CHAPTER 90

337K 7.2K 346
                                    

ALLY'S P.O.V.

Nakaupo kami sa maliit na lamesa ni Frits, habang kumakain sa isang sikat na fast-food chain sa loob ng mall. Dalawang buwan na mula ng maka-recover ako sa pagka-comatose ko,simula noon naging maayos na ang takbo ng buhay ko.

"Boyfriend!" Tawag ko kay Frits.

Ngunit hindi siya natinag, nanatili siyang nakatitig sa 'kin habang nakahalumbaba, napakunot ang noo ko. Para kasing naka-mighty bond na ang mga mata niya sa 'kin, kulang na lang hindi na kumurap, naiilang tuloy ako.

Pinitik ko ang ilong niya sa inis,

"Araouch!" Hawak niya sa ilong niya. tinitigan niya ako. "Wife naman! Ang sakit non ah!" React niya.

"Arauch ka diyan! Ano ba iyon? Kanina ka pa kasi titig nang titig sa 'kin, kung natutunaw lang ako sa titig mo, kanina pa ako nagtu-tubig dito." Irap ko pa.

"Araouch! Aray at ouch. He grinned, pinagmamasdan ko lang ang pinakamagandang babae sa buong mundo. At ikaw iyon, Wife ko, masama ba iyon?"

"Hindi naman, kaya lang narito tayo sa public place eh, alam mo nakakahiya." sinipat ko pa saglit ang mga nasa paligid namin.

Nagsalubong ang kilay niya. "Gano'n? Kinahihiya mo ako?" Dahil magkatapat kami ng upuan, tumayo siya at umikot sa gilid pagkatapos tumabi siya sa'kin habang hinahapit niya ang bewang ko, pagkatapos inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko habang nagtitig siya sa'kin.

"A-Anong Gagawin mo? Hoy Frits! Wag mo'ng gagawin iyan!" Warning ko sa kanya. Habang magkatitigan kami. Naamoy ko ang mabango niyang hininga.

Ngumisi si Frits, "Isa ito sa mga na-miss ko Wife ko," he said in a sexy tone.

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Ang puso ko, nag-uumpisa na namang tumugtog, isa 'to sa mga dahilan kung bakit ako. Nagkukulay kamatis ngayon.

"Ang alin?"

"Yung ganito!" Dahan-dahan niya akong hinalikan sa labi. Napapikit na lang ako.

'Oh, di kami na ang P.D.A. Kami na ang sweet, si Frits eh, ayaw mag-pa-awat.

Napayuko ako habang dahan-dahan niyang inilalayo ang mukha niya sa mukha ko. Habang si Frits nanatiling nakatitig sa'kin, napalunok ako. Parang katulad pa rin ng dati, hiyang-hiya ako kapag hinahalikan at pinagmamasdan niya ako.

"Ubusin na natin ito wife ko," narinig kong sabi niya sa'kin.

Iniangat ko ang mukha ko. At ngumiti sa kanya.

"Sige!"

Hindi na siya lumipat ng upuan. Nanatili kaming magkatabi. Habang si Frits sinusubuan ako ng pagkain. . "Haist! ang sweet niya talaga."

Hindi na bago sa'kin ang mga taong nasa paligid ko ang gawin kaming sentro ng mga mata nila. Kapag ganito ba naman ka showe ang boyfriend mo lahat mapapatingin sa inyo.

"Ang sweet naman nila."

"Ang swerte no'ng girl. Ang gwapo noong lalaki at ang sweet pa."

'Yan ang mga naririnig ko sa mga nasa paligid ko napapangiti na lang ako. Well, swerte nga ako kay Frits. Pero syempre maswerte rin naman si Frits sa'kin, dahil siya lang ang nag-iisa sa puso ko.

"Wife ko, busog na ako. Tama na." Sabi ni Frits habang pinipigilan akong isubo sa kanya ang burger na hawak ko.

Binababa ko ang burger sa tray. "Okay,"

"Allyson!" Narinig kong tinig mula sa harapan namin, tiningnan ko iyon, napatayo ako sa kinauupuan ko nang makilala ang tumawag sa'kin, bigla akong napangiti, pakiramdam ko nga abot tenga ang ngiti ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon