ALLY'S P.O.V.
Nakaramdam ako ng pagkainis ng makita ko ang notification ko. One hundred notifications ang nakita ko. Ngunit ng isa-isahin ko iyon. Wala doon ang confirmation galing kay Frits. Ilang araw na mula ng i-Add friend ko siya . Pero hanggang ngayon. Hindi ko pa rin siya friends sa facebook.
"Yayaaaaaa!"sigaw ko.
Wala akong pakialam kung rinig na rinig sa buong bahay ang sigaw ko. halos magkandarapa naman ang singkwenta i-anyos na katulong namin.
Halos kapusin naman ng hininga ang matanda sa pagmamadaling makarating sa kwarto ko. "Bakit po Senyorita?"
Nakasimangot ako. "Bakit ba ang tagal-tagal mo? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo!" Galit kong sabi.
"Pasensya na po Senyorita Ally, nagluluto po kasi ako sa kusina, kaya hindi po ako nakarating agad."
Umirap ako, "Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo! Pwede ba Yaya sa susunod ako muna ang uunahin mong sundin."
"Opo, pasensya na, ano po ba ang ipag-uutos niyo Senyorita?"
"Pssh! Pakiligpit nitong mga libro ko at matutulog na ako!" Sabay turo ko sa mga librong nasa kama.
"Eh, Ma'am, 'yan lang po ba ang dahilan ng pagsigaw sigaw niyo? Kayang-kaya niyo namang linisin 'yan," sagot ni Yaya.
"Booba! Sinong nagsabi sa iyong sagutin ako ng ganyan ha? Ligpitin mo na yang libro ko, sayang ang binabayad sa'yo ng Daddy ko! Bilisan mo! Ang Kupad mo!"
Agad namang lumapit ang katulong namin at inayos isa-isa ang mga libro ko. "Okay na po Senyorita" Sagot ni Yaya.
"Sige, lumayas ka na sa harapan ko. Nakakabadtrip ang mukha mo!"
Agad namang tumalima ang Katulong namin palabas ng kwarto.
"Tanga-tanga! Talaga kahit kailan."bulong ko.
Habang Nakatutok ang mga mata ko sa laptop ko. Nakaramdam ako ng gutom. Gusto ko sanang tawagin ang isa sa katulong namin ngunit nang tingnan ko ang oras. siguradong nakauwi na si Mommy. At kapag narinig niya akong sinisigawan ang mga katulong namin. Magbubuga na naman siya sa'kin ng apoy. Sermon ako to the maximum level. Kaya naman kahit tinatamad ako. Napilitan akong lumabas ng kwarto ko upang magtungo sa kusina at kumuha ng Ice cream. Nang malapit na ako sa pintuan ng kusina narinig ko si Mommy at si Yaya na nag-uusap. Kaya naman nagtago ako sa may Dingding para pakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Oh? Manang Chedeng, bakit po kayo malungkot?" Tanong ni Mommy.
Yumuko si Yaya. "Wala naman ito Luisa." ani Yaya.
"Manang, Ano po ba ang problema?"
"Luisa, yung anak mo'ng si Allyson, hindi ko na kayang pakisamahan, lumalaki siyang bastos at walang modo."
"Lecheng bata 'yan! Humanda 'yan sa'kin!" Gigil na bigkas ni Luisa,
"Wag mo na siyang pagalitan, aalis na lang ako dito sa mansyon niyo,"
Hinawakan ni Mommy si Yaya Chedeng, "Manang please! Wag po kayo umalis, alam niyo naman na kayo ang pinagkakatiwalaan namin dito sa bahay, mananagot yang si Allyson sa'kin."
"Kung hindi lang sa dati kong nasirang asawa hindi ako magtitiis dito Luisa, alam na alam mo namang maganda ang dating amo na pinapasukan ko, hindi ko na kakayanin ang ugali ni Allyson."
"Please! Manang, wag muna po kayong umalis."
"Pasensya na Luisa, kayong dalawang mag asawa sobrang bait niyo sa'kin. Hindi ko na talaga kayang tiisin ang anak nyo."
Napabungtong-hininga si Mommy, "Haist! Manang kung talagang ayaw niyo na po talaga. Wala na po akong magagawa, pero sana mag stay muna kayo hanggang sa susunod na linggo, uuwi kasi ang asawa kong si Alfred."
