CHAPTER 29

416K 9.6K 678
                                    

ALLY'S P.O.V.

Hindi na bago sa'kin ang pagtapak sa gym ng Saint Paul International Academy, dati kasi madalas akong manood ng laro ni Frits kapag may praktis sila. Ako pa ang kauna-unahang sumisigaw para i-cheer siya. Ibang-iba na ngayon, nandito ako para panoorin ang laro ni Zyrus at hindi para kay Frits.

"Ayon si Zyrus, Ally!" Turo ni Dianne.

Nakahanap kami ng magandang pwesto na mauupuan, nasa likuran lang kami ng bench ng mga player at coach nila, kitang-kita namin ng malapitan ang magaganap na laro nila.

"ZYRUS!" Sigaw ko.

Lumingon naman sa'kin si Zyrus at kumaway.

"Galingan niyo, ha!" sigaw ko ulit at nginitian ko siya.

Siniko ako ni Dianne. "Tingnan mo ang Ex mo? nakatingin dito sa'tin."

"Sinong Ex?"

"Gaga! Eh, di si Frits! Ayon oh!"

Saglit ko siyang tiningnan. Nakatingin nga siya nang magtama ang mata namin kusang umiwas si Frits.

Dug.dug.dug.

Halos narinig ko na ang pagpintig ng puso ko ng magtama ang mga mata namin, parang may kung anong ibang pakiramdam akong hindi ko kayang ipaliwanag, dapat galit ako pero ibang-iba ngayon. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong pinapanood siyang i-shoot ang bolang hawak niya.

"Three points 'yan for sure." Bulong ko pa.

Hindi ko napigilang sumigaw nang magshoot ang bola.

"Kyaaa! Ang galing three points!" Sigaw ko, napatayo pa ako.

"Girl, wag masyadong O.A. isang shoot pa lang 'yan, kalma lang!" Ani Dianne.

Umupo ako na parang walang nangyari. Pero mukhang hindi ako titigilan ni Dianne inilapit niya ang mukha niya sa'kin.

"Galit na galit daw! Weh? Charchar lang eh, mahal mo pa noh?"

Hindi ako kumibo.

"Mahal mo pa si Frits noh?"

"Hindi ko na siya mahal. Na-excite lang akong manood ng laro."

"Talaga! Eh, bakit three points shoot lang ni Frits. Napatayo ka na? Hindi naman siya ang dahilan kaya tayo nanonood dito ah, Si Zyrus ang panonoorin natin dito."

"Aish! Ewan ko sa'yo Dianne. Manood na nga lang tayo. Hindi ko na 'yan mahal si Frits. Kaya wag mo ng ipagpilitan ang nakikita mo."

"Okay sabi mo eh,"

Hindi na ako kinulit ni Dianne. Kahit kasi ako hindi ko alam kung bakit ako umakto ng gano'n. Buti na nga lang marami ang nakisigaw ng magthree points si Frits. Hindi niya narinig ang pagsigaw ko. Kung hindi nakakahiya siguro.

"Yeeheyy! Three points ulit iyon ah, " ani Dianne.

"Ang galing ni Zyrus!" Sabi ko.

Nakatutok ang mga mata namin sa laro. Second quarter na, halos dikit ang laban nila. Walang gustong mag patalo sa dalawa. Si Zyrus at Frits.

"Magagaling ang mga player ngayon. Sigurado panalo na ang school natin."

Tumango ako. "Sigurado 'yan!"

"Go! Frits! Go! Frits! Go! Frits! Kyaahh!"

Napatingala kami. May apat na cheerings quads ang nagche-cheer para sa grupo ni Frits.

"Go! Troy! Go! Troy! Go! go! Troy my love!" dugtong pa nila.

Sumimangot si Dianne. "Agaw eksena naman sila. Tingnan mo ang suot na short kita na ang panty."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon