CHAPTER 20

398K 9.4K 495
                                    

FRITS'S P.O.V.

"Frits, kumusta naman ba kayo ni Ally? Tanong ni Luke sa'kin.

"Psh!Bakit mo tinatanong?"

Nagkibit-balikat si Luke. "Wala lang kasi sa nakikita ko parang bumabaliktad na yata ang nangyayari. Mukhang ikaw ang na-iinlove kay Ally."

Tinitigan ko siya ng masama. "Wala kang pakialam, Luke!"

"Okay Fine! "

"Oo nga pala, Frits, nabalitaan mo na ba? Dito na sa Saint Paul mag-aaral ang magkapatid na KIM, si Maddison Kim at Maureen Kim." ani Troy.

"Bwiset! na matandang 'yan. Sinasabi ko na sa kanyang wag na wag tatanggapin ang magkapatid na iyon dito sa school!"

"Anong gagawin mo, Frits?"

"I'll talk to my Dad!" Pagkatapos. Kinuha ko ang bag ko at umalis agad ako at sumakay sa kotse. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng makita kong naglalakad si Ally. Agad ko iyon hinintuan.

"Baby, where are you going?" Tanong ko sa kanya, wala naman akong planong hintuan siya pero kapag iniisip kong si Zyrus ang kasama niya. kapag hindi ko siya hinintuan. Mawawala lahat ng plano ko. Basta ang alam ko lang, ayokong makitang kasama ni Ally si Zyrus.

"I'm looking for you." Ngumiti siya sa'kin.

Ngumiti ako sa kanya, ngayon ko lang napansin na maganda pala si Ally kapag ngumingiti.

"Oh, I'm sorry Baby, Hindi ako nakapagpaalam sa'yo. Let's go! Sumama ka sa'kin." Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko. Agad namang sumama sa'kin si Ally.

"Saan tayo pupunta Baby?" Tanong ni Ally.

"Sa bahay."

"Magdi-ditch na naman tayo?" Tanong niya.

"It's okay! Akong bahala sa professor mo."

"Okay, Sige." sagot ni Ally.

Kahit naman kasi hindi siya magditch wala na rin siyang maiintindihan sa ituturo ng professor nila. Dahil alam kong tamad din mag-aral si Ally.

"Ahmm... Baby, matagal na ba kayong magkakilala ni Zyrus?" panimula kong tanong.

"Yap! Childhood friend ko siya. Kaming dalawa lang ang laging magkasama simula ng mga bata pa kami, ang Mommy niya ay Ninang ko, bakit mo pala naitanong?"

"Aahh- wala naman, magkasama kasi kayong pumasok sa school kanina eh,"

"Nagseselos ka ba Frits?"

"H-Ha?"

"Sabi ko kung nagseselos ka kay Zyrus?"

Saglit akong napa-isip, nagseselos ba ako? Hindi dapat mangyari iyon, hindi ako dapat magselos kasi lahat ng ito ay puro pagpapanggap at paghihiganti lang sa kanya

"Hindi naman, alam ko namang loyal ka sa'kin di ba?"

"Siyempre naman! Thank you pala Frits. At natutunan mo na akong mahalin, sobrang saya ko talaga."

"Ako nga rin, siguro ginayuma mo ako noh! "Birong ko sa kanya.

Tumawa si Ally, "Alam mo Baby, bigla kong naiisip ang sinabi Dianne, na baka raw ginayuma kita, pero Hindi ko iyon gagawin. Masyado ka naman yatang gwapo para gamitan pa ng Spell mapa-ibig lang."

"Ha-ha-ha! Gwapo naman talaga ako ah!" Kumindat pa ako kay Ally,

"Sus! Ang yabang!"

"Ally..

"Hmm... Bakit?"

"Pwede bang yakapin mo ako habang nagda-drive ako. Eh, kasi nilalamig ako."

Unti-unting namumula ang pisngi ni Ally." A-Ah- ikaw ang bahala."

Dahan-dahang inilagay ni Ally ang mga kamay niya sa malapad na dibdib ni ko. Bigla akong nakaramdam ng malakas na paglakabog ng dibdib ko.

"Bakit parang ang init ng pisngi ko. Pati tenga ko! Masusunog na yata ako." Bulong ko sa isip.

Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagpintig ng puso ko. At marahil nararamdaman din niya ang kabog ng dibdib ko na halos mabingi ako sa lakas.

"Thank you, Ally! "

Ngumiti siya sa'kin. "Thank you rin. Sobra-sobra kasing kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon.

Nang makarating na kami sa mansyon Nakita ko agad si Mommy.

"Mommy, na saan ang matandang hukluban? Ang tinutukoy ko ay ang Daddy ko.

"Frits, ang bibig mo!" Pasigaw na sabi ni Mommy.

"I dont care! Mom, nasaan siya? "

"Nandoon siya sa taas! May bisita siya."

Dire-diretso kaming umakyat sa taas. Hindi ko naipakilala si Ally kay Mommy.

Pagpasok namin sa loob. Nabungaran namin si Maddison, Maureen Kim at isang matanda na nasa edad fourty years old. Marahil ito ang Mommy niya.

"Hindi ka ba marunong kumatok Frits? Lumalaki kang bastos!" Kampanteng sagot ni Dad.

Nilingon ko ang dalawang babae. "Bakit sila nandito? Bakit mo hinayaang makapasok sila sa SPIA sila Dad?"

"Ahm... Excuse me, Ladies, may pag-uusapan lang kami ng anak ko."

"Okay Mr, Santiago, thank you!" Sabi ng matanda.

Dumaan sa harap namin ang dalawa pero huminto sila sa tapat namin ni Ally.

"See you tomorrow, lover boy!"

"Fvck you bitch!" Gigil kong sagot.

Tumawa lang ang dalaga. Inirapan naman nila si Ally nang tumingin sila.

"Ang panget niyo naman, makapag-inarte kayo. Akala niyo pangbeauty Queen ang mukha niyo!" Mahinang sabi ni Ally.

Palihim akong napangiti sa pagiging pintasera ni Ally, pigil na pigil kasi ang galit ng dalawang kapatid.

"Bakit kailangan mong gawin ito Dad? Bakit mo pinayagang makapasok ang mga Kim sa Saint Paul Academy?" Pasigaw ko.

"Whats wrong with that? Maganda naman ang mga grades ng dalawa. Walang dahilan para hindi sila tanggapin."

"Nakalimutan mo na ang ginawa niya kay Thania? Nakalimutan mo ba, Dad?"

"Kalimutan mo na si Thania anak, It was an accident. Huwag mong hayaang mabuhay ka sa nakaraan."

"Bullshit! Wala ka talagang kwenta Dad! Wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ng iba."

"Frits, anak, Kalimutan mo ang nakaraan. Ang Lahat ng ito para sa'yo."

"Para sa'kin? Para ba talaga sa'kin 'yan Dad?? Or baka naman para sa'yo lang 'yan. Para 'yan sa pagpapayaman mo." Pasigaw ko.

Hinila  ko si Ally palabas. Pumunta kami sa kwarto ko. At umupo kami do'n. Alam kong marami siyang katanungan sa nangyayari.

"Sorry, Ally, Pati ikaw nadamay. Nakita mo pa tuloy ang pag-aaway namin ni Daddy."

"Ahmm...Okay lang iyon."

Lumapit ako kay Ally. "Ang babae kanina si Maddison Kim iyon, hangga't maari wag na wag kang lalapit sa kanya."

"Ha?Bakit naman?"

"Basta, Maldita ka di ba? Ipakita mo ang pagiging maldita mo sa kanya."

"Ouch! Maldita talaga! Binabago ko na nga attitude ko para sa'yo." Mahina niyang sabi.

"Wag mong baguhin, mas kailangan mo ang ganyang attitude."

Umiwas siya ng tingin sa'kin. Ngunit huli na para maitago niya ang pamumula ng mukha niya.

"Tara na! Lumabas tayo. Hindi pa tayo nagda-date! Magdate tayo ngayon." Ngumiti pa siya sa'kin.

Tumango siya tanda ng pagsang-ayon. Alam kong marami siyang tanong sa'kin. Ngunit sa ngayon hindi ko muna pwedeng sabihin sa kanya. Malalaman niya rin sa ibang araw. Ang mahalaga ay ang ngayon. Ang unang date naming dalawa.

A/N: This part is Dedicated to Marvy Escarlan Bermillo.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon