ALLY'S P.O.V.
Dahan-dahan akong bumangon sa pag-kakahiga, habang ingat na ingat akong wag magising si Tita Sheena, halos walong oras yata akong tulog mula nang iturok sa'kin ang gamot na iyon kanina, I need to find Frits. At hindi ko kayang maghintay na lang dito, hindi ko kaya. . .
Dali-dali akong tumakbo palabas ng Hospital. Pagkatapos naghanap agad ako ng Taxi.
"Para! Para!" Kaway ko sa taxing papalapit, huminto ito sa harapan ko at Agad akong sumakay.
Umuwi ako sa mansyon nila Frits. Hinintay ko munang maka-alis sila Mama Faith at Papa. Pagkatapos pumasok ako sa loob ng Mansyon,
"Senyorita Ally!" Tawag ng guard sa'kin.
"Ssshhhhh! Wag niyo po'ng ipaalam sa kanila please!" Pakiusap ko.
"Pero—
"Please Manong." Pagsusumamo ko.
Tumango si Manong guard. "Thank you po," Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Naligo muna ako at nagpalit ng damit. Habang nagsusuklay ako. Nakita ko ang bag at maleta ko na dala-dala ko sa Puerto, agad kong hinanap ang Cellphone ko. Nang buksan ko iyon. May Flood text ako mula kay Maddison, agad ko itong tinawagan.
"Hello, Maddison, nasaan si Frits?"
"Allyson, how are you? Balita ko na Hospital ka, nakakalungkot hindi ka pa namatay." She said. While laughing like a devil.
Gigil na gigil ako habang naririnig ko ang boses niya.
"Hindi pa ako mamatay, dahil mauuna ka!"
Humalakhak siya. "Mas lalong hindi agad ako mamatay. Alam mo ba ang kasabihang. Matagal mamatay ang masamang damo?" Oh? Baka naman si Frits ang unang mamatay, what do you think Allyson?"
"Don't Fuckin try. I swear i won't forgive you."
"Hhmm... talaga? Burgos! Ilapit mo sa'kin si Frits!" Sigaw niya.
"Anong gagawin mo sa kanya?" Napaluha ako. "Please! Don't hurt him."
"Allyson, hindi ko sasaktan si Frits, in one condition?"
"Ano iyon?"
"Pumunta ka rito. Ipalit mo ang buhay mo 'yon ay kung gusto mo'ng makitang buhay ang pinaka-mamahal mo'ng si Frits Santiago."
"Ally, Wag kang pumayag! Ally please wag ka nang pumunta rito." Sigaw ni Frits.
Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Habang nariring ko ang boses ni Frits. "God, Frits." Bulong ko.
"Ally! Wag ka nang sumunod kay Maddison."
"You shut up!"
"Aaaaahh!"
Narinig ko ang daing ng aray ni Frits.
"Frits, damn it! Anong ginawa mo kay Frits?!"
"Ayon, binigyan ko lang ng leksyon. Ang ingay kasi. Nakaka-asar! Ano gusto mo ba siyang makitang buhay?"
"Oo, wag mo lang siyang sasaktan."
"Sure, I promise."
"Ibigay mo sa'kin ang address."
Ibinigay ni Maddison ang address. "Tandaan mo! Wag na wag kang mag-sasama ng mga pulis. Or else i'll cut his head, na-iintindihan mo ba?!"
"Oo, promise!"
"Good, okay bye! Hihintayin kita."
Tapos ini-end of call na niya, pinunasan ko ang mga luha sa mga mata mo. Gamit ang mga daliri ko, "Mag-hintay ka lang Frits, at ililigtas kita."
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...