CHAPTER 93

402K 7.3K 442
                                    

ALLY'S P.O.V.

Pagkatapos ng One week honeymoon namin sa Puerto, balik eskwela na kami ni Frits, nakaka-panibago ang araw na ito. Habang nakaupo ako sa ilalim ng malaking puno malapit sa Room namin, nakasuot sa tenga ko ang bluetooth headset, habang nagkikinig ng music, at ang mga mata ko nakatanaw sa mga estudyanteng naglalakad sa papuntang cafeteria.

"Mrs Santiago, Mrs Santiago!" Tawag sa'kin, tapos Kinalabit pa ako.

Nilingon ko ang kumalabit sa'kin, si Dianne lang pala.

"Bakit?" Tanong ko.

Umupo siya sa tabi ko, pagkatapos tinusok-tusok niya ng daliri ang tagiliran ko. "Girl, mag-kwento ka naman do'n sa honeymoon niyo." Ngiting-ngiting sabi ni Dianne.

I rolled my eyes "Aish! Kahit kailan talaga Dianne. Tsimosa ka!"

Muli niya akong tinusok-tusok sa tagiliran, "Eto naman parang hindi tayo friends, sige na dali! Ano? Masakit ba?" Nakangising tanong ni Dianne,

Nanlaki ang mata ko. Biglang naging kulay kamatis ang mukha ko. "Ano ka ba naman Dianne! Confidential na iyon, hindi iyon, dapat kinukwento!" Napalakas pa ang boses kong sabi. Nagulat na lang ako nang bigla siyang nagtitili, si Dianne talaga may pagkabaliw, ugh!

"Kyaahhh! Oh my Gosh! You mean? Nagawa niyo na talaga 'yung Xrated. Yung SPG! ang R-18 Kyaah! Anong feeling Ally?" Inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko.

Hinampas ko siya sa balikat.
"Asar ka noh! Ang OA mo! Wala naman akong sinasabing may nangyari sa'ming gano'n, ah!"

Biglang nagbago ang reaksyon ni Dianne. Tapos tumaas ang kilay niya Halatang dismayado sa sinabi ko.

"Gano'n? Walang honeymoon na nangyari as in walang duuu?" Ulit pa niya,

Tumango ako. "Oo wala! At kung magkakaroon man, hindi ko iyon sasabihin sa'yo, noh!" Irap ko rin.

"Hindi ko alam na manang ka pala Allyson, sabagay hindi naman kasi halata sa'yo na conservative ka eh, aish! Ang boring siguro ng honeymoon niyo! Nagbibilang siguro kayo ng butiki O kaya binibilang niyo ang mga buhangin sa dagat noh,"

"Iyon ang akala mo Dianne," bulong ko. habang nakikinig sa kanya.

"Ang OA mo talaga! Grabe ka! Mabibilang ba ang buhangin sa dagat? Kahit abutin kapa ng ten thousand decade.hindi mo yan mabibilang noh!"

"Eh, ang Boring kasi ng honeymoon niyo!"

"Masaya naman kaming dalawa ni Frits do'n."

"Whatever! basta ang boring talaga!"

"Bahala ka nga Dianne! Oo nga pala girl, sino na ang nililigawan mo ngayon?"

Tinitigan niya ako ng masama.
"Ako pa talaga ang manliligaw gano'n? Palagay mo sa'kin. Disperadang magka-love life!"

Tumawa ako ng malakas. "Bakit hindi pa ba?"

"Alam mo kung hindi lang kita friend. Kinalbo na kita! Pang-asar ka eh,"

Nag-peace-sign ako kay Dianne. "I love you, Dianne." Ngumisi pa ako.

"I hate you!" Muli niyang irap sa'kin.

Ako naman ngayon ang nanunusok ng tagiliran.

"Uy, joke lang!" Sabi ko.

Patawa-tawa ako nang inirapan niya ako. Pagkatapos bigla kong niyakap si Dianne. "Uy, girl joke lang iyon ah!"

"Tse!" Sagot ni Dianne sa'kin.

"Nagse-selos naman ako niyan eh,"

Napalingon kaming dalawa ni Dianne. Si Frits, Nakasuot siya ng uniform. At nakapamulsa habang labas ang dimples at nakangiti sa'min.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon