CHAPTER 60

405K 8.7K 277
                                    

ALLY'S P.O.V.

"Girlfriend, nandito na tayo. Let's go!" Ani Frits sa'kin.

Nakaidlip pala ako sa braso ni Frits, inalalayaan ako ni Frits habang palabas ako ng kotse niya. Magkahawak kami ng kamay.

"Kyaaaahhhh! Si Frits, Girls! Nandiyan na!" narining kong sigaw ng mga estudyante,

Pagkakita sa'min ng mga estudyanteng nag-aabang kay Frits. Bigla silang nanlumo, lalo nang makita kaming magkahawak kamay.

"May I have your attention please!" Sigaw ni Frits.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko At yumuko to kiss my head.

"Just stay with me girlfriend."

Isa-isang nagsilapitan ang mga estudyante na kahit pa nga iyong mga kararating lang ay tumigil sa kinaroroonan namin.

"Guys! This girl beside me, is my one and only girlfriend. So wala ng mag claim sa inyo na boyfriend ako,dahil isa lang ang tinitibok ng puso ko at si Allyson Ramirez lang iyon. She's my Girlfriend now at walang pwedeng gumalaw sa kanya kung ayaw niyong magalit ako. Na-iintindihan niyo ba!" Pa-sigaw niyang sabi.

Tumango ang iba. Hindi na ako nagtataka kung halos patayin ako sa tingin ng mga die hard fan ni Frits, ang pag-irap nila sa'kin, ay magiging madalas na mula ngayon.

Hinawakan ni Frits ang chin ko, at ngumiti sa'kin, habang nakatingin sa'kin, nakatingin rin ako sa kanya.

"I love you Girlfriend," tapos unti-unting inilapit niya ang mukha niya sa'kin, napapikit na lang ako.

"Kyaaahh! Tingnan mo hahalikan ni Frits si Allyson." usal ng isang girl.

At iyon nga ang ginawa ni Frits. Hinalikan niya ako pero hindi sa lips sa pisngi, nakaramdam ako ng paninigas ng katawan. Parang hindi ako makilos dahil sa sobrang kaba, PDA kasi kami, ikaw ba naman ang halikan sa pisngi sa maraming tao.

"KyAaaahh! Ang Sweet." Rinig na rinig kong sigaw ng ibang estudyante sa'min.

"Wow! ang cheezy niyo naman, para kaming nanonood ng love story." biglang sabat ni Maddison, Nakatayo siya sa tapat namin habang pumapalakpak.

Pumihit at lumingon si Frits.
Kuyom ang kamao at nanginginig ang panga ni Frits habang nakatitig kay Maddison.

"Maddison!"

Naramdaman ko ang paghawak ng mahigpit ni Frits sa palad ko. napalingon ako sa kanya, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit galit na galit si Maddison kay Frits.

"Hi!Frits, wow! Sa tinagal-tagal ng panahon mula ng mamatay si Thania. May girlfriend ka na ulit, Congrats!"

"Thania? Who's Thania?" Tanong ko kay Maddison.

Binaling ang tingin sa'kin ni Maddison. "Oh, poor girl, Girlfriend ka ni Frits, pero hindi man lang sa'yo sinasabi ang tungkol kay Thania? Tsk! Tsk!"

"Let's go! Girlfriend!" Hinila ako ni Frits palayo kay Maddison. Gusto kong tanungin pa sana si Maddison. Pero hinila ako ni Frits.

"Girlfriend, see you later." sabi ni Frits. Nang makarating kami sa tapat ng Classroom namin, Hinagkan pa niya ako sa sintido.

"Okay ka lang ba Boyfriend?"
Simula kasi ng binanggit ni Maddison si Thania. Nagbago na ang mood niya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Frits.

"Yeah, don't worry girlfriend, i'm okay," Pilit pa siyang ngumiti sa'kin.

"Okay, Goodbye!" Sabi ko.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Ilang minuto rin 'yon, hindi alintana ni Frits ang mga estudyanteng nakamasid sa'min.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon