CHAPTER 31

386K 9K 361
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Bakit kaya hindi tumatawag sila Mommy at Daddy Yaya Lorna?" Tanong ko sa katulong namin. Habang Kumakain ako ng almusal.

Simula kasi ng pumunta ng Amerika ang magulang ko. Hindi pa sila tumatawag sa'kin. Hindi naman kasi ugali ng magulang ko ang hindi ako tawagan. minsan pa nga nagiging OA na ang magulang ko. Dahil minu-minuto ang pagtext at tawag nila sa'kin dati.

"Baka busy lang po siguro senyorita kaya hindi kayo matawagan. Tatawag din po iyon."

Huminto ako sa pagkain. Parang may kung anong kaba sa dibdib ko ang dumapo sa'kin. Pero binaliwala ko lang iyon.

"Yaya, Alis na po ako! Papasok na po ako. Pagtumawag po sila Daddy sabihan niyo sa'kin agad. Pakisabi na rin na tawagan ako. Hindi ko kasi sila matawagan eh,"

Tumango ang katulong namin.
"Sige po senyorita, tatawagin ko na po si Tony. Para maihatid ka na sa pagpasok sa school."

"Wag na po Yaya! Ako na lang po ang magda-drive sa kotse papuntang school."

"Naku po! Kabilin- bilinan ng magulang mo na hindi ka pwedeng magdrive. Mananagot kami niyan Senyorita.

"Yaya! Kaya ko na po."

"Pero kami po ang mapapagalitan ng magulang mo senyorita."

Pinanlakihan ko ng mata ang katulong namin upang masindak sa'kin. "Yaya! Wag ka ng mag-alala akong bahala kila Mommy at Daddy. Sige po alis na ako. Bye!"

Kakamot-kamot sa ulo ang katulong namin habang papalayo ako. Walang siyang nagawa kundi ang tanawin na lang ako habang paalis.

Paglabas ko Bahay. Nakita  ko ang driver naming si Kuya Tony na naglilinis ang kotse.

"Kuya Tony! Wag niyo na ako ihatid.  Ako na po ang magda-drive,"

"Ho? Pero, Senyorita Ally.
Hindi pa kayo eighteen. Mapapagalitan po ako."

Hindi ko pinansin si Kuya Tony. Sumakay na ako ng kotse. at sinimula kong paandarin.

"Senyorita Ally!"

"Wag po kayong mag-alala. Kaya ko na po ito. Sige bye!"

Tulad ng katulong namin. Walang nagawa si Kuya Tony kundi ang tanawin na lang ako habang paalis.

Napangiti ako. Habang nagda-drive. Sa wakas nagawa kong pumasok ng school na walang naghahatid sa'kin. Gustong-gusto ko na talagang magdrive kaya lang hindi pa kasi ako eighteen. School license lang ang meron ako. Pero kahit na gano'n nagagawa ko pa rin ipuslit ang kotse namin paminsan-minsan, lalo na kapag wala ang parents ko.

Dahil hindi naman kalayuan ang school namin sa tinitirahan ko. Sampung minuto lang naroon na ako sa school namin.

"Good morning Allyson!"

"Good morning Goddess!"

"Hi, Ally!"

'Yan ang parati kong naririnig sa tuwing papasok ako ng campus. Hindi na bago sa'kin ang gano'ng pagbati ng mga kapwa ko estudyante. Dahil isa ako sa mga hinahangaan ng school.

"Ally!" Tawag ni Dianne sa'kin.

"Bakit? Ang aga-aga hypher ka!"

"Paano ako hindi magiging hypher. Halika dali!" Hinila ako ni Dianne.

"Dahan-dahan naman! Saan ba tayo pupunta?!"

"Basta! Sumunod ka na lang!"

"Kinakaladkad mo na nga ako eh, ano ba kasi iyong ipapakita mo sa'kin?"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon