CHAPTER 85

306K 7K 583
                                    

FRITS'S P.O.V.

"Kumusta ka na anak?" Bungad sa'kin ni Mommy. Nakatulog pala ako. Marahil nilagyan ng pampatulog ang tinurok sa'kin, may bandage ang ulo ko at ang kanang braso ko, marahil siguro sa paghampas ng dospordos sa'kin.

"Ally..."

Nagmadali akong bumangon. Gustong kong makita si Ally, kaya kahit masakit pa ang paa at braso ko. Mabilis akong tumayo.
Tinanggal ko ang mga nakakabit sa kamay ko.

"Frits, wag kang umalis!"

Nilingon ko si Mommy. "Mom, Walang-wala ito sa sa'kit na nararamdaman ni Ally ngayon Mom," bago pa tumulo ang luha ko. Agad akong tumalikod kay Mom, at lumabas na ako ng kwarto.

Pa-ika-ika ang paglalakad ko, buti na lang malapit lang ang Operating Room. Nakita ko roon ang mga kaibigan ko, sila Tita Carmin. Naroon na rin nag-aantay sila sa paglabas ng Doctor.

"Kamusta na si Ally?" Bungad kong tanong sa kanila.

Tumayo si Dianne. At yumakap sa'kin habang ang mga luha nito ay walang patid ang pag-agos, Niyakap ko siya. Upang kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

"Frits, Si Ally."

"A-Anong nangyari kay Ally?" Kinakabahan ako. Sa lahat ng sitwasyon ito ang pinaka-ayaw kong maranasan. Pero nangyari sa'kin, hindi ko maipaliwag pero. kusang tumulo ang luha ko, ang hirap na ang taong pinakamamahal mo nasa bingit ng kamatayan.

"Limang oras na. Pero hindi pa lumalabas ang mga Doctor," tiningnan ako ni Dianne.

"Frits, natatakot ako, natatakot akong Baka hindi kayanin ni Ally." ani Dianne, humagulgol siyang umiyak.

"Ssshh! kaya 'yan ng Wife ko, matapang iyon, hindi ako no'n i-iwan. Hindi tayo no'n i-iwan," sabi ko kay Dianne.

Lumapit sa'kin si Teo, at inakbayan ako. Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala para kay Ally.

"Halika na muna Frits. Umupo ka muna. Alalahanin mo may injury ka pa,"

Tumango ako. Pagkatapos inalalayan niya ako upang makaupo. Napansin ko sa mga kaibigan namin na halos lahat ay mugto ang mga mata,

Yumuko ako. At nangdasal.

"God, alam kong marami akong naging kasalanan sa'yo. Hindi rin ako palaging dumadalaw sa'yo. Nagsusumamo at lumalapit ako sa inyo, maawa na po kayo. iligtas niyo po si Ally. Mahal na mahal ko po siya. Hindi ko po kakayaning mabuhay ng wala siya. Iligtas niyo po siya please.. salamat po panginoon.

Pagkatapos kong magdasal. Matama kaming naghihintay sa Operating Room. Dumating na rin ang ibang kaibigan ni Ally.

"Limang oras at kalahati na. Hindi pa rin lumalabas ang mga Doctor." Basag sa katahimikang sabi ni Tita Carmin.

Tumingin lang kami kay Tita Carmin.

Pagkatapos umiyak na ito. "B-Baka kung anong mangyari na kay Ally."

"Mom, Stop it! Makakaligtas si Allyson." sabad ni Luke.

Yumuko ako. hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapang may nangyaring masama kay Ally, ako dapat ang nandiyan. Ako dapat ang nakiki-paglaban kay kamatayan.

Biglang bumukas ang pintuan ng Operating Room. lumabas doon ang isa sa mga Doctor na nag-opera kay Allyson, agad kaming lumapit sa kanya.

"Doctor, kumusta na po si Ally?" Tanong namin.

Tinanggal ng Doctor ang facemask niya at humarap sa'min.

"Successful ang operasyon sa kanya."

Nakahinga kami ng maluwag,

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon