila ako ni Zyrus. "Let's go, Allyson! Marami tayong dapat pag-usapan."
"Teka lang! Aayyy!"
Binuhat kasi ako ni Zyrus.
"Ang bigat mo naman Allyson. Tumataba ka na yata."
"Peste ka! Zyrus, Ibaba mo ako!"
"Ha-ha-ha! Ayoko nga nakaka-miss kaya ito."
Tapos kinarga niya ako patungo sa loob ng sasakyan niya, hindi ko alinta na maraming nakatingin sa'min.
FRITS'S P.O.V.
Naglalakad ako nang marinig ko ang ingay sa mga estudyanteng na dadaanan ko.
"Tingnan mo girl si Allyson iyon di ba? may frits na siya? Bakit nakikipaglandian pa siya sa iba?" Buling ng babae.
Napahinto ako sa paglalakad, at tiningnan ang estudyanteng nagsalita, sinamaan ko siya ng tingin,
"Anong tsinitsismis mo diyan? Ha!" Sabi ko.
Halatang nagulat sa'kin ang estudyante, kung kaya't nagmadali silang umalis kasama ang tatlo pa niyang kasamahan, pagkatapos nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Ayy ang gwapo niya!" Narinig ko sigaw ng isang girl.
Hindi ko siya pinansin, sanay na kasi ako sa mga babaeng nagpa-Fantasya sa'kin, at tulad ng dati hindi ko sila pinapansin. Ayoko ko kasi sa babaeng humahabol sa isang lalake, mas gusto ko na lalaki ang sumusuyo sa babae.
"Kyaahh! Oo nga girl ang pogi niya!"
"Nakaka-inlove siya noh!" Dinig ko pang sabi.
"Tara sundan natin!"
Nagmadali ako sa paglalakad, baka kasi pagsamantalahan ako ng mga babaeng iyon sayang ang kagwapuhan ko.
"Teka! Bakit parang wala namang sumusunod sa"kin?"bulong ko.
Huminto ako sa paglalakad ng mabilis at nilingon ko ang mga babae, pero wala namang sumusunod sa'kin, nagtaka tuloy ako narinig ko kasing sabi ng babae na susundan nila ako. pero wala namang sumusunod sa'kin.
"Bilisan mo! Ang gwapo nong kasama ni Allyson. Dalian mo!"
Halos kaladkarin ng isang estudyante ang kasama niya. Hindi man lang nila napansin na dinaanan nila ako.
"Si Allyson?" sinundan ko ang mga estudyante kung saan papunta, hangang sa marating ko ang labas ng school.
"Zyrus?"
Lumapit kay Ally ang lalake, habang nakangiti, tapos ginulo ng lalaki ang buhok ni Ally.
"Ano ba? Kakasuklay ko lang niyan eh! Bakit ka nandito? Di ba? na sa Amerika ka nag-aaral?" Sabi iyon ni Ally.
"Nami-miss na kasi kita eh! Wala akong mapagtripan do"n sa school na pinasukan ko. Boring!" Narinig ko pang sabi ng lalaki kay Ally.
Nakita kong sumimangot si Ally. "Ang sama mo! Sinundan mo lang pala ako dito sa pilipinas kasi wala kang mapagtripan!"
"Parang gano'n na nga! Ha-ha-ha!"
Kuyom ang kamao ko nang makita ko ang sumunod na eksena, hinawakan kasi ng lalaki ang kamay ni Ally, at Hinila. "Let's go! Allyson, marami tayong dapat pag-usapan."
"Teka lang! Aayyy!"
Parang gusto kong lumapit sa kanila at bigyan ng malupet na suntok at flying kick ang lalake, kitang-kita ko kasing Binuhat niya si Ally.
"Ang bigat mo naman Ally, tumataba ka na yata."
"Peste ka! Zyrus, Ibaba mo ako!"
"Ha-ha-ha! Ayoko nga. Nakakamiss kaya ito."
Tapos kinarga si Ally ng lalaki patungo sa loob ng sasakyan.
Lahat iyon nasaksihan ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong galit, dapat nga matuwa ako kasi may ibang lalaki ang nakakuha ng atensyon ni Ally, mas magiging madali dapat sa'kin ang plano ko.
"Kyaaa! Grabe ang sweet ng gwapong lalaki iyon. kinarga si Allyson, " narinig kong tili ng babaeng katabi ko.
Tinapunan ko ang babae ng nagbabagang tingin ko. Natuptop ng babae ang bibig niya at nagpeace sign sa'kin pagkatapos umalis na ang babae.
"Psh! Iyon lang kinilig na ang babaw nila."
Sa sobrang inis ko hindi na ako pumasok sa Next Subject ko. Kung sabagay palagi naman akong nagdi-ditch. Nagiging masipag lang ako kapag malapit na ang Exam.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...