CHAPTER 56

367K 11K 495
                                    

FRITS'S P.O.V.

Pag gising ko kina-umagahan. Ang una kong nakita ang babaeng mahal ko, hayss! Sana ganito palagi. Nagigising akong siya ang unang makikita ko sa umaga. Ang ganda siguro ng araw ko palagi. Ilang minuto ko rin siyang pinagmasdan bago ko binuhat at inihiga ko sa kama ko. Nakatulog kasi siya sa gilid ng kama ko. Pagkatapos tumayo na ako para magluto sana. Pero biglang may narinig akong katok. Agad ko iyon binuksan.

"Mom?" Gulat na gulat ako sa nakita ko. Bigla kong naalala si Ally nasa kama ko pala. Itatago ko pa sana kaya lang biglang pumasok si Mommy.

"Anong ginagawa niya rito?" Tanong ni Mommy habang nakatingin sa mga mata ko.

"Nakatulog siya rito Mom. Sa pagbabantay sa'kin, nilagnat kasi ako kagabi."

Biglang hinawakan ni Mommy ang sintido ko at leeg. Bakas sa mukha niya ang pag-alala na kanina ay pagdududa.

"May sinat ka pa, uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ni Mom sa'kin.

Umiling ako. Si Ally na lang ang magpapainom sa'kin Mom, siya ang nakakaalam ng oras ng pag-inom ko ng gamot."

"Okay, sige! Kung yaan ang gusto mo. Ipagpapaluto kita ng bulalo kay Yaya Chedeng mamaya." Tapos lumapit siya sa table. "Ako na ang magdadala ng mga ito."

Ang planggana na may tubig. At balat ng gamot na inuman ko ang bitbit ni Mommy palabas ng kwarto ko. Bago pa siya tuluyang lumabas ng kwarto. Lumingon si Mom sa'kin, Tapos ngumiti.

"Mukhang magaling ang Nurse mo. Mukhang may mag-aalaga na sa'yo." Tapos ngumiti si Mom. At tuluyan ng umalis.

Nakahinga ako ng malalim ng umalis si Mommy. Pagkatapos muli akong bumalik sa kama ko, nakaupo ako sa gilid habang pinagmamasdan si Ally habang natutulog.

"Parang kang angel, na binigay ni God sa'kin, hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang epekto mo sa buhay ko."

Hinawakan ko ang tapat ng puso ko. "Pakinggan mo kung gaano kalakas ang pagtibok ng puso ko sa t'wing nasa tabi lang kita, haist! Sana maramdaman mo at makita mo ang nilalalaman nito." Sabi ko sa tulog na si Ally.

Pagkatapos kong pagmasdan si Ally. Tumayo na ako upang maligo. Ilang minuto rin ang itinagal ko sa paliligo bago ako nagbihis.

"Tulog pa rin siya."

Habang nagsusuklay ako ng buhok. Bigla kong naisip kong kuhanan siya ng litrato habang natutulog. Palagi kong ginagawa iyon sa kanya, ang nakawan siya ng picture, habang kinukuhan ko siya bigla kong na-alala ang CCTV Camera na pinakabit ni Daddy dati upang subukan ang hightech na CCTV camera. Maririnig kasi rito kahit ang ingay.

"Hmm... Ano kayang ginawa sa'kin ni Ally habang may sakit ako?"

Kinuha ko iyon at ni replay ko ang record kagabi.

"Mahal din kita Young Master.
Mahal na mahal kita." Ani Ally.

Napangiti ako sa sagot niya sa'kin habang nagsasalita ako ng tulog,
"Mahal pa rin pala ako ni Allyson."

"Hindi mo naman malalaman eh," tapos hinalikan niya ako sa pisngi, nakita ko sa Hightech CCTV na binili pa ni Daddy sa Amerika. Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Ally habang hinahalikan niya ako sa pisngi, pagkatapos niyang gawin iyon kinumutan niya ako. Pagkatapos lumabas na siya ng kwarto ko.

Pinindot ko ang fast forward para malaman ang sumunod na ginawa ni Ally, biglang natawa ako ng nakita kong itsura ni Ally habang tinatanggal niya ang polo shirt ko.

"Magaling ka na Young Master?"

Bigla akong napalingon. Si Ally gising na. Agad akong tumayo, lumapit siya sa'kin, at kinapa niya ang noo ko at leeg ko, habang ako naman ay nakatitig sa kanya.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon