A night before ally's birthday

338K 7.3K 323
                                    

Third person's POV;

Alas otso palang ng gabi. Ngunit pakiramdam ni Allyson hinihila na sya ng antok. Marahil sa ininom nyang alak dahil hindi sya sanay sa tequila,

"Are you okay wife?" Tanong sa kanya ni frits,

Magkatabi silang nakaupo habang nasa gilid sila ng dagat at may sinding bonfire sa gitna nila. Naroon ang lahat ng mga kasama nila. masayang nag uusap-usap.

"Yah! I'm okay, medyo nahihilo lang ako ng konti," sagot nya,

Isinanding ni frits ang ulo ni Ally sa balikat nya. "Matulog ka muna sa balikat ko." Ani frits,

Tumango si Ally at tuluyan na nyang ipinikit ang mga mata.

"Frits, ano tulog na ba si ally?" tanong ni zyrus,

Tumingin s'ya kay ally, tapos dahan-dahan nyang pinangko ito,

"Dadalhin ko muna s'ya sa kwarto," tapos tuluyan ng umalis si frits,

Maya-maya lang nag si-datingan na ang iba pang bisita nila na kasama sa eighteen candles at eighteen roses. Hindi kasi sila maaring magpakita kay allyson sa ngayon. Dahil surpresa ang gagawing party ni frits para kay ally,

"Tulog na ba si allyson?" Tanong ni marienne isa sa mga imbitado sa debut ni ally, umupo ito sa katabi ni lhei,

"Bukas na ang gising nya. Hindi non kinakaya ang tequila. Knock out agad 'yon," si dianne iyon,

"Ah, ganon ba?"

"Antayin natin si frits, may sasabihin yata sa'tin ngayon," si luke naman iyon,

Ilang saglit lang dumating na si frits. Umupo ito sa gitna. Upang lahat sa kanya ang atensyon.

"Guys, first, thank you sa pag dalo nyong lahat dito. Thank you sa pakikipag cooperate nyo sa surprise party sa mahal kong si allyson. Alam ko'ng ang iba sa inyo hindi mag-kakila kila literaly, but for ally's sake andito kayo. Kaya salamat. Sa first plan. Sa manila ang gaganapin ang debut ni allyson. Kaya ngayon, nagsama-sama tayo dito para magkaroon tayo ng bonding sa isa't-isa. And tomorrow morning ang alis natin dito. Dianne," Tumingin s'ya kay dianne, "Samahan mo si allyson dito hanggang sa makarating ng manila.. all plans will already settled, kaya alam nyo na gagawin nyo!. Mag enjoy po kayong gabi at salamat!" Tapos tumayo si frits at muling bumalik kay ally,

"Ang sweet ni frits noh! This is a rare to happen."ani lhei,

"Yah! Bihira lang ang ganyang lalaki. Allyson is a very lucky girl," sagot pa ni marienne,

Umupo si jennilyn sa tabi ni lhei at marianne. May dala itong beer, "ahmm...excuse me! Gusto nyo?" Abot nya sa dalawa.

Kinuha ni lhei at marienne ang alak, saka ngumiti, "thank you!!"

"Friend mo din ba si ally?" Tanong ni lhei,

"Yah! Neighbor nila ako sa dati nilang bahay nung hindi pa namamatay parents nya." Ani jennilyn,

"Ahh-oo nga pala! Ako nga pala si lhei and this is marianne,"

Ngumiti si jennilyn, "hi!"

"Hello! Nice meeting you!"sagot naman ni marianne,

Pagkatapos nagkaroon na sila ng bonding moments,

Kumuha ng Beer si dianne, na nasa may cottage nila. May pagkain din doon na sadyang ihanda para sa maliit na kasiyahan ngayon. Tumayo sa gilid at pinag-masdan ang mga kasama,

"Ano ba yan! Wala man lang ako ka close dito! Ang dyahe naman pakipag-kwentuhan!" Sabi nya, pumihit s'ya at muling bumalik sa cottage, umupo s'ya roon at doob nagsimulang uminom mag-isa,

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon