CHAPTER 67

316K 7.9K 289
                                    

ALLY'S P.O.V.

Bumuntong-hininga ako nang matapos kong i-text si Frits, kailangan na naming mag-usap dalawa, hindi ko na kayang kimkimin ang nararamdaman kong pag-aalala sa kanya. Natatakot ako sa maaring mangyari sa kanya. Kinuha ko sa drawer ko ang mga papel ng death threat na natanggap ko, nakuha ko ang mga iyon sa loob ng locker ko, tatlong death threat na ang na-recieve ko mula ng maging official boyfriend ko si Frits, muli ko iyong binasa.

"You wanna see him dying?
Just for a couple day and he'll die,"

"Mag saya ka na, kasi nabibilang na lang sa mga daliri mo ang buhay ng mahal mo."

"Mababawasan na  ng isang casanova. BooMm! patayy!"

Gusto ko iyon itapon, hindi ko alam kung dapat akong maniwala sa mga sulat na iyon, hindi ko rin alam kung dapat ba akong matakot, hindi ko alam ang gagawin ko, kaya kanina hindi ko mapigilang walang  pagsabihan ng mga bagay na iyon, tinawagan ko si Zyrus, at pinapunta ko dito sa bahay nila Frits.

"Ally, mag-ingat ka." Ani Zyrus, nang ipakita ko ang mga death threat at text na na-receive ko, nasa beranda kami ng mansyon nila Frits at nakaupo kami, halos hindi ko na nga nagawang kainin ang inihanda ni Yaya Chedeng na graham cake, bakas sa mukha ni Zyrus ang pag-aalala sa'kin.

"Dapat ba akong maniwala diyan? Natatakot ako para sa kaligtasan ni Frits."

Hinawakan ni Zyrus ang kamay ko, "Isipin mo rin ang sarili mo, malay mo nililigaw ka lang ng gumawa niyan, akala mo si Frits ang puntirya nila. Iyon pala ikaw. Ally, mag-ingat ka, ikukuha ka namin ng mga body guard mo, sasabihin ko kay Mommy."

"Wag na Zyrus, okay lang ako, wag mo ng sabihin kay Tita, mag-aalala lang siya sa'kin, hindi naman siguro sa'kin 'yan dahil wala naman akong yaman para patayin nila."

Huminga ng malalim si Zyrus. "Nag-aalala ako para sa'yo Ally."

Ngumiti ako, pilit kong tinatapangan ang loob ko. "Dont worry about me, hindi ako mapapahamak."

"Kailangang malaman 'yan ni Frits, Ally," Anito.

"Pero baka mag-alala pa siya."

"Sasabihin mo ba? O ako mismo ang magsasabi?" Naka kunot ang noo niya habang sinasabi niya iyon.

Tumango na lang ako. 
"Sige na sasabihin ko na, may kailangan din kasi akong malaman."

"Sige basta mag-iingat ka palagi, kung may problema. tawagan mo agad ako ha."

Tumango ako. "Salamat Zyrus."

"Ally!"

"Girlfriend!"Ulit pa niya.

Bigla akong bumalik sa realidad, nawili ang utak ko kaka-isip sa kaninang naging pag-uusap namin ni Zyrus, tinago kong muli ang death threat sa ilalim ng unan ko, at tumayo ako para pagbuksan nang pintuan. ang taong nasa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Girlfriend..."

Ngumiti ako at niyakap ko siya ng mahigpit, saglit ko pa lang siyang hindi nakita na miss ko na agad siya,

"I miss you girlfriend," tapos dinampian niya ako ng halik sa labi.

"I really missed you too."

Pinapasok ko sya sa  loob ng kwarto ko, tapos double lock ko pa iyon.

"Hmm... bakit kailangan doble lock pa? May gagawin ba tayo rito?" Pilyong ngiti niya.

Marahan ko siyang sinampal sa mukha, "Tse! Kung ano-ano ang iniisip mo eh," I pout.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon