CHAPTER 57

380K 11.5K 878
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Achuu!" Simula pa kanina ako atching nang atching, nahawa na yata ako kay Frits, paano ba naman nagkiss kami no'ng may sakit siya.

"Ang landi mo kasi Ally, 'yan tuloy nahawa ka." Kausap ko sa sarili ko.

Saglit akong humiga sa kama ko. At nagkumot ako. Nakakaramdam kasi ako ng lamig. "Mukhang ako naman yata ang magkakasakit."

Kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan ko si Zyrus.

"Hello! Zyrus."

"Oh, napatawag ka? Excited ka na ba sa gala natin mamaya?" Ani Zyrus sa kabilang linya.

"Aachu! Sasabihin ko nga sa'yo na pwedeng Next time na lang tayo gumala. Next time mo na lang mo ako ilibre. Masama kasi ang pakiramdam ko."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Zyrus.

"Okay lang, mukhang may sakit ka nga. Ininuman mo na ba ng gamot yan?"

"Mamaya pa lang, ipapahinga ko muna ito, Zyrus, Next time na lang, ha! Salamat."

"Sige, paling ka Ally."

Tapos binaba ko na ang Cellphone ko. Tapos nag-umpisa na akong matulog. Ngunit ilang segundo ko pa lang na i-ipikit ang mga mata ko tumunog ulit ang Cellphone ko. Inis kong kinuha at sinagot ang tumatawag.

"Ally, go to my room right now." Ani Frits. Tapos pinatay agad niya ang tawag.

Sa tono ng pananalita niya mukhang may topak na naman si Frits. Sinumpong na naman ng pagka-abno.

"Magaling na siguro siya, abnormal na naman eh,"bulong ko.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni Frits. Magkatabi lang ang kwarto namin ni Frits kaya mabilis akong nakarating do'n.

"Come in!" ani Frits. Naka-diwatro siya sa may sofa na nasa loob ng kwarto niya.

"Anong problema, Young Master?"

"Pag may problema lang ba dapat kang tawagin?"

Bigla akong nagulat sa pagsigaw niya sa'kin kaya yumuko ako.

"Sorry po, Young Master. Ano po ba ang kailangan mo?"

"Nakikita mo ba iyon!" Turo niya sa mga damit na marurumi."labahan mo 'yan lahat! Dapat malinis ang pagkakalaba maliwanag!"

Gusto kong mamatay ngayon araw na ito dahil ang dami kasing maruruming damit na kailangang labahan, hindi ko nga alam kung paano ko lalabhan 'yan. Hindi naman ako marunong maglaba,

"Pero...Young Master, pwede po bang sa susunod na araw na lang po. Medyo masama ang pakiramdam ko ngayon eh," pakiusap ko sa kanya.

"Sino ang Maid sa'ting dalawa ha?" Tanong ni Frits.

"Ako po," sagot ko naman.

"SO DO YOUR JOB!"mariin niyang sabi.

Nanahimik na lang ako. Tama nga naman siya. Ako ang Maid sa bahay na ito. Wala akong karapatang magreklamo. Dahil trabaho ko ito. Kaya kahit masama ang pakiramdam ko. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa Young Master ko.

Napabungtong-hininga ako.
"Yes ,Young Master." Kinuha ko ang mga damit na marurumi. Hayss! Ang bigat masyado. Ang hilig kasing magpalit ng damit ni Frits.

"Ahmm... Young Master, kumain ka bago mag-alas diyes ng umaga esksaktong alas-diyes kasi ng umaga ang oras ng pag-inom mo gamot mo. Wag mo kalimutang inumin." Sabi ko sa kanya. Pagkatapos  lumabas na ako sa kwarto niya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon