CHAPTER 71

340K 7.5K 253
                                    

ALLY'S P.O.V.

Ube ice cream ang pinag-tripan naming kainin ni Dianne, habang nakaupo kami sa maliit na upuan. Kakatapos lang kasi ng huling sumubok na makipag-date, naging maayos naman ang lahat, Game naman ang ibang nahihila namin para i-grant ang wish ng mga gustong makipag-date sa Crush nila.

"Ally, Bakit sa'tin? walang nag-aalok ng date Pangit ba tayo?" Ani Dianne. Habang kumakain ng Uce Cream.

Tiningnan ko siya. "Hindi ko na kailangan makipag-date sa iba, ikaw na lang siguro."

Sumimangot si Dianne. "Eh, bakit nga walang gustong i-date ako, sabihin mo nga? Pangit ba ako?"

Tiningnan ko siya. Tapos ngumisi ako. "Medyo,"

"ANONG SABI MO!" Inis na sabi ni Dianne, ang sama niya makatingin. parang kakainin ako ng buhay.

Ngumiti ako sa kanya.
"MEDYO? Medyo wala pa kasi akong nakikitang mga lalaking nagpa-register para humingi ng Dream Date nila. Sila Luke pa lang, kaya malabong makahanap ka ng makaka-date." paliwanag ko.

Inirapan niya ako. "Akala ko sasabihin mo pangit ako eh,"

"Bakit ko naman sasabihin iyon? Wala akong kaibigan na pangit. Maganda tayong dalawa noh!"

"Tama ka diyan girl."

"Kaya wag kang malungkot diyan, malay mo wala pala sa Saint Paul ang magiging Boyfriend mo. Nasa ibang School pala."

Ngumiti si Dianne, "Sana nga eh, Excited na akong makita ang mga in-invite na School ng Saint Paul. Balita ko ang daming gwapo do'n." Kilig na kilig na sabi ni Dianne.

Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko si Dianne. Kapag gwapo talaga. Kilig na kilig si Dianne. Sana nga makita na niya lalaking magmamahal sa kanya.

"Mag boys Hunting tayo mamaya Ally." Aniya.

"Hindi na pwedeng isama si Ally sa Boys hunting dahil may Frits na siya!"

Napalingon kaming dalawa, napangiti ako nang makita ko kung sino ang nakatayo sa may pintuan ng booth, si Frits naka-suot ng pang Basketball. Ang pogi niya sa suot niya, ang lapad ng pagkakangiti niya sa'min.

"Bakit nandito ka Boyfriend?"

Lumapit siya sa'kin, at niyakap ako pagkatapos mabilis akong dinampian ng halik sa lips.

"Ayy, Grabe! Matamis na nga itong kinakain ko. Ang sweet niyo pa baka pati ako langgamin dito ha!" React ni Dianne.

"Inggit ka lang!" Sabi ko kay Dianne, binaling ko ang tingin ko kay Frits, "Boyfriend, bakit ka pala nandito?"

Inangat niya ang isang papel, registration form iyon para sa Dream date. Ngumiti siya.

"Nag register ako para matupad din ang Dream Date ko." ani Frits.

Kinuha ni Dianne ang papel at binasa, halos kiligin si Dianne ng tumingin sa'kin, "Girl, Ikaw ang gusto niyang maka-date."

Tiningnan ko si Frits. Nakayakap pa rin sa'kin.

"AKO?"

Tumango siya. "Wala ng iba, ikaw lang ang gusto kong maka-date ng paulit-ulit."

Ngumiti ako. kasabay no'n ang pamumulang mukha ko, nakakainis kasi si Frits ang cheezy eh,

"Okay, konting distansya lang sa inyong dalawa. Kailangan na naming ayusan kayo." Ani Dianne.

Kinuha ni Frits ang paper bag na dala niya. Hindi namin napansin na may dala pala siyang paper bag.

"Here, Gusto kong ito ang isuot ni Ally," Abot niya sa paper bag na dala niya.

"Wow ha! Hindi ka naman prepared noh!" Ani Dianne.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon