CHAPTER 73

345K 7.5K 174
                                    

ALLY'S P.O.V.

Pagka-gising ko. Kinaumagahan wala na si Frits sa tabi ko. Tumayo ako para maligo. Inunat-unat ko ang katawan ko. hanggang ngayon Nararamdaman ko pa rin yung pagod kahapon. Nagtungo ako ng C.R upang maligo. mahigit bente minutos siguro ang inilagi ko do'n, pagharap ko sa salamin. Napansin ko ang isang note na nakadikit sa salamin. Kinuha ko iyon tapos binasa ko.

"Good morning my Beautiful Girlfriend, i love you."

Napangiti ako nang mabasa ko ang sulat, halos pangkaraniwan na iyong sabihin ng mga couples. Gasgas na nga sa iba. Pero para sa'kin, mabenta pa rin. Kasi sa simpleng sulat na iyon. kinilig ako at lalong gumanda ang araw ko. Napansin ko ang pumpun na rosas sa ibabaw ng table. Inamoy ko iyon. May nakalagay na maliit na card sa ibabaw ng mga Rosas. Binasa ko ang nakasulat do'n.

"To the precious girl of my life. Hope you like it, i love you.

love: Frits

Inamoy-amoy ko ang pulang Rosas. Parang nangyari na rin ito dati. Ang kaibahan nga lang hindi pa kami official na magkasintahan no'n, It was the same feelings that i've felt before,
And I'm still in love with him mas nadagdagan pa nga.

Pagkatapos kong amuyin ang mga Rosas. Lumabas na ako ng kwarto upang gumawa ng gawaing bahay. Katulong pa rin naman ako. kahit Boyfriend ko na ang young Master ko, ang pagkakaiba nga lang, hindi na niya ako sinisigawan.

"Good morning po Yaya Chedeng." Bati ko sa matanda ng madatnan kong nagpupunas ng pinggan, Yaya pa rin ang tawag ko sa kanya. Dahil hindi siya pumayag na iba ang itawag ko sa kanya. Mas sanay at kumportable raw siya sa ganong tawag.

"Good morning Senyorita Ally, kumain kana diyan, alam mo ba'ng si Frits pa mismo ang nagluto ng almusal mo?"

"Talaga po!" Nakangiti kong sabi

"Ang sweet talaga niya."

Umupo ako sa harap ng hapagkainan. Si Yaya Chedeng naman pinaghahain ako.

"Yaya, wag niyo ng gawin. Ako na po ang bahala diyan."

"Naku! Kabilin-bilinan ni Frits na wag na wag ka raw magtrabaho ngayon. Asikasuhin daw kita kapag gumising ka."

"Bakit kaya?"

"Wag mo nang alalahanin ang mga bagay na 'yan. Kumain ka na muna."

Sumunod na lang ako. Isa pa nagugutom na talaga ako. Habang kumakain ako, napansin kong nakatitig si Yaya Chedeng sa'kin. Tapos ngingiti siya, bigla tuloy akong na curious.

"Yaya, ano po bang problema? May dumi ba ako mukha, Yaya?"

"Naku! wala Ally, natutuwa lang ako sa inyong dalawa ni Frits."

"Bakit naman po?" Curious kong tanong.

"Dahil parehas kayong nagbago. Parang naging matured kayo simula ng magkaroon kayo ng relasyon."

"Matured? Parang hindi ko naman po nararamdaman, parang wala nga akong natutunan Yaya eh,"

Ngumiti si Yaya Chedeng. "Siguro hindi mo lang napapansin. Pero natututo ka na at masaya ako do'n. Nadiyan na pala si Ma'am Faith."

Sabay kaming nakatingin sa padating na amo namin. Ang Mommy ni Frits. Nakangiti habang papalapit sa'min.

"Ready ka na ba Ally?" Tanong niya sa'kin.

Napakunot ang noo ko. "Ready po saan?"

Nakita kong nagkatinginan si Yaya Chedeng at ang Mommy ni Frits, tapos nakangiting bumaling sila sa'kin.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon