CHAPTER 91

310K 7.1K 387
                                    

ALLY'S P.O.V.

Matamang pinagmamasdan ko ang itsura ko sa malaking salamin. Habang nakasuot ako ng wedding gown.

"Dianne, natupad na ang pangarap ko." naluluha kong sabi kay Dianne. Habang nanatili akong nakatingin sa salamin.

Mula sa malaking salamin. Nakita ko ang pag-akbay ni Dianne sa'kin, habang nakangiting nakatingin din siya sa salamin.

"I can't imagine Ally, na 'yung pinagpa-fantasyahan mo noon. At yung ina-angkin mong sa'yo, makukuha mo pala ngayon."

Nakangiti lang ako. Habang nakatingin kami ni Dianne sa salamin, Hanggang ngayon hindi pa rin nag sink-in sa utak ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Ang pagkawala ng importanteng tao sa buhay ko. Kapalit naman no'n ay ang paglapit sa'kin ng taong pinapangarap ko. Si Frits Santiago, Na noo'y kinasusuklaman ako. Pero ngayon magiging asawa ko na. Sobrang kaligayahan ang nararamdaman ko ngayong araw.  Ito ang araw na pinaka-importante sa'kin, ang maging tunay na "Mrs Allyson Ramirez Santiago," naramdam ako ng pagpatak ng luha ko. Tears of joy.

"Dianne, paano kaya kung buhay sila Mommy at Daddy? Magiging masaya kaya sila sa'kin?"

"Aish! Kung nandito sila baka kinurot ka na nila sa singit at tagiliran dahil sa ka-artehan mo!"

Bahagya akong napatawa. Na-aalala ko si Mommy. Palagi siyang kontra sa mga ginagawa ko. Siguro kong buhay siya ito ang sasabihin niya.

"Allyson, mag-aasawa ka na! Wag ka umasa sa iba. Maging responsable ka."

Dati kapag pinapagalitan ako. Kulang na lang maglagay ako ng malaking headset sa tenga ko para hindi ko marinig ang mga sermon niya. Pero ngayon, na-realize ko na lahat ng sermon ni Mommy ay tama para sa ika-bubuti ko.

"Oh, ano Ally, shall we go! Baka ipasundo ka na ng groom mo rito kapag hindi pa tayo umalis," ani Dianne.

Tumango ako at ngumiti kay Dianne. Pagkatapos tumayo na ako. Hawak hawak ni Dianne ang belo ko habang naglalakad ako, pagbukas ko pa lang ng pintuan. walang patid ang pag click ng camera sa'kin.

"Ang ganda niya."

Napapangiti ako sa mga complement na natatanggap ko. Lahat ng babaing nagsusuot ng wedding dress para sa'kin magandang-maganda.

"My new journey." Bulong ko.
ng makasakay ako sa bridal car,

***
FRITS'S P.O.V.

"Mom, nasaan na po si Ally?" Tanong ko kay Mommy.

Sampung minuto na kaming nag-aantay sa Bride ko. Ngunit wala pa rin siya. Nagtataka na rin ang iba kung bakit wala pa ang bride.

"Hindi ko rin alam anak, baka na traffic lang." sagot ni Mom,

"Mom, tinatawagan ko po cellphone ni Ally at Dianne naka-patay po, baka hindi ako siputin ni Ally mom," balisang tanong ko.

"Aish! Ano ka ba Frits, wag kang mag-isip ng ganyan."

"Pero Mom."

"Kasama ni Ally ang Daddy mo di ba? Kaya wag kang mag-isip ng kung ano-ano."

"Tinatawagan ko si Dad, patay din ang cellphone niya baka Mom, Nagbago isip ni Ally, hindi niya na ako pakasalan, tapos si Dad, pinayagan niya si Ally."

Tinapik ako sa balikat ni Luke,
"Frits, kalma lang okay! Matutuloy ang kasal niyo." ani Luke. Habang Nakangiti siya sa'kin. Si Luke kasi ang best man at si Dianne naman ang Maid of honor sa kasal namin ni Ally.

Tiningnan ko siya at bumuntong hininga ako upang mabawasan ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"Mag-aantay ako ng five minutes, kapag wala pa siya pupuntahan ko na talaga siya! Isasama ko lahat ng tao dito sa simbahan."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon