FRITS'S P.O.V.
Hanggang ngayon masakit pa rin ang muntikang pagkabagok ng balls ko, grabe muntikan ng madurog. Bwiset! talaga si Ally, masyado naman siyang galit na galit sa'kin, may pagka-amazona pala ang babaeng iyon kapag nagagalit, anyway wala naman akong planong makialam sa away nilang dalawa ni Maddison, gusto ko lang sanang galitin si Ally, gusto ko rin kasi siyang makita ng matagal. Hindi ko alam kung bakit lalo siyang gumanda sa paningin ko. Dapat magagalit ako sa kanya, pero parang mas nagagalit ako sa sarili ko ng hindi ko alam ang dahilan. Kahit anong pag papansin ko lagi siyang galit sa'kin. Hindi ko man lang siya nakitaan ng galit sa pagbabago ko. Sinadya kong ipakita sa kanya na may kapalit na siya. Pero mukhang wala siyang pakialam. Hindi niya ako magawang tingnan. Samantalang ang mga mata ko siya na lang ang nakikita. Nakakainis! Bakit pakiramdam ko, ako ang apektado sa nangyari sa break up naming dalawa.
"Frits, maglalaro ka ba?"
Tanong sa'kin ni Troy.Nakasuot siya ng Jersey uniform na kulay white, ready na siya sa magaganap na praktis game mamaya, kailangan kasi naming mag simula ng magpraktis para sa school tournament. Maraming mga bagong kasali na player. Kaya dapat magpraktis at since ako ang captain ball kailangan nandoon ako.
"Oo, naman! Bakit mo naitanong 'yan ha?"
"Eh, kasi ano? Baka masakit pa 'yan! Turo niya sa pang-ibaba ko.
Napakunoot ang noo ko.
"Kaya ko, Troy. Wag mo akong alalahanin. Saglit lang! Magpapalit lang ako ng damit.""Hindi ba nabagok? Buo pa ba?" Ngumisi pa si Troy.
Sumimangot ako. "Kapag hindi ka tumigil susuntukin na kita Troy!" Pasigaw kong sabi sa kanya.
Napipikon na kasi ako sa kanya. Simula kasi kanina binu-bully na nila ako. Kung hindi ko nga lang sila kaibigan baka kanina ko pa sila pinatulan. Nakakapikon na kasi, kaya ngayon talagang galit na ako.
Nagpeace sign si Troy sa'kin." whoah! Kalma lang! I'm just kidding Frits,"
Tinitigan ko siya ng masama. "Wag mo'ng uulitin 'yan! Hintayin mo ako. magbibihis lang ako." Sabi ko.
"Opo, Young Master." Biro pa ni Troy.
Tinitigan ko na lang siya ng masama at kinuha ko ang gamit ko sa locker ko para magpalit ng damit.
"Zyrus, magpapalit ka na ba ng damit mo?" Dinig kong sabi ni Nikko. Isa rin itong basketball player na bagong sali rin,
Napalingon ako. Halos magkabilang dulo pala ang pagitan ng locker namin ni Zyrus.
"Yes, Ikaw ba?" Sagot ni Zyrus.
"Oo, sabay na tayo! Balita ko manonood daw si Ally ng praktis game natin?"
Napakunoot ang noo ko. Habang kunwari abalang-abala ako sa pag-aayos ng locker ko.
"Oo, ininvite ko silang manood.
Bakit mo pala alam?""Siyempre! Kapag goddess ng section B alam na alam ko 'yan. Ang swerte mo naman at nakakausap mo siya."
"Siguro, crush mo siya noh?" Biro ni Zyrus.
Kahit nasa malayo ako nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Nikko dahil sa maputi siya.
"Oo, Crush lang naman, wag mong sabihin kay Ally ha!"
Tumawa si Zyrus. "Siyempre naman! Galingan mo mamaya dahil ang crush mo Nikko, manonood."
"Bakit ikaw Zyrus? Hindi mo ba siya crush? Wala ka bang nararamdaman para kay Ally? Eh, masclose kayo no'n?"
Muli akong napalingon at pansamantala akong huminto, gusto ko kasing marinig ng buo ang sasabihin ni Zyrus.
Tinapik ni Zyrus ang ulo ni Nikko,
"Kalalaki mo'ng tao, tsimoso ka! Tara na nga." Sagot ni Zyrus."Teka! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Zyrus!" Habol ni Nikko.
"Bahala ka nga diyan! Mauna na ako sa'yo." Pasigaw din ni Zyrus, habang paalis.
Nakaramdam ako ng inis para sa dalawa.
"Psh! Parang mga bata! Tsimoso? Ako ba pinariringgan niya? Loko iyon ah!"bulong ko pa.
Sinara ko na ang locker ko at kinuha ang gamit ko na dapat kanina ko pa nakuha.
Limang minuto na lang at magsisimula na ang praktis game namin, hinati kami ng coach namin sa dalawang grupo. Ako at si Troy at ang tatlong junior student ang magkaka-team. Samantalang Si Zyrus at Nikko at ang tatlong senior ang magka-team, buti na lang hindi kami magkakampi ni Zyrus, ayoko kasi siyang kakampi, mas maganda na magkalaban kami sa praktis game dahil para maipakita ko sa kanya kung sino ang hari ng basketball sa Saint Paul International Academy at Ako lang iyon!
"Zyrus!"
Napalingon ako, nang makilala ko ang boses na iyon, at hindi nga ako nagkamali si Ally, kasama ang friend niyang si Dianne. Pasimple kong inayos ang buhok, habang tinitingnan ko siya mula sa malayo.
Kumaway si Zyrus at si Nikko.
"Galingan niyo!" sigaw pa ni Ally. Tapos ngumiti siya kay Zyrus.
Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha ni Zyrus sa simpleng ngiti ni Ally.
Heto na naman ang pakiramdam ko. Naiinis na naman ako.
Tinapik ako sa balikat ni Troy.
"Frits, Obvious ka masyado oh! Wag kang Jelly!" Biro ni Troy sa'kin."Hindi ako nagseselos!" Pasigaw ko.
"Hindi ba? Bakit galit ka?"
"Hindi, noh!"
"Eh, bakit sumisigaw ka?" Tudyo ni Troy.
"Psh! Bahala ka nga!" Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang bola at pagkatapos pina-shoot ko iyon mula sa malayo.
"Kyaaahh! Three points!" Narinig kong sigaw ng ibang estudyante na nanonood.
Gusto ko sanang muling lumingon para tingnan kung nakita ni Ally, ang pagthree points ko, kaya lang baka mahuli niya akong nakatingin.
"Okay, guys! Mag-uumpisa na ang laro. Pag-aralan niyo ang mga galaw ng bawat isa okay," sabi ng coach namin.
"Opo coach!" sabay-sabay naming sabi.
"Okay, Let's start Team!" Huling sinabi ng coach namin.
Pa-simple kong sinulyapan si Ally, at disedido akong ipakita sa kanya kung gaano ako kagaling sa basketball. Hindi hamak na mas magaling pa ako kaysa kay Zyrus.
Nag-umpisa ng maghiyawan ang mga tao sa loob ng gym. Dahil sa mga sigawan ng mga nanonood ng praktis game.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...