TROY'S P.O.V.
School Festival:
Lahat halos ng mga estudyante ng Saint Paul International Academy. Abalang-abala sa araw na ito, bawat Section ay may mga ginawang pakulo may. Anime cafe, Horror room, Dancing room, Tiangge, atbp...
May mga School din silang invited, na kung saan magkakaroon ng competion ang mga manlalaro ng Volleyball, basketball, Soccer, at Football, may battle of the band din sa gabi.
"Troy!" Narinig kong sigaw sa'kin. Nang lingunin ko si Ally at ang kaibigan niyang si Dianne, lumapit ako sa kanila.
"Oh, Bakit?"
"Hindi ka ba busy?"tanong ni Ally sa'kin.
"Hindi naman, bakit?"
Nagkatinginan ang dalawa, pagkatapos bigla nila akong hinila.
"Teka lang! Saan niyo ako dadalhin?"
"Basta!" Tapos hila-hila nila ako hanggang sa makarating kami sa isang Classroom na nilagyan nila ng design.
"DREAM DATE GRANTED."
Ang nakalagay sa labas ng pintuan
"Anong ka-cornihan ito, Ally?" Tanong ko sa kanya.
Sapilitan akong pina-upo.
"Girls!"tawag ni Ally,
Mayamaya biglang lumabas ang tatlong babae. "Kayo nang bahala kay Troy, gawin niyong mukhang hari 'yan." Tapos isa-isang lumapit sa kanya ang tatlo.
"Ally, para saan ba ito? Paki-explain."
Ngumiti si Ally. "Ito ang idea namin, Dream date granted. Lahat ng girls or boys na gustong maka-date ang sino mang estudyante ng Saint Paul, binibigyan namin ng katuparan. And you!" Turo pa niya sa'kin, mamaya lang makikita mo na ang Reyna mo. May isang girl na nag wish na maka-date ka for thirty minutes, kaya ka nandito ngayon."
"Psh! Ang baduy naman."
"Hoy! Anong baduy si Luke nga pumunta na rito eh,"
Kumunot ang noo ko. "Sino naman ang naka-date ni Luke?"
"Si Mhady, ang president niyo, alam mo ba'ng si Luke ang nag-request ng date kay Mhady. Kahit sino pwedeng mag-request ng date sa mga babaeng gusto nila, after festival ipapakita ko sa inyo ang pictures niyo."
"Psh! Babaero talaga! Talagang siya pa ang nag volunteer na makipag-date, sino nga pala ang nag request ng date sa'kin?"
Ngumiti si Ally, tapos tinapik ako sa balikat, "Mamaya mo na malalaman. Okay! Oo, nga pala, ang request niyang motif ng date niyo King and Queen royal blood date, kaya kailangan niyong mag suot ng Hari at Reyna na damit."
"Haist! Ang baduy naman ng napili niya for sure magiging boring ito."
Nagkatinginan si Dianne at Ally, tapos tumingin sa'kin si Ally.
"Troy Luis, sabihin mo 'yan mamaya kapag nakita mo siya. Goodluck!" Kinindatan pa ako ni Ally.
"Whatever!"
Nakakainis! Dapat pala hindi ko na lang sila kinausap kanina, umuwi na lang sana ako, tapos babalik mamayang hapon para sa laro ng basketball, ang boring kasi ngayon, kung ano-anong damit ang pinasukat sa'kin ng mga estudyanteng bumuo ng team na iyon, hindi ako makapag react dahil nakatingin sa'kin si Ally, ikaw ba naman panlakihan ng mata ewan ko lang kung hindi ka tumiklop, After one hour natapos din ang pag-aayos sa'kin, haist para akong batang inaayusan.
"Wow! ang pogi, mukha ka ng hari talaga sa itsura mo'ng 'yan Troy. Good job guys! Ang galing niyo. Ani Ally.
Sumimangot ako. "Oh?Ano na ang susunod? Pakibilisan at may gagawin pa ako." Iritado kong sabi.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...