CHAPTER 89

311K 8.7K 2K
                                    

FRITS'S P.O.V.

"AAllyy!" Sigaw ko habang walang patid ang pag-agos ng luha ko.

"F-Frits!! Hoy! Frits!"

"AAlly!" Sigaw ko.

Isang sampal ang gumising sa'kin.

"Ano gising ka na Frits? " Tanong ni Taya Chedeng sa'kin.

"Yaya, Si Ally?" Pawisan ang katawan at mukha ko, basa rin ng luha ang mga mata ko.

Kumunot ang noo ni Yaya Chedeng, "Nasa hospital si Ally? Nanaginip ka. Tinatawag mo si Senyorita Ally, umiiyak ka pa nga."

Tinitingan ko si Yaya Chedeng. "Panaginip? Totoo ba'ng panaginip lang iyon?"

Muling kumunoot ang noo ni Yaya Chedeng,."Sabihin mo nga Frits? Nagka-droga ka ba?"

"Yaya, panaginip lang ang lahat? Thanks God, panaginip lang ang lahat ng iyon." Niyakap ko pa si Yaya Chedeng sa sobrang kaligayahan.

"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka! Pumunta lang ako rito para kunin ang pinagkainan mo." Kinuha niya ang tray na nasa ibabaw ng table.

"Yaya, ikaw ba nagpasok ng pagkain sa kwarto ko?"

"Hindi, di ba ikaw ang nag-dala nito dito? Pagkatapos mo'ng maligo dinala mo ito dito at kumain ka."

"Gano'n po ba? Hindi ko na po maalala eh,"

Sa panaginip ko kasi dala-dala ni Allyson ang tray na may lamang pagkain at inilagay niya iyon sa ibabaw ng table.

"Hay! nakung bata ka,  umayos ka nga pati ako naguguluhan sa'yo eh,"

"Yaya, anong oras na po?"

"Alas-dos pa lang nang madaling araw, matulog ka ulit, magdasal ka kasi sa bago ka matulog, pagkatapos uminom ka ng maraming tubig para hindi ka binabangungot."

"Opo, salamat," bumangon ako at nagtungo sa C.R aalis ako ngayon. Dadalawin ko si Ally, hindi na ako makapaghihintay pa ng umaga para puntahan si Ally, ang panaginip ko, parang totoong-totoo, ang mga luha ko bumuhos talaga sa mukha ko. hanggang ngayon basa pa rin ang mukha ko dahil sa luha ko. Paglabas ko ng kwarto. nando'n pa rin si Yaya Chedeng.

"Bakit po, Yaya?"

"Wag ka nang umalis delikado sa daan bukas ka na lang pumunta kay Senyorita Ally."

Umiling ako. "Hindi na ako makapaghihintay ng umaga Yaya. Mag-iingat na lang ako sa daan."

"Kung gano'n, hindi naman kita mapipigilan. Sige mag-iingat ka na lang.

Tumango ako kay Yaya Chedeng at nagbihis ba ako, ilang minuto lang nasa daan na ako patungo sa hospital,

"Ally... " bulong ko.

Dahil walang traffic sa daan mabilis akong nakarating ng hospital. Pagpunta ko do'n, nakita ko si Tita Sheena, tulog na tulog siya habang binabantay si Allyson.

Marahan ko siyang Tinapik sa balikat.

"Hmm... ikaw pala Frits, buti na-padalaw ka. Ilang araw kang hindi pumunta rito. Nagalit ka ba sa narinig mo?" Ani Tita Sheena. Umupo siya at humarap sa'kin.

Umupo na rin ako sa tabi niya. "Hindi naman po ma-iiwasan Tita, Sorry!"

Hinawakan ni Tita Sheena ang kanang kamay ko at ngumiti siya sa'kin.

"Hindi ako ang magdi-desisyon no'n, nilingon niya si Allyson, at ngumiti. "Hanggat may naniniwalang magigising si Ally, hindi rin ako susuko."

Tumingin siya sa'kin. "Ikaw ang mag-disesisyon niyan Frits, Ikaw ang mas may malapit ma koneksyon kay Ally ngayon, kaya sa'yo ko ipagkakatiwala ang desisyon."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon