CHAPTER 38

422K 9.3K 515
                                    


ALLY'S P.O.V.

Ilang beses kong pinagmasdan ang bagong tinitirhan ko. Up and down nga siya. Ngunit hindi siya katulad ng dating bahay namin. Kung pagbabasihan ang buong bahay na ito ay kasing laki lang ng kwarto ko. Pero dahil ang buhay ko ay hindi na katulad ng dati kailangan kong sanayin ang sarili ko. Dahil kahit anong gawin ko. Hindi na magbabago ang buhay ko ngayon. Kailangan kong magsikap para umunlad ang buhay ko.

"Ally, saan ko ilalagay ang mga gamit na ito?" ani Dianne iyon.

Siya ang katulong ko sa paglilipat ko ng gamit ko sa bago kong bahay.

"Pakilagay na lang diyan sa tabi Dianne, mamaya ko na lang aayusin."

Nilapag ni Dianne ang gamit ko.
"Hayss! Nakakapagod din pa lang maglipat ng bahay. Hindi natin kakayin itong dalawa. Ano kaya kung papuntahin ko rito ang ibang maids namin para tulungan tayo?"

"Wag na Dianne, ako ng bahala sa mga ito. "

Isa-isa kong nilagay sa loob ng kwarto ang mga maleta ko at dahil nasa taas ang kwarto. Sobrang nahirapan akong bitbitin.

Pagbaba ko. Nakita ko si Dianne. Pangisi-ngisi. Kumunot ang noo ko.

"Bakit ka nakangiti diyan Dianne?"

"Nothing!" Tapos nag-umpisa na siyang mag-ayos-ayos ng mga gamit.

Lumapit ako sa kanya.
"Dianne,"

Huminto siya tapos humarap siya sa'kin. "We need reinforcement, kaya tinawagan ko si Zyrus and Luke para tulungan tayo."

"Tss! Sabi na nga ba eh! Kaya ganyan ang itsura mo, pa-reinforcement ka pa, ano 'yan, Clash of clan?"

Nagpeace sign si Dianne. Napa-iling na lang ako sa kanya. Si Dianne talaga. Parehong-pareho ng ugali ko. Ganyan din kasi ako noon.

Mayamaya lang dumating na si Zyrus. Para tulungan kami sa pag-aayos ng gamit ko. Hindi ko rin kasi alam kung pano aayusin ang lahat ng gamit ko samantalang mga damit at mga gamit sa kusina, laptop, tablet, at electrifan, at home theater lang ang dala kong gamit. May mga gamit pa ako sa dati naming bahay pinaiwan ko na lang sa bahay nila Luke. Ang iba kasing gamit namin na malaki ang value kinuha ng bangko.

"Kung hindi pa ako tinawagan ni Dianne hindi ko pa malalaman na lilipat ka na pala." May pagtatampo sa boses ni Zrus.

"Ayoko na kasing maka-istorbo sa'yo."

"Psh! Ally, ntatampo na talaga ako sa'yo. Parang hindi tayo magkaibigan niyan eh,"

Yumuko ako. "Sorry,"

Lumapit sa'kin si Zyrus, inabot niya ang isang panyo tumingin ako sa kanya. "Oh, Tingnan mo ang sarili mo? Pawis na pawis ka na oh!"

Kinuha ko ang panyo At pinunas ko sa mukha at katawan ko. Oo, nga pala puro pawis na ako. Kanina pa kasi ako nagbubuhat ng gamit. Wala namang aircon ang bahay na inupahan ko.

"Thank you,"

"Ehem! Tama na 'yan! mag-ayos na tayo ng mga gamit ni Ally, para matapos ng maaga." Sabad ni Dianne.

Tumawa na lang kaming dalawa ni Zyrus at nag-umpisa na kaming mag-ayos. Nagpatugtog si Dianne ng music ung mga nakakaindak. Masarap pala mag-ayos at maglinis ng bahay kapag may music. Hindi mo namamalayan. Napapadali ang trabaho mo. Kaya pala ang mga katulong namin dati kapag naglilinis nagpapatugtog ng music. ang sama ko pala dati. Nagagalit pa ako kapag nakikita ko silang gano'n.

"Tok! Tok!'

"Baka si Luke na 'yan!" sabi ni Dianne.

Agad na pinagbuksan ni Dianne ang nasa labas.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon