ALLY'S P.O.V.
"Zyrus, Bakit ba tayo nandito? Akala ko ba kakain lang tayo. Bakit mo ako dinala sa bahay niyo?" Tanong ko kay Zyrus.
Pero sa halip na sagutin niya ako. dumeretso siya sa kwarto niya, "Follow me Ally, I have something for you."
Nagsitaasan ang magkabilaang kilay ko." Ano katangahan ba 'yan Zyrus? Mala-late na ako sa next subject ko."
"Katangahan agad? Hindi ba pwedeng pasalubong ko iyon sa'yo!" Sagot ni Zyrus.
"Aish! Ewan ko nga sa'yo! Makakaalis na nga." Tumalikod ako at nag-umpisa akong maglakad palabas ng Mansyon nila Zyrus.
"Hey! Ally, wait!" Sigaw ni Zyrus.
"Tse! Bahala ka diyan!"
"Ayaw mo ba ng gift ko sa'yo na chanel bag?" Sigaw pa ni Zyrus.
"Ayoko niyan! I can buy more expensive bags."
"Ayaw mo talaga? Sige bahala ka! 'yung bag na binili ko sa'yo, sa loob no'n may complete collections ng Dvd's ng Naruto at Bleach, sayang ang hirap pa naman makahanap ng gano'n."
Huminto ako sa paglalakad. "Tama ba ang narinig ko? Collections ng Dvd's na Bleach at Naruto? Favorite Anime ko iyon."
"Totoo ba 'yang sinasabi mo?" Tanong ko.
Kinindatan ako ni Zyrus. "Surprise sana kaso nagmamadali kang umalis."
"Bleach at Naruto sure ba 'yan?" ulit ko pa.
"Ano unlimited ka? Paulit-ulit."
Bumalik ako at sumunod kay Zyrus papuntang kwarto niya.
"Oh, Nasaan na ang pasalubong ko?"
"Saglit lang! Kanina halos gustong umuwi ngayon atat na atat."
"Ahh... Kasi baka malate ako sa next subject ko eh,"
"Aysus! Kailan ka pa naging masipag sa pag-aaral? Sanay ka ngang magditch."
"Pakialam mo ba! Asan na kasi?" Iritang tanong ko.
Binuksan ni Zyrus ang cabinet niya at kinuha ang maliit na box doon. "Oh, Ayan! Buksan mo na dali!"
"Sige! Bubuksan ko na."
Dahan- dahan kong tinanggal ang pagkakaribon ng box pagkatapos binuksan ko iyon. Wow! Naruto at Bleach nga! Paano ka nakuha nito? Hindi pa nga ito kumpleto sa watch online."
"Siyempre ako pa! Ginamitan ko 'yan ng charm at pogi teknik." Pagyayabang ni Zyrus.
"Eww! Yabang! Pero thank you rito. Alam na alam mo talaga ang gusto ko."
"Oh, wala bang kiss diyan?" Biro ni Zyrus.
Tumaas ang kanang kilay ko.
"Eh, kung suntukin kaya kita!""Ha-ha-ha! Joke lang!"
"Mabuti na ang nagkaka-intindihan tayo, Teka? ano ba itong maliit na box?"
Napansin ko kasing may maliit na box pang kasama sa mga gift na binigay ni Zyrus sa'kin.
"Gift ko din 'yan sa'yo pero kapag ina-antok ka na saka mo na 'yan buksan."
Dinampot ko iyon at tinanggal ang pagkakaribon. "Excited na akong makita baka Diamond Ring eh,"
"Wag mo munang buksan."
I glared him, "Gusto ko nga ngayon."
"Bahala ka nga Ally, kahit kailan matigas ulo mo."
Dahan-dahan kong binuksan ang box, pagkatapos——?
"Aaayy! Paalaakaaa!" Sigaw ko. Halos napatalon ako sa kama dahil sa pagkagulat at takot.
"Ha-ha-ha! Sabi ko sa'yo. Wag mo muna Buksan." Halos manakit ang tiyan ni Zyrus sa kakatawa.
Isang laruang palaka kasi ang laman ng maliit na box. Yung may spring na kapag binubuksan tumatalon.
"Bwiset ka! Zyrus, kahit kailan talaga!" Asar na sigaw ko. Kinuha ko ang unan at pinaghahampas ko kay Zyrus.
"Bwiset ka Zyrus!"
"Ha-ha-ha! Bakit ako ang sinisi mo? Ikaw ang nagbukas niyan eh,"
"Kasalanan mo! Lagot ka sa'kin." Hinabol ko si Zyrus habang hawak-hawak ang unan at pinagbabato ko siya ng unan.
"Ally, tama na!" Sabi niya. habang walang tigil sa kakatawa.
"Hmp! Yan ang bagay sa'yo! Magkakasakit ako sa puso sa'yo. Bwiset ka!"
"Aarayy! Ally masakit na 'yan."
"Dapat lang sa'yo 'yan!"
Kumuha na rin ng Unan si Zyrus at gumanti na rin sa paghampas ng unan sa'kin. "Gaganti ako sa'yo Ally, Eto ang sa'yo!" Hinampas niya ako ng unan.
"Kyaa!" Sigaw ko, tapos ako naman ang tumatakbo para makailag kay Zyrus.
"Ally, wag kang tumakbo! Lagot ka sa'kin." Habol-habol ni Zyrus sa'kin.
"Bleehh! Ayoko nga! Habulin mo ako kung mahahabol mo ako. Ha-ha-ha!" Sabi ko.
"Ha-ha-ha! Lampa ka pa rin! Kaya mahahabol kita." Sagot ni Zyrus.
"Kung kaya mo Panot, Payatot!" Pambubully ko. Panot at payat kasi noong bata si Zyrus. Patpatin ang katawan niya at tinubuan kasi siya ng pigsa sa ulo, kaya ang pinagtubuan ng pigsa kinalbo at inahit, kaya ang tukso ko kay Zyrus noong mga bata pa kami ay panot.
"Gano'n, panot pala ha! Nakakahiya naman sa'yo peklatin! Peklatin!" Ganti naman ni Zyrus, madami kasi akong peklat dati, hindi kasi ako maingat sa sarili, at palage pa akong nakikipag away dati kaya lagi akong may sugat pagkatapos ng away. Kaya tinutukso akong peklatin.
"Ha-ha-ha! Panot! Lampa! Hindi ka makahabol." Pang-aasar ko kay Zyrus. tumatakbo ako. Sinundan naman ako ni Zyrus hanggang sa makarating kami sa Garden nila Zyrus.
"Pinabibigyan lang kita peklatin! Baka madapa ka kasi magkaroon ka ulit ng buong dalawang piso ha-ha-ha!" Sagot naman ni Zyrus.
Gano'n kaming dalawa naghahabulan at naghahampasan, nag-aasaran, parang bumalik kami sa pagiging bata, kusa kaming huminto nang mapagod kami sa kakatakbo. Pagkatapos nag meryenda kami at muli kaming naglaro ng jack N poy. At naglaro kami ng Xbox, nakalimutan ko ng bumalik sa school at hindi ko na namalayan ang oras, na miss kasi namin ang isa't isa. Kaya muli naming binalikan ang dating ginagawa naming dalawa.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...