ALLY'S P.O.V.
Maaga akong nagising kung kaya't agad akong naligo at nagbihis pagkatapos pumunta ako sa kitchen para magbreak fast.
"Good morning Mommy, good morning Daddy!" Bati ko sa parents ko.
"Oh, Ally anong hangin ang pumasok sa ulo mo at himalang maaga kang nagising ng hindi ginigising ng mga katulong natin." Sabi ni Mommy.
Kumuha ako ng hotdog at tinapay bago nagsalita, "Mommy naman! Ayaw niyo ba ng ganito ako? Wala akong nakaka-away na katulong sa umaga." Sabay ngiti ko.
"Sana magtuloy-tuloy na 'yan Allyson."
"Ah.. Anak! Pupunta pala kami ng Mommy mo sa Amerika nextweek."
"Ha? Bakit hindi ako kasama? Daddy kakauwi mo lang di ba?"
"Anak! May business trip kami ng Mommy mo kailangan iyon."
Sumimangot ako, palagi na lang kasi akong naiiwan ng magulang ko. "Hmm... Lagi naman eh,"
"Pag-uwi namin babawi kami sa'yo ng Mommy mo." Sabi ni Daddy,
"Haist! Wala naman akong magagawa eh," Uminom ako ng juice at kinuha ko ang bag ko. "Mommy, Daddy! pasok na po ako."
"Oh, hindi ka pa tapos kumain." Sabi ni Daddy.
"Busog na po ako sige po." At umalis na ako, ang totoo nawalan ako ng ganang kumain, maganda pa naman ang gising ko tapos masisira lang pala.
SPIA:
"Good morning, Ally!" bati ni Zyrus.
"Oh! Bakit nandito ka?" Tiningnan ko ang suot niyang damit. Naka-school uniform si Zyrus ng SPIA
Ngumiti si Zyrus, "Dito na ako mag-aaral." Tipid niyang sagot.
"Aahh— Okay! Goodluck sa Saint Paul International Academy Zyrus." Aalis na sana ako ngunit hinila ni Zyrus ang braso ko.
"Teka lang Ally!"
"Bakit?"
"Eh, kasi wala pa akong friends dito. Ikaw lang!"
"Ayy! Oo nga pala. Tara na!" Hinawakan ko ang braso ni Zyrus at sabay kaming naglakad papunta sa Classroom.
"Kyaahh!" Rinig kong sigaw ng mga estudyanteng Babae na palaging nag-aabang sa mga casanova ng SPIA.
Huminto kami ni Zyrus sa paglalakad.
"KyAaaahhhhhh!"
"Andiyan na ang limang casanova! Kyaahh! Ang gwapo talaga nila!" Sigaw pa ng isang babae.
"Ang gwapo nila!"
Isa-isang nagsisibabaan sa mga sasakyan ang Lima, unang bumababa si Luke Perez ang soccer team.
"Kyaahhhh!" Nagsigawan ang mga babae.
"KyAahh! Luke my love."
"Ang gwapo niya talaga!" Sigaw pa ng isang babae.
Napansin naman ako ni Luke kaya huminto siya sa harapan namin. "Hi, Ally! Good morning! "Ngumiti pa siya sa'kin. Pagkatapos tinapunan niya ng tingin si Zyrus. "It's Nice to see you Again, Zyrus." Ani Luke.
"Luke Perez, kumusta na Brad?"ani Zyrus.
Hindi niya sinagot si Zyrus. Sa halip binaling niya ang tingin sa'kin. pagkatapos umalis na siya.
Sumunod naman bumaba si Drek Andrew Lopez, Ang may Banda sa Lima.
"KyAaahhhh!"
"Drek Andrew!" sigaw pa ng isang Girl
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Fiksi RemajaSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...