ALLY'S P.O.V.Hindi ako pumayag na sumama kay Tita Sheena, papuntang Amerika. Gusto kong pa rin ang pangarap ng magulang ko na makapagtapos ako ng pag-aaral, simula ngayon simpleng tao na lang ako. wala ng mga luho at unlimited shopping, Walang kotse na maghahatid sa'kin, papuntang school. Kailangan kong maging independent. Kahit mahirap kailangan kong kayanin. Para sa parents ko. At para sa pangarap nila sa'kin.
"Manong para po! Halos pasigaw ko sa paparating na taxi. Kumaway-kaway pa ako upang makita agad ako ng taxi driver. Ngunit hindi ako hinintuan ng taxi driver. Nanlumo ako at muli akong Nag-abang sa dadaan na taxi. Upang makasakay papuntang school. Wala naman kasing trycycle na napasok sa loob ng subdivision namin. Kung hindi taxi lang.
Sampung minuto na akong nag-aabang sa tapat ng bahay namin ngunit hindi pa rin ako nakakasakay nag-umpisa na rin akong pagpawisan sa kakahintay ng dadaang taxi.
"Aist! Ganito pala kahirap maghintay ng masasakyan. Buti na lang maaga akong bumangon. Sana makasakay na ako. Hindi naman pwedeng lakarin sobrang layo ang palabas ng subdivision."
Habang naghihintay ako ng taxi. Narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.
"Ally!"
"Ikaw pala, Luke." tumayo ako at lumapit ako sa kanya.
"Sumakay ka na, sumabay ka na sa'kin."
"Sigurado ka Luke?"
"Yap!" Lumabas si Luke at pinagbukas niya ako ng pintuan ng kotse.
"Thank you, buti na lang dumaan ka. Kanina pa ako naghihintay ng taxi."
"Simula ngayon, lagi na kitang isasabay sa pagpasok sa school."
"Salamat, pero maghahanap ako ng bahay na malapit sa school natin. Kukunin na ng bangko ang bahay namin."
"Sigurado ka bang kaya mo Ally? Pwede ka namang tumira sa bahay namin. Hindi ka naman iba sa'min. Alam mo 'yan."
Umiling ako. "Thank you, pero kailangan kong matuto mag-isa, buong buhay ko umasa ako sa magulang ko kaya ngayon. Wala akong natutunan. Kasi umasa lang ako sa kanila. Kaya ngayon sisikapin kong mabuhay na hindi nahingi ng tulong."
"Siguro ka ba diyan?"
Tumango ako. "Wish me luck, Luke. Thank you sa lahat ng tulong mo."
"Basta hindi mo ako mapipigilang tumulong kapag nakikita kong nahihirapan ka. Ayoko yatang nakikitang nahihirapan ang kinakapatid ko." Tapos ngumiti siya sa'kin.
"Salamat, hindi ka pa rin nagbabago."
"Siyempre naman! Gwapo pa rin ako."
"Loko ka talaga!"
"Ally..."
Pilit kong minumulat ang mata ko. Ngunit hindi ko na magawang pigilan dahil sa sobrang antok. At dahil sa sobrang antok ko hindi ko alam kung panaginip ang narinig kong huling sinabi ni Luke sa'kin.
"Sweet dreams, Ally" sabi niya.
Nang magising ako. Bumungad sa'kin ang nakangiting si Dianne. Kinusot-kusot ko ang mata ko at bumangon.
"Good morning, Ally."
"Bakit ako nandito sa clinic, si Luke?" Tanong ko kay Dianne.
Nag lipstick muna si Dianne. Bago nagsalita. "Pumasok na sa class room nila, Girl, Alam mo ba? Grabe! Ang sweet ni Papa Luke, kinarga ka niya hanggang clinic. Ang mga nag-aabang tuloy sa kanya kanina ayon dismayado ng makita nilang buhat-buhat ka ni Luke."
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...