CHAPTER 27

390K 9.2K 646
                                    

FRITS'S P.O.V.

"Bakit naisipan niyong dito kumaen?" Tanong ni Troy.

Nasa isang mahabang table kaming lima kasama ang dalawang babaeng kasama ko.

Naghiwa muna si Luke ng pork steak bago nagsalita. "Si Frits ang tanungin niyo."

Sabay-sabay na lumingon sa'kin ang apat kong kaibigan, "Bakit nga ba Frits? Di ba? Ayaw na ayaw mo ritong kumain kapag oras ng breaktime. Napipilitan ka nga lang sumama minsan di ba? Bakit ngayon gusto mo na?" usisa ni Drek.

Nagkibit-balikat ako.
"Nothing! Naisip ko, mas maganda pa lang dito kumain, marami kang makikitang magaganda." Sagot ko. habang sinusubuan ako ng dalawang babae ng pagkain.

"Ikaw ba talaga 'yan Frits? Tanong ni Drek

Kumunot ang noo ko." Bakit naman?"

"Parang hindi na kasi ikaw 'yan."

"Guys, Lahat ng tao nagbabago kaya masanay na kayo."

"Tsk! Sana panindigan mo 'yan." Ani Drek.

Umiwas na lang ako ng tingin sa mga kaibigan  ko at pinagtuunan ko na lang ng pansin ang dalawang babaeng kasama ko.

"Hi, guys! Can we join?" Tanong ni Maddison. Nakatayo siya sa harapan namin.

Tinitigan ko siya ng masama. "Hindi pwede!" Gigil na sagot ko.

Ngumiti si Maddison. "Sayang naman." Tinapunan niya ng tingin ang kasama kong mga  babae. "May kasama ka pa lang mga maids, Frits. "ani Maddison.

"Mas mukha ka ngang katulong sa'min eh," sagot ng isang babae.

"Umalis ka na rito!" Pasigaw ko.

"Ate, mukhang ayaw tayo paupuin ni looser sa table nila, maghanap na lang tayo ng ibang table." sabat ni Maureen.

"No! Maureen. dito tayo uupo. Move forward." galit na sabi ni Maddison. Ngunit kahit isa sa'min walang umusog para bigyan sila ng bakante.

"Bullshit!" sigaw pa niya.
Nakatingin tuloy ang ibang estudyante sa'min.

"Ate, maghanap na lang tayo ng ibang upuan." Ani Maureen, palinga -linga pa siya. "Di ba si Allyson Ramirez Ate?" Tanong ni Maureen sa kapatid ng matanaw si Allyson sa di kalayuan.

Ngumisi si Maddison at pa-simple niya akong tiningnan. "Oh, well, dahil ayaw niyo akong paupuin diyan at ginalit niyo ako. Pwes! Sa kanya ko lahat ibabaling ang galit ko sa inyo kay Allyson Ramirez."

"Tss! Go ahead." Sagot ko.

"Anong gagawin mo sa kanya? Wag mo siyang pakikialaman." ani Luke.

"Watch me my dear." Nakangiti siya habang hinihintay na makalapit sa'min si Ally.

***

ALLY'S P.O.V.

"Ally, tingnan mo si Zyrus kumakaway sa'tin." ani Dianne. Papasok na sila ng canteen. "Tatawagan ko na lang pala si Zyrus sa labas na lang tayo kumain."

"Bakit naman? Andito na tayo eh," Sagot ko.

"Magkabilang side lang kasi ang table nila Frits sa inuupuan ni Zyrus."

Hinanap ko ang tinutukoy ni Dianne. "Akalain mo nga naman. Ang limang casanova at ang magkapatid na Kim. Mukhang ako ang tinatanaw nila. Let's go! Dianne." Hinila ko si Dianne.

"Wait! Ally. Tatawagan ko na lang si Zyrus." Aakmang tatawagan ni Dianne si Zyrus, pero pinigilan ko siya,

"Don't worry about me Dianne. I can manage."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon