ALLY'S P.O.V.
"Yayaaa!"
Nagmamadaling tumakbo ang katulong naming papunta sa harapan ko.
"Bakit po, Senyorita?" Hingal na hingal na sagot ng katulong namin.
"Yaya! baket ba ang tagal mo?!" Nakasimangot kong sagot, sa lahat kasi ng ayoko yung pinag-aantay ako ng mga mutchacha. Ako ang AMO. Kaya hindi dapat ako pinaghihintay.
Nasa harap ako ng Hapagkainan at kumakain ng almusal. Nakasuot ako ng school uniform papasok na kasi ako pagkatapos mag-almusal.
"P-Pasensya na po Senyorita Ally. A-Ano po ba ang kailangan niyo? " nauutal na sagot ng katulong namin.
"Bigyan mo ako ng juice!"iritable kong sagot.
"Allyson, nasa harap mo lang ang juice kukunin mo lang." Sabad ni Mommy. Si Mommy ang numero uno kong kaaway sa bahay namin, bakit ba kamo? Siya kasi ang palaging kumokontra sa mga nais kong gawin. Favorite niyang kampihan ang mga katulong namin sa bahay.
Sumimangot ako, "Kaka-lotion ko lang po Mommy! Baka matanggal mahal pa naman ang lotion ko."
"Eh ano naman kung kaka-lotion mo lang? pwede ba Allyson hindi lahat ng bagay pwede mong i-utos sa mga katulong dito," sermon ni Mommy sa'kin.
Umirap ako. As always Maid na naman ang bida kay Mommy. Abogado yata si Mommy ng mga muchacha. Nakakainis!
"Ano pa bang silbi nila dito? Binabayaran sila para maging utusan!" tinapunan ko pa ng masamang tingin ang katulong na nasa harapan ko.
"Allyson! Sumosobra ka na!" Sigaw ni Mommy.
Huminga ako ng malalim. Ayoko ng madagdagan pa ang inis ko sa Mommy ko. Kung kaya't tumayo na ako. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko. "Aalis na ako! Nawalan na ako ng ganang kumain," Kinuha ko ang gamit at lumabas na ako ng bahay para pumasok.
"Saan ka pupunta?"
"Papasok na. Kuyaa tony! tara umalis na tayo." Sigaw ko sa driver namin.
"Allyson! Hindi ka pa tapos kumain. Bumalik ka rito."pasigaw ni Mommy.
"Bye, Mommy!"pahabol kong sabi sa kanya.
Saint Paul International Academy,
Isa sa pinakamalaking International School ang Saint Paul. Dahil mula Elementary hanggang College. pwedeng mag-aral sa school na ito. School ng mga sikat, Nang mga High Profile na tao. Madami rito ang mga bully, Mga Gangster, mga Model, mga Artista ang nag-aaral dito. Ito ang Pinakasikat na School ng Mayayaman. Hindi ka makakapasa rito kung hindi ka Mayaman. Number one rules dapat mayaman ka, kapag wala kang pera hindi ka pwede rito dahil hindi uso ang salitang poor.
Dahil maaga akong umalis ng bahay, maaga rin akong nakarating ng School. Second year college na ako. Nang business management. Simula section A to section C ang course ng business Management dahil sa dami ang nag-e-enroll dito, section E to G ang course ng Engeneering. Pagpasok palang ng bentley mulsanne na sasakyan namin, sinalubong na ako ng mga nakahalerang mga estudyante.
"Good morning Allyson!" Sabi ng isang estudyante.
Ngumiti ako ng sobrang plastik.
"Ang papanget naman! Lalo tuloy nasira ang araw ko. Tss!" bulong ko.
Isa rin kasi ako sa mga kinai-inggitan ng mga babae sa school. At pinagpa-Fantasyahan ng mga kalalakihan.
Alam mo ba ang description ng goddess? ME, MYSELF and I. Allyson Ramirez.
"Bakit nakasimangot ka?" Tanong ni Dianne sa'kin, ang nag-iisang kaibigan ko sa school.
Nilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng table ko. "Si Mommy kasi, pinakialaman na naman ako."
"Dahil na naman ba sa pag-utos mo sa katulong niyo?"
"Exactly! Binabayaran sila sa bahay para pagsilbihan ako, pag wala talaga si Daddy sa bahay. Laging ganyan si Mommy."
"KkyyAaahhh!"
Rinig naming hiyawan sa labas ng Classroom namin, nag mamadali kaming lumabas para makita kung sino ang tinitilian nila,
"Kkyyaahhhh!"
"Ang gwapo nila!"
Dumating kasi ang limang pinakasikat sa school, ang limang Casanova.
Si Luke Perez. Member ng Soccer Team, Chickboy, lahat daw ng babae natitikman niya, Half British at Half filipino.
Si Patrick Corpuz. Half Korean, half Filipino siya ang pinakamabait sa lima, Member din siya ng Soccer Team.
Si Drek Andrew Lopez. Half Spanish at Half Filipino, pinaka-matakaw sa lahat, pero siya ang pwede mo'ng kausapin, wala siyang hilig sa sport ang gusto niya kumanta, balita nga namin may banda siya.
Troy Luis Perkins. Half American at Half Filipino, Playboy, lahat ng babae gusto niyan, basketball ang hilig niya.
Si Frits Santiago. Half Korean at Half Filipino. Sila ang may ari ng Saint Paul international Academy, Ang pinaka-masungit sa lahat. Hindi siya ngumingiti kahit may cute siyang dalawang dimples. Sinasayang lang niya, Captain ng Basketball at siya ang type ko.
"Kyaahh! Tingnan mo si Patrick mas lalong gwapo ngayon. Kilig na sabi ni Dianne.
Siniko ko siya, "Wag kang maingay palapit na sila rito."
"Yung crush mo nakasimangot. Buti nalang nadala ng dimples niya ang simangot niya."
"Oo nga, nakaka-starstruck."
Nang malapit na ang lima. Naghiyawan lalo ang mga babae pati si Dianne nakitili na rin.
"Hi! Frits." Sabi ko nang palapit na siya sa harapan ko.
Ngumiti pa ako ng killer smile ko. Pero walang epekto. Dinaanan lang niya ako at parang hindi ako napansin.
"Girl, Deadma ang beauty mo." Sabi ni Dianne.
"Maghintay ka lang Dianne magiging Boyfriend ko rin 'yan."
"Weh? Sumulat ka sa wish ko lang para magkatotoo."
Inirapan ko siya, "Walang makakatanggi sa taglay kong alindog. Tandaan mo 'yan!"
"Ilang beses mo na yang sinabi eh, siguro sa ibang boys dito. Oo, may epekto 'yan Ally, pero kay ultimate crush mo. Wala! Kahit siguro maghubad ka sa harapan niya walang epek! As in walang talab sa kanya."
Umirap ako sa kanya. "Psh! Nakaka-asar ka!"
Pagkatapos biglang nag ring ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase. Agad kaming nagsibalikan sa classroom namin upang magsimula sa unang subject namin.
Nasa section B ako. Ang limang casanova nasa section A. Matatalino kasi ang mga iyon kahit parating nagdi-ditch.
Sa school namin marami rin namang mga gwapo at may casanova rin naman hindi lang kasing sikat ng lima at hindi ko lang sila type.
BINABASA MO ANG
MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA-BOOK 1(Published Under PSICOM)
Teen FictionSi Allyson Ramirez. Spoiled Brat, Maldita. Maganda at hinahangaan ng mga Lalake sa School nila, lahat na yata ng gusto nya nasa kanya na, lahat kaya nyang makuha, pero may isang tao ang hirap na hirap nyang makuha yun ay si Frits Santiago. isa sa...