ALLY'S P.O.V.
Nakita ko ang mga estudyanteng laging nag-aabang sa pagpasok ni Frits. Siguradong mainit na naman ang mga mata nila sa'kin. Lalo ang mga haters, haist!
"Let's go, Ally!" Hinawakan pa ni
Frits ang kamay ko habang lumalabas ako ng kotse. Paglabas ko, nakita ko ang mga estudyanteng gulat na gulat. 'Yung iba nakataas ang kilay habang nakatingin sa'kin."Si Allyson Ramirez at Frits na ba ulit?" Usal ng isang girl.
"Siguro kasi tingnan mo magka-holding hands sila." Usal pa ng isa.
Gusto kong sabihin na. Wala kaming relasyon ni Frits. Pero wala na rin namang maniniwala.
"Ihahatid na kita sa room niyo, Ally." Ani Frits.
Tumango na lang ako. Para akong robot sunod-sunuran sa kanya, hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakahawak niya sa palad ko. Marami tuloy kaming nakitang mga estudyante na nagbubulungan at masama ang tingin.
"Ally?" Ani Dianne.
Nagulat siya nang makita kaming magkasama ni Frits. Idagdag mo pa. Ang nakita niyang pagho-holding hands namin ni Frits.
"Good morning, Dianne!" Bati ni Frits kay Dianne.
"Good morning din!" Sagot ni Dianne.
"Dianne, ang aga mo yata ngayon?" Medyo naiilang pa akong punahin siya. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"H-Ha! Oo, kasi hinatid ako ng maaga ng driver namin. si Kuya kasi isasama yung driver namin sa lakad niya ngayon."
"Gano'n ba?" Sabi ko.
"Ally, Aalis na ako. Wag na wag kang aalis ng wala pa ako, ha! Wag na wag kang magpapahatid sa iba. Ako lang dapat! Okay?" Ani Frits.
Tumango ako, "Naiintindihan ko," tapos ngumiti ako.
"Sige, alis na ako, bye Ally! Bye Dianne!" Paalam pa niya.
"Bye, Frits!" sabi ni Dianne.
"Bye, Frits!" Sabi ko.
Pero nakaka-tatlong hakbang pa lang siya nang muli siyang bumalik. Napakunot-noo ako.
"May naiwan ka ba?" Tanong ko.
Ngumiti si Frits "Meron."
"Ano iyon? Kukunin ko sa kotse mo."
Lumapit siya sa'kin ng sobrang lapit yung pagitan namin isang dangkal na lang ang layo, naamoy ko tuloy ang hininga niya. Yumuko ako hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kanya,
"Naiwan ko ang puso ko sa'yo. I just want to remind you that please takecare of my heart."
Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig. Alam mo iyon. Parang gusto ko na siyang yakapin talaga. Bakit kasi ang sweet niya this past few days.
"Hmm... Joke ba iyon?" Sabi ko.
Nakatigtig pa rin siya sa'kin, "Lahat ng iyon ay galing kay Mr. Heart." tinuro pa niya ang dibdib niya na tapat ng puso niya."
Hindi na ako nakapagsalita. Nahihiya na ako. My cheeks turn to Red. Idagdag mo pa ang mga classmate ko na parang nanonood ng free love story movie. Pangblock buster.
"Ally..."
Inangat ko ang mukha ko. Tapos hinawakan niya ang chin ko. Tapos unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Oh, my god! Hahalikan niya ulit ako." Bulong ng isip ko.
Napapikit na lang ako. At hinintay ko na lang dumapo ang labi niya sa labi ko, but i'm wrong, hinalikan niya ako sa pisngi. tapos umalis na siya.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...