Pilit na ngumiti si Yaya Chedeng.
"Salamat! Pasensya na ha! Sige aantayin ko muna ang asawa mo,""Salamat po Manang,"
Ngiti nalang ang naging tugon ni Yaya Chedeng. At nagpatuloy na siya sa paghahanda ng lulutuin pagkain para sa hapunan.
Inis na inis ako sa mga narinig ko. gustong-gusto kong lumabas sa pinagtataguan ko at komprontahin si Yaya Chedeng. Napaka sumbongerang matanda. Sa inis ko hindi na ako kumuha ng Ice Cream. Bumalik ako sa kwarto ko at pasalampak na humiga. Pagkatapos natulog na lang ako sa sobrang inis.
"Tok! Tok! Tok!
Tok! Tok! Tok!
Sunod-sunod na pagkatok ang Nag pagising sa'kin. Sa lakas na pagkatok halos masira na ang pintuan ng kwarto ko. Gigil na gigil akong bumangon.
"Sino kayang bwiset! Na nang i-istorbo sa'kin? Lagot siya sa'kin!"
Pagbukas ko. Bumungad sa'kin ang galit na galit na mukha ng Mommy.
"PAkk!! "
Halos tumabingi na yata ang mukha ko sa malakas na sampal sa'kin.
"M-Mommy, Bakit mo ako sinampal?" sabi ko habang hawak ko ang pisngi ko.
Sa halip na sagutin ako ni Mommy. Pumasok siya at pinagmasdan ang luob ng kwarto ko.
"Wala ka na bang ibang alam Ally kundi ang bastusin ang mga katulong dito ha! Wala ka na bang magandang asal?!"
Nakacross-arm akong humarap kay Mommy. "Alam ko naman eh, Nag sumbong sa'yo si Yaya Chedeng? Kahit kailan talaga. Bwiset! Ang matanda na 'yan!"
"Tumigil ka Allyson!"sigaw ni Mommy. Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit sa'kin. Kung kaya't natakot ako sa kanya. Yumuko ako at nanahimik.
"Hindi ka namin pinag-aaral para lumaking bastos at walang modo! Matuto kang gumalang sa matatanda!" Gigil na sagot ni Mommy.
"Eh, Mommy! Tanga-tanga po kasi siya eh,"
Isang Malakas na sampal na naman ang pinadapo sa'kin ni Mommy. Hawak-hawak ko ang pisngi ko habang umaagos ang luha ko. Nang i-angat ko ang mukha ko. Nakita ko sa mga Mata ni Mommy ang matinding galit sa'kin.
"Simula ngayon! Wala ng katulong sa bahay na ito ang pwede mong utusan! Lahat ikaw ang gagawa sa sarili mo. Si Manang Chedeng aalis na dahil sa kagagawan mo."
"Dahil ba kay Yaya Chedeng! kaya ka galit na galit sa'kin ha? Sinasaktan mo ako dahil sa isang hamak na katulong? Napaka UNFAIR mo! Ako yung anak mo hindi si Yaya Chedeng," sabi ko. Habang patuloy ang pag-agos ng luha ko.
Lumapit si Mommy at sinalubong ako ng nagbabagang mga mata niya, "Hindi mo alam kung gaano kahalaga si Manang Chedeng sa'min, simula ngayon! Wala ka ng mauutusang katulong, na-iintindihan mo ba Allyson?"
"Unfair iyon Mommy!"
"Hanggat hindi ka nagsosorry kay Manang Chedeng, wala kang katulong. Tandaan mo ilang katulong na ang umalis dahil sa kagagawan mo! At hinding-hindi ko hahayaan na pati si Manang Chedeng ay ta-tratuhin mo katulad ng ginawa mo sa mga umalis na katulong natin."
"Susumbong kita kay Daddy!"
"Walang magagawa ang Daddy mo. Kaya hanggat hindi ka magtitino wala kang katulong. Maliwanag!" Tinapunan pa ako ng matalim na tingin ni Mommy bago siya tumalikod sa'kin.
Umagos ang mga luha ko dahil sa halo-halong emosyon, habang tinatanaw ko si Mommy na palabas ng kwarto ko. Pagkatapos padapa akong humiga sa kama at umiyak ng umiyak hanggang sa muli akong nakatulog.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...