FRITS'S P.O.V.
Gigil kong binato ang bola na hawak ko. Kasalukuyan kasi akong nagpa-praktis ng basketball kasama si Troy at iba pa naming team, umupo ako sa Mahabang upuan at pinusan ko ang tagatak kong pawis.
"Anong problema mo, Frits?" Tanong sa'kin ni Troy, umupo siya sa tabi ko.
"Don't mind me!"
"Why?"
Sa halip na sagutin ko siya. Umalis ako sa tabi niya kinuha ko ang bag ko at sumakay sa kotse ko upang umalis. Hindi na ako nagpaalam sa iba kong ka-team.
Habang nagmamaneho ako sinilip ko ang cellphone at muli kong binasa ang text ng strangers.
"Sigurado akong anak siya ng Amo ni Yaya Chedeng, pagkakataon ko ng makita siya." bulong ko.
Sabi kasi ni Yaya masama raw ang ugali ng anak ng Amo niya. Mabait daw ang magulang ang anak lang daw ang masama ugali. At iyon ang di niya kayang tiisin.
"Beep! Beep!"
Sinalubong ako ng guard namin, at pinagbuksan ako ng gate, may guard kasi kami sa mansyon namin. kailangan iyon for security, agad akong bumaba ng kotse at hinanap si Mommy, nakasalubong ko ang isa sa mga katulong namin.
"Good morning, sir Frits."
"Nasaan si Mommy?"
"Nasa silid niya po."
"Okay, sige salamat!" Umakyat ako second floor ng bahay namin.
"Tok! Tok! Tok!"
" Sino 'yan?" Sigaw ni Mommy sa loob ng kwarto niya.
"Mom, si Frits ito maari ba akong pumasok?"
Bumukas ang pintuan ng
Kwarto ni Mommy. "Anong problema mo Son?"Pumasok ako sa silid ni Mommy.
"Mommy, kilala niyo ba ang anak ng Amo ni Yaya Chedeng?"Umiwas ng tingin sa'kin si Mommy. "Hindi bakit, Son?"
"Wala naman po, sige Mom. alis na ako, Bye!"
Pumunta ako sa silid ko, at naglaro ako ng xbox ko. "Bukas ko na lang iisipin iyon.
Saint Paul International Academy.
Nagditch ako sa last subject ko. nagtext kasi sa'kin ang anak ng amo ni Yaya Chedeng na agahan daw namin kasi absent ang professor niya sa last subject niya, kaya heto ako ngayon papunta sa starbuck cafe na di kalayuan sa school namin, gusto ko na kasi talagang umalis na si Yaya Chedeng sa pinagta-trabahuhan niya. minsan kasi nagsusumbong si Yaya kay Mommy habang umiiyak, naawa tuloy ako sa kanya. Simula kasi ng bata ako hanggang sa lumaki ako si Yaya Chedeng ang naging Yaya ko. Tinuring ko na siyang pangalawang ina. Si Yaya Chedeng kasi ang lagi kong kasama sa bahay, kaya lang naman biglang umalis si Yaya Chedeng dahil sa pumanaw niyang asawa na naninilbihan sa amo na pinapasukan niya ngayon. Siya ang pinalit sa dating asawa niya. Malaki raw ang pagkakautang ng asawa ni Yaya Chedeng sa amo niya, kaya para mabayaran ni Yaya Chedeng ang utang. Nagprisinta siyang manilbihan sa dating Amo ng asawa noya. Sa pagkakaalam ko nga hindi naman pinababayaran sa pamilya ni Yaya Chedeng iyon. Si Yaya lang talaga ang ma-prinsipyo. Hindi siya pumayag na hindi niya babayaran, sinabihan na rin ni Mommy na babayaran niya lahat ng utang ng dating asawa ni Yaya, kaso tumanggi si Yaya Chedeng kaya ngayon mahigit na dalawang taong wala si Yaya sa mansyon tapos mababalitaan ko binabastos at pinapahirapan siya ng anak ng amo niya, kahit kailan hindi ko iyon ginawa kay Yaya.
Nang Makarating na ako sa starbuck cafe. Agad kong hinanap ang babaeng may kulay pink na damit.
"Pink na damit."sabi ko sa isip ko.
isa-isa kong sinuring maigi ang mga kulay ng damit ng mga palabas at papasok na customer ng cafe.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...