CHAPTER 66

328K 7.4K 293
                                    

PATRICK'S P.O.V.

"Saan ang punta mo Patrick?" Tanong ni Frits.

"Maghahanap ng Girlfriend."
Pagkatapos mo kaming inggiting apat sa gala niyo ni Ally sa Enchanted Kingdom, magtatanong kung saan ako pupunta, ugh! Hindi ba alam ng Frits na 'yan na naiingit kami, magkaroon ka ba naman ng Allyson Ramirez na girlfriend ewan ko lang kung hindi ka maging masaya.

Sumakay ako ng kotse ko. "Pupunta ka ba sa Sta clara Academy, tanong ni Troy.

"Oo, manghihila ako do'n ng Girlfriend."

"Goodluck sa'yo, sana after one year mo diyang pagpunta mahila mo nga. Ha-ha-ha!"

"Psh!"

Pinaandar ko na lang ang sasakyan ko, patungo sa Sta clara Academy, School iyon for the girls only, halos pabalik-balik na ako do'n, bumili muna ako ng red rose sa isang malapit na flowers shop,  bago ako tuluyang pumunta roon, limang minuto rin ang  biyahe bago ako makarating do'on.

"Sir, dadalawin ko lang po si Bernadette Clinford." sabi ko sa guard ng school.

"Aakyat ka naman ba ng ligaw sa kanya? Goodluck sana mapasagot mo na." Ani ng guard na naka-duty, kilala na ako rito sa school na ito, madalas kasi nga akong bumibisita dito.

"Salamat," habang pinagbubuksan ako ng gate.

"Kapag sinagot ako, kuyang guard. ililibre kita, kasama ang buong pamilya mo ng one day vacation sa boracay."

"Wow! thank you sir, hindi pa nga ako nakakarating do'n." Tuwang-tuwang sabi ng guard.

Inayos ko muna ang buhok ko at ang suot kong damit, habang naglalakad ako, narinig ko na ang mga sigawan at tiliin ng mga estudyante do'n, hindi na ako magtataka, kung sa Saint Paul International Academy nga maraming Hearthrob na lalaki, pero kami pa rin ang kauna-unahang tinitilian at pinagkakaguluhan do'n. Dito pa kaya sa school ng mga babae na ako lang ang gwapo at machong  naligaw na kalahi ni adan.

"Good morning ma'am bati ko sa isang teacher na nakasalubong ko."

Ngumiti naman sa'kin, "Goodmorning Mr, corpuz."

Tinungo ko ang paboritong tambayan ni Bernadette ang music room, mahilig kasi itong kumanta. Doon nga ako na-inlove sa kanya, pagpasok ko doon nakita ko si Bernadette at ang dalawa niyang kaibigan.

Ngumiti ako sa kanila. "Good morning girls." lumapit ako sa kanila.

Nakita ko ang malapad na ngiti ng dalawang babaeng kasama ni Bernadette, pero si Bernadette naka-simangot sa'kin.

"Ano naman ba ang kailangan mo?"

"Dinadalaw ka."

Tumaas ang kilay niya. At inihinto ang pagsasa ulo ng lyrics. "Bakit sinong may sakit?"

"May sakit lang ba ang dinadalaw?"

"Oo, bakit?" Pagtataray niya.

Hayss! Napakasungit talaga ni Bernadette sa'kin, palagi na lang akong binabara, buti na lang mahal ko siya.

"Flowers for you!"

Hindi niya tinanggap ang bulaklak na dala ko tinitigan niya lang ito.

"Ano ako, patay?"

"Patay lang ba binibigyan ng bulaklak?"

"Yah! I always gave a flowers for a dead people, at ayokong binibigyan ako ng bulaklak." nakataas pa ang kilay niya.

"Gano'n ba? Bakit hindi mo agad sinabi."

"Bakit nagtanong ka ba? Umalis ka na nga! Nakakaistorbo ka eh,"

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon