FRITS'S P.O.V.
Nasa loob ako ng kwarto ng marinig ko ang pagkatok sa silid ko, mabilis akong bumangon para pagbuksan ang nasa labas ng silid ko.
"Mom, bakit?"
"Anak, andito si Yaya Chedeng mo," masayang sabi ni Mommy.
"Talaga! Mom, saglit lang magbibihis ako."
"Sige hihintayin ka namin sa baba."
Dali-dali akong nagbihis at lumabas na agad ng silid.
Niyakap ko si Yaya. "Yaya Chedeng i missed you."
"Frits, kumusta ka na anak?"
Ngumiti ako. "Yaya, Okay naman po ako at siyempre pogi pa rin. Buti po at dinalaw niyo kami ni Mom. Yaya, Dito na lang po kasi kayo."
"Gusto ko na nga Frits, nahihirapan na kasi ako sa anak ng amo ko." Bakas sa mukha ni Yaya ang lungkot.
"Sino naman iyon Yaya?"
"Basta. Wag mo na alamin anak. "
"Yaya, day off mo ba? Tara gala tayo! ngayon it's my treat, miss na kasi kita sama natin si Mom,"
"Ay naku wag na Frits." Pagtanggi ni Yaya Chedeng sa'kin.
"Yaya, wag na po kayong tumanggi magtatampo 'yan si Frits. Alam mo namang miss na miss ka na niyan."
"Tama si Mommy, Yaya, magtatampo ako sa'yo."
Ngumiti si Yaya Chedeng. "Sige na nga!"
"Good, Mommy, Yaya hintayin niyo ako magbibihis lang ako," umakyat na ako papuntang silid at nagbihis.
MALL OF ASIA
"Dianne, Bilisan mo nga!" sigaw ko kay Dianne, nagsho-shoping kaming dalawa, para pampatanggal ng badtrip kay Mommy, wala na kasi siyang ginawa kung hindi ipagtanggol ang mga katulong sa bahay. Parang sila ang anak ni Mommy.
"Hello, Ally! Ang dami ko kayang bitbit. Dahan-dahan lang naman sa paglalakad."
"Punta tayo doon sa Imported clothes. maraming magagandang damit na bagong labas ngayon."
"Hindi ka pa ba kontento sa mga damit na pinamili mo?halos hindi mo na nga mabibit 'yan eh, Kumain na muna tayo tapos umuwi na tayo."
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya, "Pagod ka na bang talaga?" tanong ko.
"Hindi! Hindi ako pagod, tingnan mo oh? Ang lakas ko pa nga eh," Sabay irap sa'kin ni Dianne.
"Oh, Hindi ka naman pala pagod tara! Punta tayo do'n."
"Hoy! Ally, shunga ka talaga! Minsan talaga ang slow mo."
"Eh, bakit sabi mo kanina?"
"Aish! Ewan ko sa'yo Allyson, mai-stress ang beauty ko sa'yo, tara na nga! Kumain muna tayo."
Pailing-iling na lang akong sumunod kay Dianne. Nauna na kasi itong naglakad upang maghanap ng pagkain.
Dianne's P.O.V:
Hay! grabe ka-shunga ni Ally, minsan hindi ko na talaga maintindihan ang toyo niya sa utak eh, kundi ko lang siya friend, baka nasuntok ko na si Ally, Una naming pinuntahan ang jollibee kaso puno na siya, kaya doon kami sa greenwich kami nakahanap ng pwesto. Wag na kayong magtaka kung bakit mas gusto naming kumain sa Fast Food Chain kaysa sa Mamahaling Restaurant. Ito kasi ang Trip naming pagkaing dalawa. bukod sa masarap mura pa. Hindi kami nagtitipid trip nga lang namin. Kokontra ka pa!
"Ally, ikaw na um-order." Sabi ko sa kanya ng makahanap kami ng mau-upuan, nilapag namin ang mga pinamili namin sa ibabaw ng upuan, yung table na nakuha namin good for 4persons pwedeng i-occupied, kaya may lagayan kami ng pinamili namin.
"Ayoko nga! Ikaw na lang napapagod ako eh," reak ni Ally.
Sumimangot ako, "Pag ako ang bumili hindi kita idadamay sa o-orderin ko!"
Sumimangot siya. "Grabe ka naman! "
"Lagi nalang ako ang nag-o-order kapag tayo nagsho-shopping ikaw naman ngayon."
"Ayoko! Dianne, ikaw na lang lilibre na lang kita please!" Nag pout pa siya.
"Ayaw mo? sige ako na lang! bahala ka diyan, hindi kita ibibili ng foods mo." aakma akong aalis na, pero tinawag niya ako.
"Okay, sige na nga ako na lang! Kainis eh," sabay alis ni Ally para pumila sa counter.
"Good, sige kahit ano sa'kin," sabi ko sa kanya.
"Victory!"bulong ko pa.
Nakasimangot si Ally habang nasa counter ang nguso niya parang pwede ng pagsabitan ng kaldero, hindi kasi sanay si Ally na inuutusan, kung si juan tamad, sa babae si Allyson tamad, siya ang girl version ni juan tamad, grabe! napakatamad niyan, ewan ko ba kung bakit ko 'yan naging close.
"Yaya Chedeng kainin mo na 'yan ohh!" rinig ko sa di kalayuan.
Hinanap ko ang tinig na iyon, para kasing kilala ko ang boses na iyon, inikot ko ang mga mata ko sa loob ng greewhich, laking gulat ko nang makita ko si Frits kasama si Yaya Chedeng, ang katulong nila Ally. Dalawang table sa kanan ang layo mula sa kinauupuan namin, kasama niya ang Mommy ni Frits.
"Yaya! Kainin mo 'yang pizza para tumaba ka." sabi ni Frits.
"Bakit niya kilala si Yaya Chedeng? Teka! Baka lumayas na ito sa bahay nila Ally? Sabagay hindi na ako magtataka. Ilang katulong na ba ang nag-alsa balutan sa bahay nila."
"Oh, Dianne, eto na ang foods." Umupo siya sa tapat ko habang inaayos ang pagkain.
"Ha? Sige salamat!"
"Pasalamat ka at nilibre na kita, sa susunod ikaw naman ang pumila, buti na lang tinulungan akong magbibit ng crew."
"Ahh, ehh- Thank you!" Hindi ko siya tinitingnan.
Napakunot si Ally. "Sino ba kasi ang tinitingnan mo?" Tanong niya sa'kin.
"Ha? Wala!"
"Anong wala! Teka nga! Nilingon niya yung kanina ko pang tinitingnan.
"Oh my G! Si Yaya Chedeng iyon, ah! Teka! Bakit niya kasama si Frits?"
"Yan nga ang tatanungin ko sa'yo, nilayasan na ba kayo ng Yaya mo?"
Umiling-iling si Ally, "Hindi pa naman, pero malapit na."
"Baka 'yan ang bago niyang amo sila Frits, sabagay kaysa naman ikaw maging Amo kawawa sa'yo eh,"
Binatukan ako ni Ally, "Arayy!"
"Tingnan mo nga parang close na close sila. Siguro dati niyang amo 'yan sila Frits, tama! Sabi nga pala ni Mommy may dating Amo si Yaya Chedeng, kaya lang naman siya napapunta sa bahay dahil sa dating asawa ni Yaya."
"Ahh—Kaya pala, look oh! Ang sweet ni Frits sa Yaya mo, para niyang nanay kung ituring, hindi tulad mo ang turing mo parang alipin."
Tinitigan niya ako ng masama at inirapan ako ni Ally.
"Nakakainis ka Dianne."
"Nagsasabi lang ako ng totoo, wag na tayong magplastikan."
"Alam mo Dianne, may naiisip akong magandang idea?"
"Ano naman iyon?"
"Tutal !gusto niyang bumalik si Yaya Chedeng sa bahay nila, gagamitin ko si Yaya Chedeng para maging boyfriend ko si Frits." sabay ngiti.
"What! Nababaliw ka ba? Alam mo namang ayaw na ayaw sa'yo ni Frits eh, maging boyfriend mo pa kaya."
Evil laugh. "Watch me my dear friend!" Sabay nguya ng pizza.
Umuling-iling ako, "Bahala ka nga Ally.
Tumawa lang ako at hindi ako pinansin, ako naman panaka-naka kong tinitingnan sila Frits.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Fiksi RemajaSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...