CHAPTER 30

392K 9.4K 118
                                    

ALLY'S P.O.V.

Halos kaunti na lang ang tao sa school dahil kanina pa tapos ang oras ng uwian. Tapos na ang praktis game. Over all sila Frits ang panalo kahit hindi na sila nakapaglaro sa 3rd at 4th quarter dahil sa injury nila. Mag-isa akong naglalakad palabas ng school. Wala pa kasi ang sundo ko. Si Zyrus, dahil may injury sinundo siya ng Momny niya. Si Dianne, naman naunang umuwi dahil susunduin nila ang kuya niya sa airport.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko pero wala do'n ang Cellphone ko. Hinanap ko loob ng bag ko ngunit wala rin. Bigla kong naalala naiwan yata sa loob ng clinic ng ihatid namin si Zyrus do'n. Agad akong tumakbo papunta doon. Malapit na kasi iyon isara. Ang importante kasi sa'kin doon ay ang sim ko at ang diary ko na nakalagay sa cellphone ko.

"Saglit lang po!" Sabi ko sa Nurse nang makarating ako ng clinic.

"Oh, bakit?" Tanong ng Nurse.

"May naiwan po kasi ako sa loob."

"Sige, pumasok ka na."

Tumango ako at bumalik ako sa hinigaan kanina ni Zyrus, at do'n ko nakita sa ibabaw ng unan ang cellphone ko.

"Thank you po." Paalam ko sa Nurse.

Habang naglalakad ako. Napansin kong may sumusunod sa'kin. Pero kapag lumilingon ako wala akong nakikitang tao.

"Ayy! Sigaw ko ng biglang may humila sa'kin.

"Sshh!"

"Ikaw?!"

"We need to talk!"

"Bitawan mo ako Frits!"

Kinuha ni Frits ang dalawang kamay ko at tinaas iyon at isinandal ako sa pader ng room. Halos dikit na dikit na kami.

"Bwiset ka! Bitawan mo ako! Ano ba Frits!"

"Ayoko!" Sagot niya.

"Ano bang problema mo ha?"

Tinitigan niya ako. Tapos dumako ang mata niya sa labi ko. Nakaramdam ako ng konting kaba.

"Ally, may nakahalik na ba sa'yo? I mean may naka-first kiss na ba sa labi mo." he said in a sexy voice na parang nang-aakit.

"Ano bang pinagsasabi mo. Bitawan mo nga ako! Kung hindi sisigaw ako dito."

Tumawa si Frits."Alam mo Ally? Mas maganda ka pala kapag namumula ang pisngi mo."

Umiwas ako ng tingin. Sino namang hindi mamumula sa sinasabi niya. Kahit sinong bato kapag sinabihan ng gano'n ka-gwapong nilalang ewan ko lang kung hindi lalambot.

"Wala! At wag mo ng alamin!"

"So, ako pala ang first kiss mo sa lips."

"Wala akong sinabing ikaw! Tsaka smack lang iyon."

"Gano'n ba? E-Eh, di gawin nating mas real at hindi smack." Tapos dahan-dahang inilalapit ni Frits ang labi niya sa labi ko. Napapikit na lang ako, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.

"Kapag hindi mo ako binitawan babasagin ko na talaga 'yan ng tuluyan." Anas ko.

"Ooucchh!"Binitiwan niya ang kamay ko.

Tumaas ang kilay ko. "O.A sinabi ko pa lang naman na babasagin ko 'yan. Umaray ka na!"

"Ally..."

Tiningnan ko siya. Hawak-hawak niya ang paa niya.

"Anong problema mo?"

Lumapit ako at hinawakan ko siya. "Masakit pala ang injury mo, dapat umuwi ka na agad."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon