CHAPTER 62

331K 7.6K 218
                                    

TEO LUGEN'S P.O.V.

"Carlo rossi please!" Sigaw ko sa isang Bartender sa sobrang ingay sa loob ng Arristokrata Bar. Halos mag sigawan na kami ng kasama kong si Alfred. Si Alfred ang partner in crime ko. Gangster din siya. At pareho kaming nag-aaral sa Saint paul International Academy. Ang pagkakaiba nga lang namin nasa section C si Alfred.

"Teo, bakit hindi ka pumasok kanina, hindi mo tuloy nakita kung paano pinagsigawan ni Frits na girlfriend niya si Allyson Ramirez."

Nakaupo kami sa isang V.I.P room kahit week days ngayon, hindi pa rin mapigilan ng mga tao ang dumayo sa Bar na ito, sobrang sosyal kasi at maganda, may mga Live Band sila na talaga namang sikat na Banda at Singer ang laging Guest nila.

Sinaid ko muna ang alak na nasa kupita ko. "Good for them, atleast 'yang bading na si Frits Santiago. Nagkaroon na ng lakas ng loob na magtapat kay Ally."

"Hindi ka ba apektado?"

"Ha-ha-ha! Why me?"

Nagsalin ng alak si Alfred, bago tuluyang nagsalita. "Dahil inlove ka rin sa kanya."

Tumingin ako kay Alfred, at ngumisi, "AKO?" Duro ko pa sa sarili ko. "Ako Pa talaga magiging apekted, ha? Ha-ha-ha! Hey! Alfred, for your information si Allyson Ramirez ay para ko lang kapatid, I treat her as my little sister. Kaya nga ako ang anino niya. Ako ang magpo-protekta sa kanya."

"Really? Hindi naman 'yan ang nakikita ko sa mga mata mo?"

"Psh! Alfred wag ka ng gumawa ng kwento, uminom na nga lang tayo nasaan na ba 'yung alak? Waiter!" Muli kong sigaw.

"Heto na po, pasensya na." Isang babae ang nagbigay ng alak sa'min.

Napanganga kaming dalawa. At napalunok sa babaeng ng serve sa'min

"Ah— Hi! Anong pangalan mo?" Tanong ni Alfred habang tulalang nakatingin sa dalaga, siniko ko si Alfred.

"Yurielainne anne po, Sir."

"Wow! Very unique name, kasing ganda mo ang pangalan mo." puri ni Alfred.

"Thank you po,"

Tinitigan ko si Yurielainne Anne, sa itsura niya hindi talaga siya nababagay sa lugar na ito, ang height na 5'5 ay pasok sa beauty queen, mapungay din ang mga mata niya, maputi at makinis ang balat parang kutis ng may sinabi sa buhay, napansin ko ang damit niya halatang original, at mamahalin, I wonder kung bakit siya rito nagta-trabaho.

"Ahmm... Yurielainne, may Boyfriend ka na ba? Kung wala pa. Pwedeng ako na lang." ani Alfred.

Ngumiti si Yurielainne. "Pasensiya na po Sir my Boyfriend na po ako."

Nakita ko ang pagka-dismaya ni Alfred.

"Psh! Basted agad ang gunggong."sabi ko sa isip.

"Gano'n ba? Sa'yang naman pala kung ganon? Anyway kilala ba namin. Lagi ba dito ang boyfriend mo?" Tanong muli ni Alfred.

Tumatango si Yurielainne hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang sa'kin siya nakatingin.

"Sino?"ani Alfred

"Siya!"Turo ni Yurilaine sa'kin. "Siya ang Boyfriend ko si Teo." Ngumiti pa siya sa'kin.

"Ako?" Gulat na gulat kong sabi sa kanya.

"Oo, ikaw nga Teo."

"Teka! Teka! Paano mo naman siya naging Boyfriend si Teo? Eh, ngayon ka lang namin nakita?" Sabad ni Alfred.

Tumayo ako sa kinauupuan ko, hanep itong babaeng ito, ang lakas mangtrip, daig pa naka-droga, mas lasing pa sa'min.

"Alfred, tara na! Lasing na yata ang babae na 'yan!"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon