ALLY'S P.O.V.
Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng mamatay ang magulang ko. Wala na akong nadatnang katawan ng magulang ko dahil pina-cremate na sila ng Tita sheena ko. Sunog na sunog kasi ang katawan ng magulang ko at kinakailangan na raw talagang i-cremate. Sobrang sakit na kahit sa huling sandali ng buhay nila hindi ko man lang nayakap ang magulang ko. Tanging abo na lang nila ang tanging naging alaala ko.
"Ally, pinabibigay pala ito ni Atty. Mendez, para ito sa'yo. Ahmm... sulat 'yan ng mga parents mo." Ani Tita sheena. Habang nasa loob kami ng silid ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang yakap-yakap ang urn ng magulang ko.
Tinitingnan ko 'yon habang patuloy pa rin ang pagluha ko.
Tumabi si Tita Sheena sa'kin. "Ally.. Alam mo naman na ako lang ang nag-iisang pamilya mo rito di ba? Sumama ka na sa'kin sa Amerika."
Hindi ako kumibo nanatili akong nakatulala habang umiiyak.
"Ally, Kaya mo 'yan. Hindi matatahimik ang mga magulang mo kapag nakikita ka nilang nagkakaganyan."
"Kung isinama nila ako no'n. Magkakasama sana kami ngayong tatlo na namatay. Ang daya talaga ni Mommy at Daddy lagi na lang nila akong iniiwang mag-isa." Sabi ko sa paos kong boses habang tumutulo ang luha ko.
"Wag kang mag-isip ng ganyan Ally. May dahilan si God. Kung bakit nangyari ang lahat ng ito."
"Gusto ko na rin mamatay Tita, Gusto ko silang sundan."
Niyakap ako ng Tita ko at umiyak na rin siya dahil sa matinding pagkahabag sa'kin. "Wag na wag mong gagawin 'yan, Ally. "
"Tita... ang sakit-sakit, para akong pinatay na rin. Napakahirap tanggapin na wala na sila. Sila ang lakas ko. Sila ang tapang ko, para na akong mababaliw Tita."
Hinawakan ng Tita ko ang mukha ko. "Kaya mo 'yan Ally, Wag kang susuko. Wag na wag kang susuko."
"Hindi ko kaya Tita. I'm sorry."
"Allyson, Kaya mo yan. Nandito ako kasama mo."
Hindi na ako sumagot pa. Nakatingin lang ako sa kawalan habang patuloy ang pagluha ko. Hindi na ako nakakain ng maayos. Wala akong ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak. Wala na akong boses, paos na paos na. Kahit sobrang nag-aalala sakin Tita ko. Hindi ako nakikinig.
"Daddy, Mommy! Masaya na siguro kayo diyan kasi kasama niyo si God, ako mag-isa rito, ang hirap tanggapin na hindi ko maririnig ang sermon mo Mommy. Yung palalambing ni Daddy sa'kin. Yung nagagalit ka Mommy kasi nagda-drive ako mag-isa kahit wala pa akong eighteen. Yung magagalit ka Mommy kasi inaaway ko mga katulong natin. Yung magagalit ka kasi ang laki-laki ng binabayaran mo sa credit card ko kasi shopping ako ng shopping. Yung si Daddy pag-uuwi. May pasalubong sa'kin. Hindi ko na Daddy maririnig ang paghehele mo sa'kin kapag hindi ako makatulog na kahit dalaga na ako ginagawa mo pa rin iyon. Hindi ko na makikita ang pag-amo mo sa'kin kapag pinapagalitan ako ni Mommy. Hindi ko na maririnig ang boses niyo ang mga tawa niyo ang paglalambingan niyo sa isa't-isa. Hindi ko na mararanasan ang sabay-sabay tayong nagsisimba. Nanonood ng sine at kumakain sa labas at higit sa lahat hinding-hindi ko na kailaman maririnig ang salitang. "Mahal na mahal ka namin anak." Lahat 'yan hindi ko na magagawa at makikita pa, sobrang miss na miss ko na kayo Mommy, Daddy."kausap ko larawan ng Mommy at Daddy ko.
Pinahid ko ang mga luha ko. Gamit ang kamay ko. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Lahat kasi ng parte ng bahay namin may alaala ang magulang ko.
"Hindi na pala sa'kin itong bahay na ito." Bulong ko. Habang pinagmamasdan ko ang bahay namin.
Ayon kasi sa last will testament ng magulang ko. Ang mga companies na tinayo ng magulang ko nasa pangangalaga ni Paul Andres Santiago. Business partner ng magulang ko iyon sa lahat ng business nila. At dahil nalugi sila. Napilitang ibenta ang mga companya ng magulang ko. Sabi ng Atty namin. Hindi raw pumayag si Paul Andres Santiago na ibenta sa kanya lahat dahil matalik daw na magkaibigan ang mga ito. Kaya binigyan na lang ng palugit ang magulang ko hanggang two years para makabangon Ang company namin. Pero dahil wala na sila mapupunta na ang lahat ng iyon kay Paul Andres Santiago. Wala na rin akong bahay. Dahil pagmamay ari na ng bangko ang lahat ng meron sa loob ng bahay namin. Ang mga kotse. at gamit sa bahay ay bayad utang lahat yon. Walang natira sa'kin kundi ang pensyon ng magulang ko at ang laman ng bangko ko na five hundred thousand pesos. Wala na ang lahat sa'kin.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...