ALLY'S P.O.V.
Wala pa ang Professor namin. Kaya nagkaroon kami ng pagkakataon ni Dianne na mag-usap. Sinabi ko na rin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit absent ako ng ilang araw.
"Ally, grabe pala ang si Frits eh, bwiset siya!" Gigil na sabi ni Dianne.
" Kaya ipapakita ko sa kanya na hindi ako apektado sa paghihiwalay namin."
"Pero Girl, mukhang si Frits nagbago rin ah, ilang araw ko na kasi siyang nakikitang may iba't -ibang babae na kasama, nagalit nga ako nung una kasi akala ko kayo pa ni Frits no'n. mukhang ginagawa na niya ang ginagawa ng iba niyang kaibigan. di ba? Hindi naman siya ganyan dati? Kaya mo nga siya nagustuhan kasi pa-hard to get iyon."
"Wala akong pakialam sa kanya. Sukdulan ang galit ko sa kanya at kahit sampung babae pa ang pagsabay-sabayin niyang halikan O i-date wala akong pakialam!"
"Tss! Sobrang galit na galit ka nga girl, pero kung ako sa'yo hayaan mo na lang iyon."
"Hinahayaan ko na nga siya. Hindi ko lang siya kayang patawarin sa ginawa niya sa'kin."
"Hay, naku! Tama na nga 'yan! Oo nga pala sabi ni Zyrus, sabay daw tayong tatlo magbreaktime."
"Oo nga pala, bkit hindi nagpapakita sa'kin si Zyrus?"
"Na-late kasi siya ng gising kaya hindi mo nakita kanina."
Ngumiti si Ally. "Uy! Alam na alam niya mukhang close na close na kayo ah,"
"Gaga! Natural wala ka eh, alangan namang hindi ko siya kausapin pag wala ka! Tsaka si Zyrus marami na rin yang fangirls dito, kaya umiiwas siya sa mga iyon, kaya ayon! Kami lagi ang magkasama."
"Joke lang! Alam ko namang team Patrick ka eh, loyal ka do'n eh, die hard fan ka niya."
'Tse! Hindi ako die hard fan niya! Ako ang magiging girlfriend niya."
"Assuming, sulat ka sa wish ko lang para magkatotoo dali!" Biro ko.
"Gaya-gaya ka pa ng dialog." Irap ni Dianne.
Biglang akong sumeryoso at tinitigan si Dianne. "Pero kung ako sa'yo wag na lang si Patrick ang gustuhin mo, masasaktan ka lang. Ang magkakaibigan na 'yan pare-pareho lang yan."
"Girl, nasaktan ka lang ng isang tao wag mo naman lahatin, hindi sila pareho, dahil ba magkaibigan sila magkapareho na ng ugali? Eh, bakit tayo? We're friends pero hindi tayo magka-pareho. Maldita ka, mabait ako. Maganda ka, ako naman magandang-maganda." Ngumiti pa siya.
Umirap ako sa kanya."Hiyang-hiya naman ako sa pagiging perfect mo!"
Tumawa si Dianne. "Tingnan mo itong babae na ito, pikon! Wala naman akong sinabing perfect ah, pero dahil sinabi mo na. Accepted."
Muling akong umirap.
Magsasalita pa sana ako pero dumating na ang next professor namin para sa next subject.Habang nagle-lecture ang professor namin, lumilipad naman ang utak ko. kanina ng makita kong may ibang kasama si Frits na babae, nakaramdam ako ng galit para rito, pagpasok ko sa loob ng school. Nakita ko kung paano hinalikan ni Frits ang dalawang babae. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko na kahit ayaw kong pansinin nararamdaman ko pa rin.
"Frits Santiago, magbabayad ka sa pangloloko mo sa'kin."
"Hoy! Allyson,"
Naramdaman ko ang paghampas sa'kin sa braso. Nasira tuloy ang ini-isip kong plano sa pagre-revenge ko kay Frits, inis kong binaling ang tingin sa naghampas sa'kin.
Si Dianne, nakangiti sa'kin.
"Sorry, kanina ka pa kasi tulala eh, akala ko namatanda ka na. Papa-albularyo na sana kita eh,"
Sumimangot ako. "Panira ka talaga ng moment.",
"Bakit kasi nakatulala ka?"tanong ni Dianne.
"Nag-iisip kasi ako ng magandang revenge kay Frits eh,"
"Hay, naku! Ally, tigil-tigilan mo nga ang revenge na iyan! Mag move on ka ng maayos. Hayaan mo'ng si Lord na lang ang bahala sa nanakit sa'yo." Paliwanag ni Dianne.
Umiwas ako ng tingin kay Dianne at doon ako nakatanaw sa labas ng room namin.
"Masakit eh, kaya gusto ko maramdaman niya rin ang sakit na nararamdama ko ngayon." pilit kong wag mapa-iyak sa harap ni Dianne.
"Kaya mo 'yan girl." Tapos tinapik-tapik ni Dianne ang balikat ko at ngumiti. "Wag ka nang malungkot maganda ka naman ngayon eh," Ngumiti pa siya sa'kin.
Muli kong tinuon ang pansin ko kay Dianne, at ngumiti ako. Kaya ko nga friends si Dianne dahil pareho kaming nagkakasundo sa lahat ng bagay. "Thank you girl."
Ngumiti lang siya sa'kin. "Let's go punta na tayong canteen, breaktime na eh, libre mo ako."
Tumango ako kay Dianne. Pagkatapos iniligpit ko ang mga gamit ko at umalis na kami ni Dianne.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...