CHAPTER 61

371K 8.1K 451
                                    

LUKE'S P.O.V.

Rinig na rinig ko ang ka-baduyang ginawa ni Frits. Pinagkalat niya sa buong School na Official na silang magkarelasyon ni Allyson. May kirot akong naramdaman ng marinig ko iyon, although expected ko na iyon,  Witness na ako kung gaano ka mahal ni Ally si Frits. Matagal ko nang alam iyon, at tanggap ko na, pero masakit pa rin pala kahit papaano, umiwas ako ng daan para hindi ako makita nila Ally, ayokong magulo ang pag-e-emote ni Frits.

Habang naglalakad ako patungo sa Classroom namin, Malayo pa lang nakita ko na si Mhady. Siya ang Class President ng Section namin. Kung matalino kami. Mas matalino si Mhady, medyo Unsocial nga lang siya. Dahil kahit minsan hindi ko siya nakitang nakikipag-usap sa mga Classmate namin. Shy type, at gusto na yatang pakasalan ang libro, sa mga babae sa School siya ang nakaka-challenge talaga, dahil kahit minsan walang lalaki ang nagawang baguhin siya.

Siya ang Modern Nerd, alam niyo ba kung bakit? Hindi katulad dati na very common na Nerd at genius. Wala siyang makapal na salamin. Kung hindi meron siyang mapungay at mahabang pilikmata. Wala siyang makapal na kilay at hindi nakatirintas or naka-pony tail ang buhok niya, tama lang ang kilay niya na parang ginuhit sakto lang ang kapal at nipis niya. Rebonded din ang buhok niya. Hindi rin siya nagsusuot ng baduy na damit. Ang pananamit naman niya ay tama lang sa dress code ng School at kapag casual dress naman, simpleng damit lang ang suot niya. Ilang beses na rin na volunteer bilang Campus Princess si Mhady, ngunit Kahit anong pilit ng professor namin she always said. NO! so wala talagang nagagawa ang mga professor namin.kung hindi ang humanap ng ibang panlaban.

Bigla akong naka-isip ng magandang idea, Challenge rin kasi sa'kin ang babaing iyon, Habang palapit si Mhady, pasimpleng kong sinalubong siya para magkabanggaan kaming dalawa.

"Shit!"

"Ooppss! Sorry Miss President," sabi ko nang makabanggaan kami. Nahulog ang mga libro niyang hawak.

Tumayo si Mhady at nagcross-arm siya at nakasimangot.

"Ikaw ang bumangga sa'kin, kaya damputin mo yan!"

"Ako? Hindi mo ba pupulutin ang mga gamit mo sa lapag?"

Sumimangot si Mhady. "Why me? Obvious namang Ikaw ang bumanga sa'kin, so ikaw ang pumulot ng lahat ng yan!"

Nakaramdaman ako ng inis, hindi kasi ganito ang gusto kong mangyari, kaya ko siya binangga para sabay naming pupulutin ang mga gamit niya. Tapos aksidenteng mahahawakan ko ang kamay niya. Then magkakatitigan kami. Tapos mahihiya siya sa'kin, ako naman ngingitian ko siya ng very hot Smile ko, and then ayon ang simula ng Friends namin pero kabaliktaran yata.

"Hey! Mr, Luke Perez, why are you looking at me? do I look seductive?"

Bigla akong nataranta. "Yeah!"

"Tss! Pakikuha nga ng mga gamit ko. Bilisan mo!" Inis na sabi ni Mhady.

Agad ko namang pinulot ang mga gamit niya. Nakangiti pa ako sa kanya habang inaabot ko ang mga gamit niya. Sinadya kong hawakan ang kamay niya. Akala ko matutuwa like other girl reactions, but i'm wrong again.

"Pervert!"

Hinampas niya ako ng librong hawak niya sa ulo ko at sa balikat.

"Ouch! Stop it!" Sigaw ko.

"Stop you're ass, Pervert!" Patuloy siya sa paghampas sa'kin.

Lumayo ako sa kanya. Grabe ang sakit non ah! Apat na libro kaya iyon, grabe itong babae na ito. Nahawakan lang kamay gusto na akong patayin. Samantalang yung iba. Pinapangarap ang mahawakan kahit ang damit ko lang.

"Hindi ko iyon sinasadya. Nahawakan lang ang kamay Pervert agad?" inis kong sabi.

"I dont care! Wag na wag mo akong lalapitan kung ayaw mong paglamayan ng maaga!" Tapos tumalikod ito sakin.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon