ALLY'S P.O.V.
"Anong meron sa Saint Paul International Academy? Ang weird!" Tanong ko sa isang estudyante do'n, pero hindi ako sinagot,
Kanina pagpasok ko pa lang sa loob ng school, may mga estudyanteng nagbibigay ng rose sa'kin, kapag tinatanong ko kung kanino galing ang sabi galing daw ito kay Dreamboy ko.
"Ally!"sigaw ni Dianne.
Nagtatakbo ito papunta sa'kin."Oh! Bakit? Para kang hinahabol ng tatlong unggoy?"
Habol hininga si Dianne ng makarating sa harapan ko, huminga muna siya bago nagsalita. "Halika! Dali! May papakita ako sa'yo. " sabay niya hila salkin.
"Teka! Ano ba! Wait nga lang Dianne ano bang nangyayari?"
"Basta! Malalaman mo mamaya. Bilis!"
Nag mamadali kaming naglakad at tumakbo patungo sa soccer field. nakarating kami sa soccer field, pagpunta namin do'n, maraming mga estudyanteng nakikiusyo.
"Ano bang meron dito? Bakit ba tayo nandito? Ha! Dianne!"
Ngumiti si Dianne. "Malalaman mo mamaya manood ka na lang."
Isa-isang lumapit sa'kin ang mga estudyanteng kanina na nagkukumpulan, tapos may binigay na rose at may hawak silang letter naghanay-hanay sila. At ang nakalagay ay "I'm sorry Allyson Ramirez."
Napakunot ako ng noo. "Kanino kaya galing ito?"
Mayamaya biglang tumugtog ang kantang Sorry na ng Parokya ni Edgar. Akala ko isang simpleng kanta lang iyon, pero nang binuksan ang kurtina na ginawang stage sa gitna ng soccer field, nanlaki ang mga mata ko ng totoong bandang parokya ni Edgar ang kumakanta, pati tuloy ibang estudyante nagsigawan. Pagkatapos biglang lumapit sila sa'kin ang sikat na mga casanova.
"Hi! Ally, flowers for you!" ani Luke, ngumiti sa'kin, tapos umalis na rin.
"Lalo kang gumaganda Ally. Flowers for you!" Sabad ni Drek.
"Hi! Sexy," ani Patrick.
"Ikaw na yata ang pinakamaswerteng babaeng nakilala ko." Ani Troy.
Tapos isa-isa rin silang naghanay-hanay at may hawak din silang words, ang nakalagay ay "Would you be my"
Putol yung salita, tapos biglang nagtilian at nagsigawan ang mga estudyante ng biglang lumabas si Frits may hawak-hawak na flowers, Siniko ako ni Dianne, halatang kilig na kilig siya. Napatulala ako habang papalapit siya sa'kin.
"Hi! Flowers for you baby." Tapos ngumiti siya sa'kin.
Namula ang pisnge ko, sobrang kilig na kasi ang nararamdaman ko, tapos humanay na rin si Frits sa mga kaibigan, at yung words na nasa kanya, ay GIRLFRIEND, hiyawan ang mga babae.
"I'm sorry Allyson Ramirez. Would you be my Girlfriend? please! Lumuhod pa si Frits sa'kin. Mas lalo tuloy nagsigaw ang lahat.
"Tumayo ka nga diyan! Pumapayag na ako." walang ka abog-abog kong sabi.
Tumayo si Frits at ngumiti, tapos niyakap niya ako at binigyan ng isang smack na kiss sa pisngi, namula ako sa sobrang kilig, pakiramdam ko end of the world na. Hindi ako makapaniwala na mai-inlove rin sa'kin si Frits.
"Kyaaahhh! Nakakakilig silang dalawa." Usal ng isang babae.
"Oo nga, bagay silang dalawa, pareho silang gwapo at maganda." Usal naman ng isa.
"Nakakasad! Hindi na single si Papa Frits ko."
"Sus! kahit single 'yan. Hindi ka papatulan niyan."
Lahat iyon ay narinig ko pero wala akong pakialam. Ngayon ay official na kaming magkarelasyon ni Frits.
"Listen, Everyone! Miss Allyson Ramirez is my girlfriend, walang pwedeng manakit sa kanya kung ayaw niyong mapatalsik sa school na ito, maliwanag!" Sabay yakap niya sa'kin.
Tumango lang ang iba at ang iba ay sumagot ng Oo, pagkatapos magkayakap kaming pinakikinggan ang kanta ng parokya ni Edgar. pagkatapos ng dalawang kanta umalis na ang mga ito.
"Ahm... Frits, paano mo napakiusapan ang prinsipal na gawin ang lahat ng ito?" Tanong ko.
"Baby, Kayang-kaya ko 'yan gawin, isang kindat ko lang sa Principal."
"Hmp! Yabang mo!"
"Ha-ha-ha! Wag mo ng alamin. Teka dapat baby na rin itawag mo sa'kin."
Ngumiti ako. "Sure, Baby!"
Pagkatapos tumunog ang bell. Hudyat na mag-uumpisa na ang klase, actually dapat kanina pa nag-umpisa, two subject na rin ang nawala, talagang malakas lang talaga si Frits, kaya nagawa niyang ipa-cancel ang two subjects.
"Baby, Susunduin kita mamaya." ani Frits.
Tumango ako. "Sige hihintayin kita."
"Sabay tayo sa breaktime mamaya." ani Frits.
Tumango ako at ngumiti. "Sure,"
"Baby, wala bang goodbye kiss?" Pilyong sabi ni Frits.
"Ha? Nakakahiya. "sabi ko,
Hinila ako ni Frits pagkatapos ngumiti siya habang nakatitig sa'kin.
Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. Pagkatapos umalis na siya kasama ng iba pang kaibigan.Nakatulala ako habang hawak-hawak ko ang pisngeng hinalikan ni Frits habang tinatanaw sila papalayo.
"Aarray!" Isang mahinang batok ang ginawa sa'kin ni Dianne.
"Kilig na kilig ka masyado. Tara na! Baka malate na tayo." Sabi ni Dianne
"Ikaw ha! Dianne ang sakit ah! Buti na lang hindi ulo ko ang hinalikan ni baby ko. Kung nagkataon dumikit na diyan sa kamay mo 'yung lips niya."
Nilingon ako ni Dianne. Sabay irap, "O.A sa kaartehan! Gusto mo sampalin kita? Para mawalan ang kiss ni Frits Santiago sa'yo?"
"Subukan mo lang! Hindi nga ako maghihilamos. Kyaahh! Grabe nakakakilig talaga! He kiss me!" Para akong praning na hawak-hawak ang pisngi ko.
"Loka! Loka! Nahalikan ka lang sa pisngi nagkakaganyan ka na. How much more kung sa lips 'yan! Baka tumalon ka na sa roof top ng school."
"Ha? Sa lips! Malalaman natin 'yan now a days. I'm so excited!"
"Psh! Bahala ka nga diyan. Mauna na ako sa'yo, Ally." Ani Dianne.
"Teka! Antayin mo ako Dianne. Ayoko mapagalitan." Nagmamadaling akong sumunod kay Dianne.
Pagpasok ko sa loob ng classroom. sa'kin lahat nakatingin ang mga classmate ko, taas noon naman akong naglakad papunta sa upuan ko. mayamaya lang dumating na ang professor namin, at dahil ayaw kong makinig ng day dreaming na lang ako, kaysa makinig sa tinuturo ng professor namin.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...